Helio's POV
Habang naglalakad ako ay may mga ibang estudyante nag bubulungan. Tiningnan ko sila at huminto sila sa pag-bubulungan. Parang ako yata ang pinagbubulungan nila ah! Wala akong magawa kasi ganyan naman ang mga tao eh. Chismis lang ang alam! Tse!
Binuksan ko ang pinto at pumasok na ako sa room at nakita ko ang mga classmates ko na nakatitig sila sa akin. First time nila nakakita ata ng dyosa? Hahaha. Joke! Pumunta ako sa seat ko pero wala parin doon si Ally. Pinalabas ko muna si Gaizzo para makipaglaro ako sa kanya pero as I expected tulog na tulog parin ito. Dumating din si Ally at nag-usap kami saglit at pumasok din si Miss. Canedo at pinabalik ko si Gaizzo sa loob ng Loop.
"Good Morning class, We have a new student" sabi nito at pinapasok ang isang babae. I can see her aura... Parang bitch siya eh! First impression ko palang.
"Good Morning everyone! My name is Astro Jon Vou! But you can call me Astro for short!" sabi nito na may pagka high pitch ang boses nito. Annoying talaga!
Pinaupo siya sa 3rd row at nasa 4th row kami nina Ally. Tiningnan ko siya at in-observe ko siya. I thing she might be good... I think...
Nagsimula nang magturo si Miss Canedo. We talked about the creation of the Philia and the other Universe's. Napanganga ako kanina ng malaman ko may Apat pa palang Universe's na malapit sa Philia and they are called: Gestro, Julio, Sol at Ferio.
Natapos ang klase namin at lumabas kami para sa susunod na subject na Fiends 1. Nag-uusap lang kami ni Ally palabas ng room ng biglang may humarang sa dadaanan namin ni Ally. Tumaas ang kilay ko at nakita ko si Assto. Puchek! Astro pala.
Napahinto kaming dalawa ni Ally sa paglalakad. "Excuse me. Dadaan lang kami. Nakaharang ka kasi eh" pakiusap ko kay Assto.
Tinaasan niya ako ng kilay niya. "I heard you have a rare familiar."
"Oo. Meron ako. Nasagutan na kita. Tsupe! Alis!" sabi ko sa kanya habang naglalakad palayo sa kanya.
"You bitch" sabi niya ng mahina pero rinig ko parin. Hinila niya ang buhok ko ng malakas at napa sigaw ako. Tiningnan kami ng ibang estudyante. Hinila parin ni Assto ang buhok ko at sobrang sakit talaga. Hindi ko kinaya ang sakit at napasigaw talaga ako ng malakas. Biglang yumanig ang lupa pero hindi parin binitawan ni Astro ang buhok ko. Sumigaw ulit ako ng malakas at nabitawan din ni Astro ang buhok ko. Tiningnan ko siya ng masama, hindi siya makagalaw. Nanginginig siya habang tinitingnan niya ako. Nararamdaman ko parin nag sakit na ginawa niya sa akin kaya pinataas ko ang mga kamay ko, at dahan-dahang lumutang si Astro.
"Wag mo akong saktan!" sigaw ko at yumanig ulit ang lupa. Binaba ko ang kamay ko at nahulog siya sa itaas. Tiningnan ko si Ally. Ngumiti ako at nawalan ng malay.
...
Dahan dahan kong binuka ang mga mata ko at binati ako kaagad ng isang Ally na natutulog sa tabi ko. Nasa clinic pala ako. Teka... Bakit nga ba akong nandito. Pinikit ko ang mga mata ko at na-alala ang mga nangyari kanina. Napa ngisi nalang ako nang ma-alala ko ang mukha ni Astro na sobrang takot! Hahaha!
Gumising si Ally at niyakap niya kaagad ako. "Bess! Wag mo akong takutin! Akala ko anong nangyari sa'yo!" sabi nito na sobrang OA talaga.
"Bess, Okay lang ako" hinigpitan ko ang yakap namin.
Pumasok sa loob ng room ang isang lalake na naka lab coat. "Helio, Okay na ang status mo. Pwede ka nang umuwi" sabi nito at lumabas sa room.
Tumayo ako at nag stretch muna. Kinuha ko ang bag ko at sumabay kami ni Ally patungo sa FR Tower. Hinatid niya ako sa dorm ko at nagpaalam din siya. Binuksan ko ang room ko at bumati sa akin ang isang lalaking nagbabasa ng libro na parang walang pake sa paligid. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta ako sa kwarto ko. Nagbihis ako kaagad at pinalabas si Gaizzo. Kumuha ako ng isang manipis na libro na may title na To Love At Last. Lumabas ako sa kwarto at umupo sa bakanteng upuan sa sala. Nagsimula na akong magbasa at biglang-
BINABASA MO ANG
Euthoria Academy || Philia Universe
FantasyTaergoria Citadel, a land where Magic exists, and weilders attends a Special School for Abilities. Helio Irene Sylvia, was invited to attend this School by the Headmaster. Now, she has to learn how to control her abilities and find the true meaning...