Steve's POV
Busy na busy kami ngayong buwan dahil ngayong buwan na ang graduation namin sa college tapos ngayong buwan rin ang deadline ng portfolio namin sa Practicum namin, at ngayong buwan rin ang last signing of clearance namin kaya naman hindi namin alam kung ano ang aming gagawin. Pati ako naguguluhan na din.
"Steve! Halika na! Nandito na si Dr. Manlo! Chance na natin to para matapos na yung clearance natin!" anyaya ni Josh sa'kin.
"Oo nandiyan na! Hintay!" sabay ligpit ng gamit ko at takbo para makahabol sa kaniya.
Mabuti nalang talaga at ipapasa ko na lang ang portfolio ko at pirma na lamang ni Dr. Manlo ang kailangan ko para sa clearance ko para sure na na ga-graduate ako.
Naabutan namin si Dr. Manlo na nakaupo sa kaniyang cubicle at malayo ang tanaw. Parang malalim masiyado ang iniisip niya. Nagdadalawang-isip tuloy kami ni Josh kung papasok ba kami at pupuntahan siya o hindi. Pero tinuloy pa rin namin ang aming pinagplanuhan, papasok, pupunta kay Dr. Manlo, magpapa-pirma, magpapasalamat, aalis. Wala nang iba.
Unang pumasok si Josh sa loob ng faculty room, hindi siya nagtagal doon at agad na napirmahan ang clearance niya. Time ko naman para pumasok. Hooooo! Inhale, exhale. Wag kang mag-alala Steve, magpapapirma ka lang ng clearance, wala nang iba, walang dapat ikatakot. Kung hindi niyo kasi naitatanong, si Dr. Manlo ay isa sa mga pinaka-nirerespeto dito sa school namin sapagkat hindi lamang siya nakatapos ng Doctorate Degrees, yes, degrees, madami, isa rin siyang taniyag na manunulat at lahat ng mga librong kaniyang nailathala ay ginagamit sa iba't ibang paaralan sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kaya naman mataas din ang standards niya at hindi siya nasiyadong approachable hindi gaya ng ibang mga manunuro dito sa school.
So ayun na nga, pumasok na ako at agad na tumungo sa kaniya. Binati ko siya tsaka ko sinabi sa kaniya ang aking pakay. Pero parang hindi niya ata narinig ang sinabi ko. Kaya naman inulit ko ang pagbati at ang pakay ko sa kaniya. Para bang bigla siyang naalimpungatan nang marinig at makita ako.
"Oh. Yes Mr. Corpuz, what can I do for you? Please have a seat." aya niya sa akin.
"Thank you Doc, but hindi rin naman po ako magtatagal, magpapapirma lang po sana ako ng clearance?" tugon ko.
"Oh yes, of course! Let me have it."
Kaya naman binigay ko sa kaniya ang clearance sheets ko. Binigay niya na rin agad sa akin ang clearance sheets ko matapos niya itong mapirmahan.
"Congratulations Mr. Corpuz. It seems that pirma ko na lang ang kulang para siguradong makakapag-marcha ka sa Graduation Ceremony." then he chuckled a little bit na almost hindi mo mapapansin.
"Kaya nga po Doc. Thank you po Doc. Mauna na po ako. Salamat po ulit." tugon ko sa kaniya.
Papa-alis na sana ako ng bigla akong tawagin ni Dr. Manlo.
"Ahmm, Steve? Do you have a minute? I just want to talk to you about something, that is kung hindi ka nagmamadali." sabi niya.
"Yes Doc, of course. What is it?" tugon ko sa kaniya.
"Have a seat." anyaya niya sa akin kaya umupo na ako.
"You know what, I can sense the powerful mind that you possess. I mean through that you can go places. Magagamit mo iyan in the future, that's for sure. But I hope that you'll use it for solving other people's cases, not your personal ones. Please take care always. You and your loved ones. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga panahon. I know you've chosen to be a teacher but I know you can do other amazing things aside from teaching. Please use your mind wisely." puri at habilin niya sa akin.
I can't believe it! Ba't parang kinabahan ako bigla sa sinabi niya? Bakit parang may mangyayari ata? Ano'ng ibig niyang sabihin?
*--*
BINABASA MO ANG
Because I Closed My Eyes
General FictionAno ang gagawin mo kung pinatay ang pinakamamahal mong kaibigan sa tabi mo ng hindi mo namamalayan?