Steve's POV
"Si Mia kasi, nalaman ko kasi na wala pala siyang sinu--- *SLAP*" napatigil siya.
Jusko po! Mukhang napalakas ata yung sampal ko! Jusko anong gagawin ko nito? Steve, mag-isip ka ng palusot.
"Sandali nga, wag ka nga munang gumalaw, ang laki ng lamok na dumapo sa pisngi mo kanina. Papatayin ko lang." palusot ko sa kaniya.
"Talaga ba Steve? Talaga ba?! Anong klaseng lamok yun para bang tarantula? Ang lakas ng tampal mo ah!" inis na sabi niya sa akin.
"*Tinitigan at pinag-dilatan ng mata* OO MALAKI." sabay tingin kay Mia na papadaan na sa gilid ng table namin.
Mukhang na-gets niya naman niya yung point ko kaya naman sumabay nalang siya para di siya mabisto.
"Ano?! Patayin mo Steve! Hanapin mo, bilis!"
"Wag ka nga kasing malikot!"
Hinintay lang talaga namin na makadaan si Mia bago namin pinagtalunan ang pananampal ko sa kaniya. Bumakat yung kamay ko sa mukha niya eh. HAHAHAHA.
"*Sinuntok ako sa braso* High ka ba?! Pwede mo namang isubo nalang sa akin ang kinakain mo ah? Hindi yung kuny maka-sampal ka wagas!" inis na inis niyang sabi sa akin.
"Ikaw naman kasi kung ano-anong sinasabi mo dito eh pwede naman nating pag-usapan yan mamaya pag-uwi natin kung hindi nga ba talaga siya nagsusuot ng--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang isinaksak ang siopao na kinakain niya sa bibig ko.
"Gutom ka pa Steve ano? Eto sayo nalang itong siopao na binili ka baka kasi mangayayat ka. Tara alis na tayo.' at lumabas kami ng cafeteria habang hawak-hawak ang siopao na nakasalaksak sa bibig ko.
Nang medyo malayo-layo na kami sa cafeteria, tinampal ko na kamay niya.
"Oh tama naman na! Di na'ko makahinga eh. Bakit ba?!"
"Ikaw jan ang kung ano-ano ang iniisip eh! Hindi ko naman sinasabi na hindi siya nagsusuot ng kung ano! Ikaw lang naman itong may maduming isip. Ang ibig ko kasing sabihin, si Mia pala, walang kahit na sinumang naging boyfriend! Yun yon eh!" pagpapaliwanag niya.
"Ah kahit na! At least napigilan kita sa balak mo. Bakit, gusto mo ba na malaman ni Mia na chismoso ka at siya pa yung mga laman ng chismis mo?" depensa ko sa sarili ko. Nakuuu sana makalusot.
"Sabagay may point ka. Pero di parin tama yung ginawa mo na bigla-bigla ka nalang nananampal! Ang hapdi kaya sa mukha! Subukan ko kaya sayo?" pagbabanta niya sa akin.
"Oo na mali na ako. Sorry naman!" sabay *beautiful eyes* na panunuyo ko sa kaniya.
"Ay nako, di mo ako madadaan sa sorry mo! Ganti ang gusto ko! Halika dito!" Hindi ata tumalab ang *beautiful eyes* ko. Buti nalang at di niya ako nasapo. Kung nahawakan niya ako, tiyak hindi lang sampal ang aabutin ko mula sa kaniya.
Hinahabol niya ako hanggang papalabas na kami ng campus. Wala talaga akong balak na magpahuli at magpa-ganti sa kaniya. HAHAHAHA.
Mukha man kaming batang tingnan dahil sa mga inaasta namin pero ito yung nagiging bonding namin eh. Yung wala kaming pakealam kung sino ang nasa paligid pag nagsimula na kaming magkulitan.
Sigurado ako na pag kinalimutan ako nito, patay to sa akin. Sigurado din akong mangyayari din yun sa akin pag kinalimutan ko siya.
*--*
BINABASA MO ANG
Because I Closed My Eyes
General FictionAno ang gagawin mo kung pinatay ang pinakamamahal mong kaibigan sa tabi mo ng hindi mo namamalayan?