Chapter 3

0 0 0
                                    

Steve's POV

Sandali kaming natahimik bago niya muling basagin ang katahimikan at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan na manggagaling sa kaniya.

"Well Mr. Corpuz, I was just kidding *chuckles*. But please see the meaning of my message okay? You may go."

I laughed with awkwardness. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa huling sinabi niya. Kaya nagpasalamat na lamang ako sa kaniya tsaka mabilis na lumabas ng office.

"Oh? Anong klaseng expression yan? Hindi ba pinirmahan ni Dr. Manlo ang clearance sheet mo? pambungad na tanong sa akin ni Josh.

"No, pinirmahan naman niya. It's just that ang weird. May sinabi kasi siya sakin na parang masiyadong malalim, seryoso at mabigat. Pero binasag niya eh. Hindi ko ma-gets kung joke ba dapat yun o ano pero ang weird talaga." sabi ko kay Josh.

"Oh? Anong sabi niya?" usisa niya sa akin.

"Gamitin ko daw utak ko sa tamang paraan. Hindi naman ako bumagsak ah? Wala naman akong problema sa academics ko. Wala naman akong mental issue. Anong point niya?"

"Baka nahuli ka niya na may ginagawang kabulastugan *gasped*! Umamin ka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin Steve?" tanong niya sa akin.

"EXCUSE ME MR. VILLEJOS. Wala kang hindi alam tungkol sa akin ah! Diba nga kilala mo mga naging crush ko at ni minsan ay hindi rin ako nagka-girlfriend. Kasama kita sa mga kalokohan ko kaya wala akong pwedeng itago sa'yo." sabay sundot ng kaniyang noo.

"Oo na. Sige na. Pero maski ako naguguluhan kung ano'ng ibig niyang sabihin sa sinabi niya sa iyo kung ano man yun." nakikinig ba talaga to sa akin?

"Hay nako. Tara na nga. Wa'g na nating isipin yung mga sinabi niya sa akin. Kalimutan na lang natin yun." sabi ko sa kaniya.

Kaya naman ang ginawa namin ay pumunta ng cafeteria at bumili ng makakain since malapit naman na ang uwian at nagrereklamo na ang aking tiyan sa gutom. Meriyenda time na!

Habang kinakain ko ang binili kong lumpia, biglang nagsalita si Josh.

"Steve, tulungan mo naman ako oh." sabi niya.

"Oh? Ano yan? Kung kalokohan na naman yan ay nako wag mo na akong idamay diyan please lang Josh. Magbabagong buhay---"

"Patapusin mo nga muna ako. Ano, tutulungan mo ako oh hindi?"

"Ano ba kasi yan?"

"Kilala mo si Mia diba? May nalaman kasi ako."

Mia Dinio, ang ultimate crush ni Josh. Since second year college ay crush niya na si Mia at nangako siyang gagawin niya ang lahat para mapasakaniya si Mia. Yuck, kadiri. Bitter na kung bitter basta pag usapang L.O.V.E hindi ko matagalan. Ewan ko ba.

"Oh ano? Stalker ka talaga." biro ko sa kaniya.

But I don't consider it as a joke kasi since second year college din kasi ay updated siya sa lahat ng bagay basta ba tungkol kay Mia. Kung saan siya pumupunta, kung ano kinakain niya, sino mga kasama niya, favorites niya. Ewan ko, sinusundan niya ata talaga si Mia.

"Oo naman, alam mo yan! Eh kasi nga may nalaman nga ako." sabi niya.

"Oh ano nga kasi ang nalaman mo mga?"

"Si Mia kasi, nalaman ko kasi na wala pala siyang sinu--- *SLAP*" napatigil siya.

Maski ako ay nagulat at napalaki ang mata sa nangyari.

*--*

Because I Closed My EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon