Dr. Manlo's POV
I really can't believe it. That vision was the most terrifying to date. Mabuti sana kung hindi ko sila kilala, but kilalang kilala ko sila. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Here, I can see visions of the future, at majority sa mga naging visions ko ay nagkatotoo. Wala akong magawa upang pigilan ang mga visions na iyon sapagkat tao lang din ako. Sino ba naman ang maniniwala sa mga pangitain na iyan? Hindi na yan uso ngayon dahil advanced na ang panahon natin ngayon.
I was just seating at my cubicle when Josh Arnaiz approached me. I was shocked. Hindi ko halos maigalaw ang katawan at bibig ko para magsalita.
"Good Afternoon Doc. Magpapa-sign po sana ako ng clearance?" bati at tanong niya sa akin.
"S-sure." mautal-utal kong sabi.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba sa kaniya? O hahayaan ko na lang? Pagkatapos kong pirmahan ang kaniyang clearance ay nagpasalamat na siya at tsaka lumabas. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kaniya ang pangitain ko, baka kasi matakot siya sa akin at sa sasabihin ko.
Muli na naman akong nakatulala at ang utak ko ay lumulutang na naman aa kawalan. Paano ko kaya sasabihin sa kaniya na...
"Good Morning Doc. Magpapapirma po sana ako ng clearance?" medyo mataas na boses niyang sabi.
Naalimpungatan ako bigla. Si Steve lang pala.
"Oh. Yes Mr. Corpuz, what can I do for you? Please have a seat." offer ko sa kaniya
"Thank you Doc, but hindi rin naman po ako magtatagal, magpapapirma lang po sana ako ng clearance?"
"Oh yes, of course! Let me have it." sabay kuha ko sa kaniyang clearance at pinirmahan ito.
"Congratulations Mr. Corpuz. It seems that pirma ko na lang ang kulang para siguradong makakapag-marcha ka sa Graduation Ceremony." sabay abot sa kaniyang clearance sheet.
"Kaya nga po Doc. Thank you po Doc. Mauna na po ako. Salamat po ulit." tugon niya sa akin
Bigla ko'ng naalala na matalik na magkaibigan nga pala sila ni Josh. Sa kaniya ko nalang kaya sabihin?
"Ahmm, Steve? Do you have a minute? I just want to talk to you about something, that is kung hindi ka nagmamadali." tanong ko.
"Yes Doc, of course. What is it?" tugon niya
"Have a seat." sabi ko sa kaniya.
"You know what, I can sense the powerful mind that you possess. I mean through that you can go places. Magagamit mo iyan in the future, that's for sure. But I hope that you'll use it for solving other people's cases, not your personal ones. Please take care always. You and your loved ones. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga panahon. I know you've chosen to be a teacher but I know you can do other amazing things aside from teaching. Please use your mind wisely."
Nakikita ko na naguguluhan at medyo kinabahan siya sa sinabi ko kaya naman binawi ko agad ang sinabi ko.
"Well Mr. Corpuz, I was just kidding *chuckles*. But please see the meaning of my message okay? You may go."
Parang nagdadalawang-isip pa siya kung tatawa ba siya oh ano pero tumayo na rin siya at nagpasalamat tsaka tumalikod at lumabas ng office. Malalaman mo rin kung ano ang ibig kong sabihin Steve. Hindi man ngayon pero sa takdang panahon. Sana makapag-handa ka.
*--*
BINABASA MO ANG
Because I Closed My Eyes
General FictionAno ang gagawin mo kung pinatay ang pinakamamahal mong kaibigan sa tabi mo ng hindi mo namamalayan?