Pauline POV
*SCHOOL*
"Maria may naghahanap sayo" sabi ni Marcel na natakbo palapit sakin.
"please Marcel, don't call me Maria" naiinis kasi ako kapag tinatawag na maria, kung bakit?? Malalaman nyo nalang"okay, Pauline na hindi na Maria"
Natatawa nyang sabi. "good. Oh sino nga palang naghahanap sakin?" tanong ko sa kanya na naudlot nyang sabihin sakin." si KRASS MO!! , si Aldryn " sabi nya na may diin at medyo kinikilig.
"FYI hindi ko sya crush. Saan?" tanong ko kasi baka naghihintay na yun."sa fourth floor ng building na yun" sabi nya sabay turo sa room na malayo-layo samin. "ah sige puntahan ko muna. Kita nalang tayo sa room"
Tumakbo ako papunta dun. May nabunggo pa nga akong ibang estudyante.
Nasa may second floor na ako. Nakakapagod kasi ang taas at hagdan lang ang gamit.
Nakarating na ako dun at naabutan ko sya na nakasandal malapit sa bulletin board nila.
"Aldryn!!" tawag ko sa kanya at naghabol ng hininga. "bakit?"
Tanong nya sakin na ikinanuot ng noo ko. "anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya sa sya namang nagpakunot din ng noo nya."ehh sabi ni Marc-----ayy! Pota naloko ako. Hindi ba nya alam na nakakapagod pumunta dito sa fourth floor!!" naiinis ako. Patay sya sakin mamayang breaktime.
"hahahah" tawa ni Aldryn na ikinatawa ko din. "buti nga ayan lang ang nagawa nya sayo, ehh yung akin matindi" sabi nya na nagpalakas ng tawa namin.
"Tanda mo pa yung ginawa sayo dati ni Marcel.yung pinaupo ka sa upuan na may mga glue at mga nginuyang bubble gum.whahah" tumawa ako ng tumawa kaso sya hindi na. binigyan nya ako ng malakas na batok. Halos mangiyak ngiyak ako sa sakit.
"Arayyyyyy!!!" paranf bata kong sabi. "hahah. Bumalik ka na nga sa room mo. Malapit na magklase." sabi nya habang hinihimas nya yung ulo kong binatukan nya.
Bumaba na ako at nasa court na ako. Nabawasan na yung mga estudyante kaso marami paring nasa labas.
Nakapunta na ako sa room at haggard na ako kaagad. Naghanap ako ng upuan at sa dulo ako umupo.
Tutal wala pa naman yung teacher namin pumunta muna ako sa CR para mag ayos ng sarili.
Bumalik na ako sa room at saktong nakita ko na yung teacher namin na malapit na rin. Tumakbo na ako at halos masubsob ako. Umupo na ako sa upuan ko at inayos ang damit ko.
"good morning class" ayan na pala yung teacher namin at hindi ko napansin. "I'm ms. Remonte, your ICT teacher." sabi ni ma'am. Ict kaagad Bunyan???
"putekk umagahan ICT" nagtinginan yung mga kaklase ko. Napalakas pala yung pagkakasabi ko.
"what did you say?" hindi siguro narinig ni ma'am yung sinabi ko kasi nagtatanung sya 😅Dahan dahan akong tumayo at tumingin kay ma'am. "ah wala po ma'am. Soryy po" kinakabahan kong tanung kay ma'am.
"ok take your sit!" halos pasigaw nyang sabi kaya nataranta akong umupo.
Nagsimula na syang magsalita ng kung ano ano. Kung ano yunh kailangan namin blah blah blah
Tapos na magklase si ms. Masung-----este ms. Remonte. Ddumating naman yung teacher na kasunod nya na.
Pagkalipas ng mga nakakaantok at nakakabagot na discussion, recess na at mababatukan ko na ng malakas lakas si marcel. Nakalimutan ko kasi kanina ehh magkaklase pala kami
Papunta na ako sa canteen at mahirap sumingit dahil ang daming taong nalabas.
Nakapunta na ako at hinihintay ko nalang sila aldryn.
*BULAGA!!!*
mamatay na ako sa sobrang gulat ko
"papatayin mo ba ako sa gulat??"
Inis na tanung ko kay Hanna. Nakangiti naman sya ng todo."sinong hinihintay mo??" tanong nya sakin at nakangiti parin.
"si marc---"
"oh eto pala si Marcel ehh" pagputol nya sa sinabi ko. Ayos na man ehh kasi nakita ko ang gagong loko-loko.
"gago ka, first day of school loko-loko ka na!!" binabatukan ko sya habang nanggigigil ako sa kanya.
Tumigil na ako sa pagbatok ko. Nagulat ako dahil nakatungo sya at ang tahimik. Hala? Napalakas ba yung mga batok ko??
Lalapit na ako sa kanya ng dahan dahan nyang iangat ang ulo nya at nakangiti??? Gago talaga ehh!!
Nangunot naman ang noo ko.
"hahaha alam ko namang namiss mo si Aldryn ehh, pasalamat ka nga alam ko yung room nya ehh." sabi nya habang tinutusok tusok ako sa tagiliran.
" sorry ka! Hindi ko po sya namiss "
Kunyareng naiinis kong sabi. "wehh??!" ngiting ngiti sya habang may pagtusok sa pisngi.Naghanap nalang ako ng mauupuan at alam kong nasunod sila. Tumingin si Hanna sa wrist watch nya.
"ahh guys una na ako" sabi ni hanna pero pinigilan sya ni Marcel. "ahh wait lang, sabay na tayo" sabi ni Marcel.
"wag mo namang iwan si Pauline" nakangiti si hanna ng sinabi yun. Pati si Marcel nakangiti ng nakakaloko at may nilulutong kalokohan sa isip.
"di ko naman sya iiwan ehh. May dadating naman para samahan sya ---oh mas tamang sabihin MAGSASAMA SILA." dahan dahan nyang sabi na ikinanuot ng noo ko
"hah??!" tanong ko
"bye. Alis na kami" nakangisi yung dalawa habang naglalakad palayo. Nakita ko naman sa gawi nila si Aldryn. Sya ata yung tinutukoy nung dalawa.