Pauline's POV
"Marcel! Hanna! Dito muna kayo umupo wala akong katabi ehh. " sabi ko dahil wala akong makausap at nakakaboring. Sakto namang andyan na si ma'am.
May kasama sya maganda na babae at mukhang transferee.
"class meet your new class mate" sabi ni ma'am at bigla nalang lumabas ang kamanyakan ng mga lalake. Panu ba namang hindi mamamanyak ehh parang nagkulang sa tela ang palda at yung blouse fit na fit sa kanya. Luwang luwa na yung ano nya------yung ------- ehh basta.
"chicks bro!"
"wiiittttt weeeewww"
"sexy! Ang lake!"
"oo nga bro! Mas doble yung lake!
Mga manyak talaga tong mga toh ang sarap sapuken lalo na yung si gunggong Ralph, titig na titig sa anu nya hahahaha.
"class plss quiet!! "sigaw ni ma'am. Pumunta sa gitna yung babae at mukhang magpapakilala.
"uhmm---- my name is Elly Kim, my blood is half korean. 17 years old. Nice to meet you all" sabi nito.
"ma'am dito nalang sya sa puso ko------este sa tabi ko. Bakante naman po ehh" tumango lang si ma'am at mukhang pumayag.
Babae!! Mag-iingat ka sa lalaking yan, manyak yan!!
Tumayo naman si Ralph at sinalubong pa si Elly na parang bwisita. Hahaha manyak talaga.
Nakasunod naman ang mga mata nung iba at may tulo laway pa. Kadiri!!
Tumingin ako kay Ralph at nakatingin din sya sakin at ngumisi bago kausapin si Elly. Pinagseselos nya ako?? Asa sya!!
"yieeeee" nabigla nalang ako sa mga reaksyon nila at lahat sila nakatingin kila Ralph na nag-uusap at mukhang sila lang ang tao dito.
"ehemm!! Ehemm!!" kinuha ko ang atensyon nila at ang Kapal ng mukha tuloy parin sila at parang wala lang talaga?!!! Ugh!! Bat ba ako naapektuhan?!!
Recess na at ganun parin ang eksena ng dalawa. Nasa canteen kami at nasa kaliwa namin sila Ralph at Elly.
"Uyyy!! Pau!! Alam ba yung bago nating kaklase!!? " natigilan akl dahil naramdaman ko ang pagtigil nila Ralph at Elly.
"ayy oo nga!! Ano ba yung sasabihin mo??!! " halos matawa ako dahil mukhang pinaparinggan namin sila.
"ahhh wala lang, ang ganda nya noh pati ang sexy diba??!!!" sabi nya sabay sulyap sa reaksyon ni Elly.
Narinig ko pa si Ralph na wag nalang pansinin. Wow!! Feeling mabait?!!
"ehh mas sexy----"
"hi pau" putol ni Aldryn sa pagpaprinig ------ este sa usapan namin
"a-ah naman oh #boundary, kasali ka ba?? " pang-iinis ni marcel Kay Aldryn.
"ahh ganon na pala. Dumaan lang ang dalawang araw na wala ako nagkalimutan na" halos matawa ako sa sinabi ni Aldryn .
"ahh kalimutan? Oh sino ka nga pala? Di ka namin kilala alis dun alis!! "pagtataboy ni Marcel kasi nga hindi nya kilala si Aldryn haha.
"hi Pau, papalibre ka?" tanong sa akin ni Aldryn kaya tumango nalang ako.
"uy Aldryn di ka naman mabiro" haluh toh si Marcel kapag libre talaga ibang iba.
"kilala ba kita!?" tanong ni Aldryn kaya nakabusangot na ang bruha.
"para ka namang hindi mabiro. Masyado kang serious at masungit. Ngiti ka naman malay mo mahulog ako sayo" pagbibiro ni Marcel pero mukhang nainis lang si Aldryn
" kung sakali mang mahulog ka sakin di kita sasaluhin" sabi ni Aldryn
"ouch" biglang nalang akong nag-react kaya nakatingin na sila sakin
"bakit pau natamaan ka ba? " tanong ni marcel na halos matawa.
Inirapan ko nalang sya.
"oh Pau kayo nalang bumili" sabi ni Aldryn habang inaabot yung pera.
Kinuha ko naman yun at sinama ko Marcel para pumila at bumili.
Nakikita ko pa si Aldryn na nakikipag-usap kila Ralph at kay Elly?? Si Aldryn mukhang iniinis si Ralph. Nakita ko pa sya na hinalikan ang likod ng kamay ni Elly. Ang lande rin pala nh babaeng toh. Binigay ko yung pera kay Marcel at mabilis na nagmartsa papunta sa direksyon nila. Ahhhhh?? Nakakapangkulo ng dugo.
"pwede maki join? " sabi ko at umupo sa gitna nila Aldryn at Ralph.
"ahh Aldryn b-babe papaalala ko lang sayo, sakin ka lang dapat tumitingin at wag na sa iba." ano ba tong nasasabi ko!!! Ihhh!! Hayaan na nga!!
Lumunok pa ng laway si Aldryn bago magsalita. Ang mga mata nya parang nagtatanong kung anong nangyayare sakin.
"ay selosa pala si girl" parinig ni Elly. Ano bang problema nito?? Bakit nya inaakit ang bespren ko?? Ang lande!!!
"ang lande! " nasabi ko nalang ang nasa isip ko at agad na nagtakip ng bibig. "tara na dun na tayo
Mukang nakakaistorbo tayo ehh, tara na b-babe" halos kaladkadin ko na si Aldryn. Hindi kasi nakilos."b-babe?? " tanong nya sakin kung bat ganon ang tawag ko sa kanya.
"shhh biro lang yun. Nakakakulo kasi ng dugo!!" sabi ko at tumango nalang sya
Nakabalik na si Marcel at kumain na kami.
[A/N: yung kaninang nakikipag-usap si Aldryn kila Ralph may sinabi sya rito na dapat abangan. Isang panyayari na yayanig kay pauline hahahah Charr]