CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Marcel's POV

"aldryn! Anong nangyari kay pauline?" pag-aalala ko.  Nabalitaan kasi namin ni hanna na dinala pala si pauline sa clinic.

"ok na, pahinga nalang ang kailangan nya ngayon" sagot ni aldryn. Kita kong may pasa sya sa noo at may mga galos sa siko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong kaya pinilit ko si aldryn na magsabi.

"si pauline, nakaharap nya ang bully dito. Heartthrob rin yun dito kaya parang naiisip nya na hindi papalag si pau. Bumuntong hininga si aldryn bago ituloy. "may nakakita na binato nya si Pauline. Pinalabas lang nya na hindi nya sinasadya." nakita ko sya na humawak sa sintido. "malakas ang pagkakatama ng bola sa ulo nya kaya naman na nangyari sa kanya toh" sabj nya at nilapitan si pau.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Someone's POV

"first plan? check" sabi ko at parang nag-iinit na ako sa mga susunod kong plano.

"bro! Anong sunod?  Wag mo naman syang masyadong kawawain"

"tumigil ka nga. Sa katunayan nga kulang pa yung ginawa ko. Nanghihinayang nga ako kanina kasi ang hina lang nung pagkabato ko sa kanya ng bola." inis kong sabi.
"I want her to suffer" dagdag ko

++++++++++++++++++++±+±+++++++±++

Pauline's POV

Ahh! Ang sakit pa ng ulo ko.

"gising na si pau" narinig ko at alam kong si hanna yun dahil sa tinis ng boses nya.

Dumilat ako ng dahan dahan at blur naman ang paningin ko pero ilang sandali luminaw na.

"ok ka na ba pau? " tanong sakin ni marcel habang si Aldryn ay nakita kong nakasandal sa pintuan ng clinic.
Tumango nalang ako. Kumulo yung tiyan ko... Malamang gutom na ang alaga kp sa tiyan ko hehe.

" gusto mo na ba umuwi? " tanong sakin ni Aldryn. "hah?" ayun lang ang lumabas sa bibig ko

"sabi ni ma'am pwede ka daw umuwi para makapagpahinga." akmang kukunin nya na ang gamit ko ng biglang kumulo ng malakas ang tiyan ko.

Nakita ko pa si hanna at Marcel na pinipigilan ang tawa.

"tara na at bibili nalang tayo ng makakain sa labas" sabi ni Aldryn at sinukbit na nya yung bag ko sa likod nya.

"ah pau balik na kami ni Marcel, may klase pa kasi kami ehh" sabi ni hanna

"sige. Salamat" sabi ko at kumaway.

Huminga ako ng malalim at tumayo na sa pinaghihigaan ko. Inalalayan naman ako ni Aldryn dahil parang matutumba pa ako.

"tara" sabi nya pagkatapos kong makatayo. Nagulat pa ako dahil isinukbit nya ang braso ko sa leeg nya para makaakbay ako. Pero mas lalo akong nagulat ng inalalayan nya ako na nakahawakak ang kamay sa beywang ko.

"ahh---ehh kaya ko naman maglakad ng mag-isa" isa isa kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya at yunh pagkakahawak nya sakin.

"sure?"  tanong nya sakin na may pag-aalala.  Tumango nalang ako at nauna ng maglakad sa kanya.

Tumakbo naman sya para maabutan nya ako at hindi naman sya nabigo.

Nakarating kami sa gate at huminto muna kami para sabihin ang nangyari sakin para makalabas kami.

Sinabi namin na pinahintulutan kami ni ma'am.

Nakalabas narin kami at huminto muna kami sa isang grocery store. Kumuha kami ng C2 at mga biscuits.

Huminto muna kami sa labas ng grocery store at umupo sa bench para kumain.

"A-Aldryn" tawag ko sa kanya. "bakit?" tanong nya sakin.

Umiling nalang ako para sabihing wala. Kanina pa kasi sya walang imik.

Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami para makauwi ng mabilis. Nakita ko pa si Aldryn na malalim ang iniisip.

Nakarating na kami sa kanto at unting lakad nalang marararating na namin ang bahay ko.

Biglang sumakit ang ulo ko at parang kumikirot. Huminto ako sandali at hinawakan ang ulo. Huminto din si Aldryn para alalayan ako.

"ok ka lang? Kaya mo pa ba? Gusto mo buhatin na kita para hindi ka mahirapan?"  sunod sunod nyang tanong.

"ok lang ako. Kaya ko pa" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay at walang tao dun kundi ang nag-iisang maid namin.

"oh dito nalang, salamat sa paghatid" sabi ko at binigay nya na sakin at ang bag ko.

Hindi sya tumingin at umalis na. Anyare dun?  Pumasok na ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko.

Nagpalit ako ng damit at pabagsak humiga sa kama. Kanina masakit lang ulo ko pero ngayon parang ang sama na ng pakiramdam ko.

Kinuha ko yung phone ko sa bag para tignan ang oras ng biglang may tumawag. Unknown number?
Sinagot ko naman yun.

"hello?" panimula ko

[kamusta ka na?]sabi nya at biglang tumawa.

"sino toh? " Kinakabahan kong tanong.

[ako lang naman ang magpapahirap sayo] sabi nya at tumawa ulit.

Sasagot palang ako ng biglang namatay.

LiZ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon