Chapter 09

353 4 0
                                    

Narating nina Jarred ang gubat na tinutukoy sa kanila ni Sgt. Santos. Sinalubong sila nito.

"General," sumaludo ang Sarhento sa General na kasama nina Jarred.

"Ano na ang balita, Sgt. Santos? Nasaan na ang pangkat ni Col. Landes?" pukaw ng General.

"Natagpuan ho namin ang pangkat nila sa isang masukal na bahagi ng gubat. Kasalukuyan na ho naming dadalhin ang bangkay nila."

"BANGKAY!?" nagpantig ang tenga ni Jarred sa narinig. "Anong sinasabi mong bangkay?" tila natuliro sya nang yumukod ang sarhento. Dali-dali syang pumunta sa loob ng gubat. Sinundan sya ng tiyuhin na si Rommel.

"Jarred, sandali lang!" habol nito.

Naratnan nila roon ang mga medical assistant na tinatakpan ng puting tela ang mga bangkay ng mga biktimang sundalo.

"DAAAAD!!" sigaw nya nang makita ang isang pamilyar na bangkay habang tinatakpan ngputing tela. Nilapitan nila ito.

Namutla sila nang makita ang bangkay nito. Lahat ng mga bangkay roon ay katulad ng sinapit ng mga taga barrio Jacinto. Mga putol-putol at bali-bali ang katawan. May ilan pa ngang nadagdag na insidente kung saan may mga katawan pang nasunog.

Nanlumo sina Jarred nang makita ang bangkay ng ama. Hati ang katawan nito mula sa bewang na parang tinagpas ng kung anong matulis na bagay.

"DAD!! Sino ang may gawa nito sa'yo?! SINO!!" hinagpis nya. Pilit naman syang inalo ng tiyuhin. "Tama na, Jarred. Alam kong masakit ang nangyaring ito."

"Hindi, tito! Ipaghihiga nti ko si Dad! Papatayin ko ang gumawa nito sa kanya!"

"Huwag mong ilalagay ang batas sa iyong kamay. Huwag mong dungisan ang iyong mga kamay. May tamang paraan upang pagbayarin ang mga may kasalanan sa lahat ng ito! Alam kong makakamit natin at ng iyong ama ang hustisya." humawak ito sa balikat ni Jarred upang iparating na nagdadalamhati rin ito sa nangyari.

Napaluhod na lamang sya. Ni hindi na nya kayang pagmasdan pang muli ang kalunos-lunos na sinapit ng ama.

"Bakit ganito pa ang nangyari kay Dad? BAKIT?!" hinagpis nya.

"PRRRT!"

"PRRRT!"

Bigla silang nakarinig ng mga putok mula sa matataas na kalibre ng baril. Biglang may umungol na parang galing sa isang mabangis na hayop.

"Ano 'yon??" balikwas ni Rommel.

Nagtumbahan ang maraming puno roon hanggang sa tumambad sa kanila ang isang toro na may bitbit na malaking palakol. Si Astaroth. Pinapaputukan ito ng mga sundalo.

"WAAAAHH! LAGOT KAYONG LAHAT SA AKIN!!" mabalasik na sabi nito.

"Anong klaseng nilalang iyan??" mulagat ni Rommel. Maging si Jarred ay nagulat rin sa nakita.

Sinugod ni Astaroth ang mga naroroon. Hinampas nya ng palakol ang isa sa kanyang naabutan. Tinamaan ito sa bewang hanggang samahati ito.

Napagmasdan ni Jarred ang nangyari. Malakas ang hinala nya na ang nilalang na iyon ang pumatay sa kanyang ama. Biglang sumikdo ang galit sa kanyang katawan. Hinugot nya ang baril na nakasukbit sa bewang at walang anu-ano'y lumapit sya sa halimaw na ito.

"Sandali lang Jarred! Delikado ang gagawin mo!" saway nya sa pamangkin pero hindi ito nakinig.

"Ipaghihiganti ko si Dad!" ngitngit nya at sunod-sunod na pinaputukan si Astaroth sa ulo pero hindi ito tinablan ng bala.

Nabaling naman ang atensyon ni Astaroth sa kanya. Wala sa sarili si Jarred dahil sa galit. Iniamba nito ang palakol sa kanya. Hahampasin na sana sya ni Astaroth pero mabuti na lamang at nahablot sya ni Rommel. Hindi sila natamaang pareho sa hampas ni Astaroth. Pinaputukan na rin ito ni Rommel pero sintibay ng bakal ang katawan nito.

"WALANG LABANANG INYONG MGA ARMAS SA AKIN! TANGGAPIN NYO ANG INYONG KAMATAYAN!" singhal ni Astaroth. Nahawakan nito si Jarred sa leeg at iniangat.

Pinigilan ni Rommel ang halimaw na ito pero tinabig lamang sya nito. Napahandusay sya sa lupa.

Si Jarred naman ay patuloy na sinasakal ni Astaroth. Sinubukan nyang kumawala. Napahawak sya sa kamay nito kaya aksidente nyang nahawakan ang metaphor ng lupa na nasa likod ng kaliwang palad nito.

Bigla itong nagliwanag.

"I-ipaghihiganti ko si Dad! Walang kapatawaran ang ginawa mo sa kanya!" pumalibot sa kanya ang kulay kayumanggi na liwanag.

Nakarinig si Jarred ng isang tinig.

"Ang isang matatag na pundasyon ay hindi basta-basta masisira. Magmistulan kang isang matatag na bato na hindi kayang tibagin at gibain nino man. Ikaw ay isa nang haligi ng lupa. Ang sarili mo ang iyong matibay na lakas. Patunayan mong ikaw ang karapat-dapat sa kapangyarihang nakalaan para sa iyo!" sambit ng boses.

Kumawala ang kulay kayumangging liwanag sa katawan ni Jarred, kasunod ay ang pagyanig ng lupa. Biglang nagbuo-buo ang mga tipak ng lupa at bato hanggang maging isa itong higante. Isang EARTH GOLEM.

Itinaas ng golem ang higante nitong kamay at ibinagsak sa lupa. nagkaroon uli ng matinding pagyanig. Nabitawan ni Astaroth si Jarred dahil sa pagkabigla.

Napansin ni Astaroth na wala na sa kanya ang Metaphor ng lupa.

"Ang lalaking iyon! Nagawa nyang pakawalan ang espiritung diyos ng lupa!" mabalasik na sabi ni Astaroth.

Tinangka nyang sugurin muli si Jarred pero ibinagsak ng Golem ang kamao nito sa kanya. Hinawakan pa sya ng Golem sa katawan. Itinaas sya nito at inipit gamit ang malalaking kamay.

Ang mga tao naman doon ay nagsipulasan ng takbo palayo sa mga nilalang na naglalaban. Lahat ay hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Nawalan naman bigla ng malay si Jarred.

Unti-unting na-deformed ang Golem. Nagmistulan itong isang bundok na gumuguho. Bumulusok pababa si Astaroth.

Mabilis namang binuhat ni Rommel si Jarred upang iiwas sa mga nagbabagsakang lupa at bato. Mabilis silang lumayo.

Natabunan ng mga lupa at bato si Astaroth hanggang sa malibing ito.

Habang papalayo ay bumungad kina Rommel si General Rivas.

"Anong nangyayari dito??" wika ng General sa kanila.

"Saka ko na ho ipapaliwanag. Ang mahalaga'y makaalis ho tayo dito!" bulalas ni Romel habang pasan si Jarred.

Bumalikwas naman ang General. Tinungo nila ang sasakyan nito. Sumakay sila roon at pinaharurot. Ang bangkay naman ni Col. Landes ay maayos na naihatid sa pune rarya kasama ng ilang pang mga biktima. Hindi naman mapaniwalaan nina Rommel ang insidenteng iyon at ang mga nilalang na naengkwentro nila.

***

SA SILANGAN NG MELVA:

MATAMANG pinagmasdan nina Siegfried ang buong lugar ng Roxgard. Apat lamang sila na sasalakay sa lugar na iyon. Hindi na sila nagsama pa ng ilang mga kampon si Zepiro.

Kung ang isang batalyon na pinadala ni Zepiro ay hindi nagawang magtagumpay laban sa mga taga-Roxgard, magawa kaya nila nang silang apat lang? Ganun ba talaga sila kalakas?

~Itutuloy . . .

"METAMORPHOSIS"  by: DARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon