~ 2 years later ~
(Shail's POV)
"You're late Ms Montague." Bungad sa akin ni Ms Yunn.
"I'm sorry Ms. Something important came up. That's why I'm late." Explain ko sa kanya.
" *Sigh* Fine. You may take your seat." Kaya naglakad na ako papunta sa assigned seat ko. Mabuti nalang at first time kong malate kaya ayos lang.
"Before we dismissed, let me remind you about our upcoming party. It's next week so you better prepare yourselves. Got that? Anyway, class adjourned." Kaya nagsitayuan na kaming lahat. Ako naman ay agad ng pumunta sa next class ko. Malayo layo pa kasi ang lalakarin ko dahil sa laki ba naman ng Trenero University ay talagang matatagalan ka.
"Shail! Wait pakisabay!" Sigaw ng isang lalaki sa likod ko kaya lumingon ako. Si Drake lang pala kasama ang most silent niyang kambal na si Drate. Ka block mate ko kasi sila sa next class ko. Tumigil naman ako sa paglalakad para hintayin sila.
"May assignment ka na ba para mamaya?" Tanong nito kaya tumango nalang ako.
Hindi na siya nangulit pa dahil alam niyang nababanas na naman ako sa mga tingin ng mga estudyante sa amin. Sikat kasi ang magkapatid nato, kaya kung sino yung nakakasama nila ay nagiging talk of the Town lalo na kung babae ito. Hindi ko naman kasalanan na lumapit sila sa akin kaya hinayaan ko nalang, total nagiging close ko naman sila. Ganito lagi ang set up sa bawat pagpasok ko sa University kaya hindi na ako naninibago. Almost 2 years and a half ko na rin silang kasakasama kaya ano pa ba ang bago don?
Ng makalapit ay agad akong inakbayan ni Drate pero hindi na ako nagulat dahil yan naman lagi ang ginagawa niya kapag nagkakasabay kami. Dahil sa ginawa ni Drate ay marami ang napasinghap. Tss.
Hindi na sila nasanay. We'll, suplado kasi ang isang to at saka certified woman hater siya kaya marami ang takot sa kanya. Ewan ko nga kung bakit iba ang pakikitungo niya sa akin, kaya as a result ay marami ang naiingit sa akin. Marami ang nagsasabi na malandi daw ako, at kung ano-ano pang nakakasakit na salita. Pero hinahayaan ko nalang. Basta walang babangga sa akin ay mananahimik ako. Ganon ako eh, kung anong pakikitungo mo sa akin ay ganun din ako. Isa yan sa dahilan na maraming natatakot sa akin maliban sa dahilang kaibigan ko ang mga lalaking kinakatakutan dito sa University. One time kasi, may kulang ata sa attention at ako ang natipuhang awayin kaya as a result, nalugi pa ang company nila, hanggang ngayon ay natutulog pari siya sa hospital. I've learned different kinds of martial arts just so you know.After 2 classes ay pumunta na ako sa cafeteria para mag snack. Ako nalang mag-isa dahil iba ang schedule ko sa kambal before snack break. After kung mag-order ay naghanap na ako ng vacant table para sa akin. Ng makahanap ay agad na akong umupo at hindi na pinansin ang mga mapanuring tingin ng ilan. Dahil kasi sa hatak ng kambal na yun ay naging sikat na din ako sa University. Sad right?
Habang kumakain ay may biglang lumapit sa akin na lalaki. May dala itong red rose at chocolate. Napatingin ako sa mukha niya. He's familiar. Yeah! His the prince of Bs. Ad department. Kaya pala napatigil ang karamihan na kalapit ng table ko dahil sa kanya. Another talk of the week. *Role eyes*
"H-hi Ms S-Shail. Eto n-nga pala p-para sa-yo. S-sana tang-tanggapin mo." Nanginginig niyang sambit. Cute. He's blushing. Tatanggapin ko na sana ng maunahan ako. As usual. Tss.
"Salamat pre. Makakaalis kana." Sabi nung kumuha sa rose at chocolate. Dali-dali namang umalis ang lalaki dahil sa takot. Napatingin naman ako sa tatlong lalaki na nasa harapan ko."Tss. Bat ba kasi ang ganda mo? Ayan araw-araw ay may nanliligaw sayo!" Pag-aalburoto nito kaya napairap ako. Shin will always be Shin.
"I'll take that as a compliment then." Saad ko at itinuloy ang pagkain.
"Pang-ilan na ang lalaking yun?" Tanong nung Isa which is si Clark.
"Pangapat." Sagot ko. Nung 2ng class ko which is kasama ko ang kambal ay may dalawang lumapit sa akin at binigyan ako ng regalo. At Isa naman sa third class ko before break. At pangapat ngayon.
"Psh." React ng Isa pa na walang iba kundi si Dark. Sila at ang kambal ang mga kasama ko. Ewan ko nga ba't sa dinami-daming estudyante na gustong makipagkaibigan sa kanila ay sa akin pa sila lumapit, eh hindi naman sa hindi ko gusto pero parang ganun nanga. Ewan basta ang gulo! Tsk.
Ganito lagi ang takbo ng bawat araw ko kapag nasa University ako. Papasok, pag-uusapan, may manliligaw, sasabay ang kambal, may ilang manliligaw ulit, maaasar si Shin, magtatanung si Clark kung pangilang manliligaw ko na ngayong araw, sasabay sila sa akin tuwing lunch, papasok ulit, tas uuwi. Kung hindi busy ang lima ay silang lahat ang maghahatid sa akin o di kaya ay isa sa kanila. Pero mabuti nalang at andiyan sila dahil nababawasan ang mga manliligaw ko. Pano ba naman kasi, tinatakot lang naman nila. Minsan nga, naabutan ko silang tinakot ang isang captain ng basketball varsity namin na malalagot siya sa kanila kapag ipinagpatuloy niya parin ang panliligaw sa akin. At saka may nagmamay-ari na daw sa akin kaya wala na siyang pag-asa. Tamo mo tong mga lalaking to, sino namang nagmamay-ari sa akin aber? We'll may clue na ako pero kailangan ko pang e confirm.
Pagkatapos ng lahat ng klase ko ay sinabihan ko na ang lima na huwag na akong ihatid dahil may pupuntahan pa ako. Mabuti na nga lang at pumayag. Agad akong pumunta sa dean ng IT department para humingi ng admission slip dahil hindi ako makakapasok ng school till the end of first semester dahil may importante akong aasikasuhing business together with my parents sa labas ng bansa. Ibig sabihin ay hindi ako makaka attend ng party next week which is good dahil i hate parties. Nakapag special exam na rin naman ako in advance kaya good to go na ako. Saka Plano ko talagang 2nd semester na ako babalik para mas mataas pa ang oras na magagamit ko don sa ibang bansa. Kaya 2 months to be exact akong mawawala.

BINABASA MO ANG
Chase Of Love
Short Story"I love you and that's enough reason to chase you." "I like you but it's not enough for me to fall for you." Romance, action short story. Date started: May 1, 2019 Date ended: