Chase of Love

2 0 0
                                    

*Cracckk*

"Arrgghh!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Ngunit hindi ko ito inalintana at hinampas siya sa leeg at tinulak ng pabalya kaya nawalan na siya ng malay. Tss. Weak. 7 down 1 to go.

Kanina naisipan kong magpahangin sa park na may kalayuan sa subdivision. Pero hindi ko napansin na may mga sumusunod na pala sa akin at sa kasamaang palad ay mga tauhan lang naman sila ni Hero. Tss.

Agad kong sinalo ang paa ng lalaki ng ito'y sumugod at inikot ito dahilan na mabalibag siya sa lupa. Agad kong pinilipit ang Isa pa niyang paa kaya napasigaw siya sa sakit. Tinadyakan ko naman ang tuhod niya kaya rinig na rinig ko ang pagcrack ng buto niya sabay ng kanyang nasasaktang sigaw.

"Tss. Ang ingay mo. " Saad ko tas sinapak siya sa leeg kaya nawalan na siya ng malay. Nagpaspas naman ako ng kamay at umalis na parang walang nangyari.

Habang naglalakad ay may napansin akong mga mata na nakamasid sa akin. At tama nga ako dahil Ilang saglit lang ay may mga syringe na akong nakikita na ibinato sa kinatatayuan ko. Kaya agad akong tumalon para iwasan ang tatlong sabay-sabay na ibinato sa akin at sinipa ang apat na papalapit sa akin. Nang makaapak sa lupa ay may sumunod na mas marami pa.

Higit sampu ang nakikita kong papalapit sa akin kaya hinubad ko ang blazer na suot at ginawa itong pansalag. Pero napatigil nalang ako ng may napansin akong kakaiba. Huli na ang lahat ng mapansin ko ang napakaliit na karayom na tumama sa braso ko. Agad ko itong kinuha at ibinato sa pinanggalingan. Agad kong in-on ang earpiece na suot at tinawagan si butler Sy.

[ Yes Young Lady. ]

"Track me now. " Agad kong ibinalik ang syringe na nakadikit sa blazer ko patungo sa pinagmulan nito.

[ We're coming Young Lady.]

Tumalon ulit ako ng mas mataas pa at sinipa ang mga karayom sa mga tauhang nakaiwas sa ibinato ko pabalik  na mga syringe kanina. Unti-unti ng nanlalabo ang aking mga mata. Pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nasalo pa ako ni butler Sy na kakadating lang kasama ang ilan sa mga tauhan namin.

Chase Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon