~ 2 months later ~
(Shail's POV)
Phew! After two months ay nakabalik narin ako sa bansa. Anyway, kakatapos ko lang ilock ang pinto ng kotse ko, papasok na kasi uli ako. I wonder kung may pinagbago ba sa school. First day of second semester na kasi ngayon at kahit kahapon pa ako nakauwi dito sa bansa ay pinilit ko paring pumasok kahit hindi pa ako nakabawi sa jet lag ko.
"Si Shail ba yan?"
"Wow! Mas gumanda siya."
"Alam ba nila Dark na bumalik na siya?"
"Ewan."
"I wonder kung ano kaya ang magiging reaksyon nina Aliyah kung malalaman nilang may karibal sila sa grupo nina Dark."
"Naku! Siguradong rambulan nayan! Nakakatakot pa naman si Shail kung magalit."
"Yeah right."
Napakunot naman ang noo k sa huli kong narinig. Wala akong idea kung sino ang tinutukoy nila na Aliyah. Maybe a transfer student. Pero hindi ko nalang sila pinansin at agad na pumunta sa Dean bago pumasok sa first class ko.
Agad akong pumasok sa room ko for second class. Natahimik ang lahat ng tao sa room maliban sa dalawang babaeng naka upo malapit sa pwesto nina Drate. Hmmn. Mga bagong mukha.
"Totoo palang nakabalik na si Shail galing sa labas ng bansa."
"Oo nga."
Hindi ko nalang pinansin ang mga pasaring nila at agad na umupo sa assigned seat ko noong first sem which is ang katabi ni Drate. Dahil sa ginawa ko ay napatigil ang dalawang new students sa pagkukwentohan at napatingin sa gawi ko. Napansin kong tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay. Pero hindi ko parin sila pinansin. Nasaan na kaya ang kambal? Baka late lang.
"Excuse me, hindi ka pwedeng umupo diyan." Malditang sabi ng Isa.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pinagbawal kasi ni Drate my loves sa kahit sino ang pag-upo diyan. Kaya umalis ka diyan!" Utos ng isa pa. Muntik na aking matawa ng sabihin niyang Drate my loves. Seriously?!
Nagkibit balikat nalang ako saka sinuot ang headset at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Katabi ko lang kasi Ito. Pero wala pang ilang sandali ay may naghatak na ng headset ko kaya napatingin ako dito.
"Hindi kaba nakaka- "Hindi niya na natuloy ang sasabihin ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa doon ang hinihingal ng kambal. Agad nilang inilibot ang paningin sa buong room at tumigil Ito sa pwesto ko. Agad na lumapit ang dalawang babae sa kanila para siguro salubongin ang kambal pero linagpasan lang nila ang dalawa.
"Shail! I miss you! Kailan ka pa nakabalik?" Sigaw ni Drake saka tumakbo papunta sa akin, habang ang kambal niya naman ay pa cool lang na naglakad habang may ngite sa labi na naging dahilan para kiligin ang mga kababaihan. Nang makalapit si Drake ay agad niya akong yinakap kahit nakaupo ako kaya napatayo narin ako.
"Welcome back Shail." Bati ni Drate ng makalapit. Nang kumalas sa yakap si Drake ay si Drate naman ang yumakap sa akin.
"Thanks. How did you know I'm back?" Tanong ko which is obvious naman ang sagot.
"As usual, narinig namin ang usap-usapan na nakabalik ka na raw kaya nagmadali kaming pumunta dito." Sagot ni Drake na kulang nalang ay iikot na ang mata. Tss.
Hinalikan muna ako ni Drate sa noo bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Napatingin naman ako sa paligid dahil napansin ko ang pagkatahimik. Lahat sila ay nakatingin sa amin na parang tuod. Habang yung dalawang babae naman ay di na maipinta ang mga muka. Nang makitang nakatingin ako sa kanila ay sabay nila akong inirapan.
BINABASA MO ANG
Chase Of Love
Short Story"I love you and that's enough reason to chase you." "I like you but it's not enough for me to fall for you." Romance, action short story. Date started: May 1, 2019 Date ended: