What's Left Behind

102 8 17
                                    

Thank you po Kay Ms. BabyBiancie kahit di pa po ko official member ambait nya sakin :).

★★★

"Pa asan ka na ba" bulong ko sa hangin habang patuloy akong humihikbi.

Nakahiga ako ngayon at kinakausap ang kawalan.

"Wala na ba talaga ang papa ko? Pero Hindi eh Ramdam ko buhay pa siya."

Patuloy lang pag patak ng mga luha ko.Pakiramdam ko baliw na ako para ipilit na buhay si Papa at kinakausap ko pa ang sarili ko.

"Buhay pa nga" Sabi ng isang boses.

"Nababaliw na talaga ako nakakarinig na ako ng mga boses." Isang mapait na tawa  ang kumawala sa akin.Sa sobrang kalungkutan ko pinaglalaruan na ako ng isip ko.

" At matutulungan kitang mahanap si Amo" Sabi na naman ng misteryosong boses.

"Huh"Napaupo ako sa kama ko may nagsasalita talaga.Hindi isang guniguni lang ang boses na naririnig ko.

Nilibot ko agad ng tingin ang kwarto ko. Madilim pero may naaninag akong Nakansandal na tao sa sulok ng kwarto.

" Sino ka?! Paano ka nakapasok sa kwarto ko?!" Nakaramdam ako ng sobrang takot. Sigurado akong sinara ko ang kwarto ko at Walang ibang tao dito kanina.

"Hindi na mahalaga yun ang importante ay matutulungan kitang mahanap ang ama mo." Hindi pangkaraniwan ang boses niya. May kung ano sa tinig niya na nakakapagpatayo sa mga balahibo ko.

"Hindi ako naniniwala sayo!"sagot ko Sabay bukas at hawak sa lampshade sa gilid ng kama ko. Sa kasamaang palad hindi umaabot ang liwanag ng lampshade sa kinatatayuan niya.

"Wala kang nang ibang pagpipilian."Bumuga sya ng hangin sa kanyang Ilong at tumawa pa ng bahagya.

Tinignan ko ang pinto at base sa posisyon niya ay mauunahan niya ko kung sakali mang tumakbo ako para rito.

Sisigaw na lang ako yun na lang paraan para matakasan ko siya.

"At kung ako sayo hindi muna ako sisigaw dahil di mo magugustuhan ang gagawin ko pag sumigaw ka." Malumanay ngunit bakas na seryoso sya sa banta niya sa akin.

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya pero napako pa din ako sa kinauupuan ko.

Napahigpit na lang ang hawak ko sa lampshade. Pigil ang hininga ko wala na kong ibang pagpipilian kung hindi pakinggan ang sasabihin ng estranghero ito.

" Mukhang nag kakaintindihan na tayo." At tumawa na naman siya ng mahina.

" Sino ka ba talaga at anong kaylangan mo?!" Pinilit ko pa ring patigasin ang boses ko sa kabila ng takot na nadarama ko.

"Hindi ako ang may kaylangan sayo.Ikaw ang may kaylangan sa akin.

Dahil Alam ko kung papaano mo mahahanap ang ama mong si Inspector Malvar."

"Buhay si Papa!" Hindi ko napigilan ang makaramdam ng saya.Hindi pa patay si Papa may pag asa pang mabuo ang pamilya namin.

" Nagulat ka?Akala ko ba ay Alam mo? ipinipilit mo pa nga na buhay pa ang ama mo" Sarkastikong niyang tanong sa akin.

"Paano ko mahahanap ang papa ko?" isinantabi ko muna ang pang bubuska niya sa akin. Buhay si Papa at ang Mas ay mahalaga mahanap ko siya.

"Hinay hinay lang Cassandra. May mga iniwan ang ama mo na makakatulong sa atin." May pag kairita sa tono ng kanyang pananalita.

"Huh?! Nasaan ang mga iyon?! Tara! kunin na natin ng mahanap na natin si Papa." Bumalikwas kaagad ako at tumayo na mula sa kama ko.

"Ang Sabi ko hinay hinay lang!" Malakas at may diin niya sabi.Dumadagundong ang boses niya sa galit.

Pumadyak siya at nahulog ang ibang gamit sa taas ng cabinet ko.

Bumalik ang takot ko sa estranghero sa inasal niya. Parang anumang sandali ay sasaktan niya ako.

"Sa susunod na lamang tayo muling mag usap. Babalik na lang ako para gabayan ka sa susunod nating mga hakbang." At nagbuga siya ng hangin sa ilong na parang Nag pipigil ng galit.

Napatango na lamang ako sa takot na mas lalo ko siyang magalit.

" Pero sana bago ka umalis ay ipaalam mo kung sino ka?!" Maingat ko tanong.

Kanina pa kami nag uusap ngunit hanggang ngayon hindi ko alam kung sino sya.

"Gusto mo bang Malaman talaga kung sino at ano ako" At tumawa sya ng mahina na parang may biro sya lamang ang may alam.

" Huh? Ano?" Naguguluhan ako sa ipinahihiwatig niya.

Humalakhak siya sa kalituhan ko. Mas lalo akong kinabahan ng humakbang siya mabagal papunta sa kinatatayuan ko.

"Ang tawag sa kin ni amo ay Stan at  ako'y isang......" palapit siya ng palapit

Hanggang sa Naabot na ng liwanag ang pigura na kanina'y binabalot ng dilim.

"aaaaah!!!!!!!"

Inspector Malvar Lost filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon