Note: This story is pure fiction. walang tunay sa anumang pangyayari. Imagination ko lang lahat to walang kokontra mamalasin.(><)
††††
Case Files: Confidential
Pictures
Documents
Clippings
Sealed Items
Lumang Log Notebook
Nandito ako ngayon sa study room ni papa.
Sinusuri ang bawat ng laman ng plastic na nakita ko sa akala kong panaginip ko.
Sa pamamagitan daw ng mga bagay na to ay mahahanap ko si papa.
Isang isa ko silang tinignan mabuti pero wala naman akong nakita na makakapagturo kay Papa.
Niloloko lang ba ako ng malignong tikbalang na yun?
"Mag sisimula tayo sa Unang tala sa kwaderno niya." Naalala kong sinabi nya.
Ang log notebook ni papa.Binuklat ko agad ito.Naluma na ito ng at nabasa ng tubig ang ilang pahina.May mga parteng nang hindi malinaw ang nakasulat.
October 3, 1996
Case Log#1
Isang Field trip kindergarten school bus ang nireport na nawawala since October 1, 1996.
20 kindergarten students, 2 teacher at ang driver ng bus ay reported missing for 72 hours......
Flashback
Inspector Malvar PoV
*Tok*Tok*
"Pasok!" Sigaw ni Hepe.
"Ipinatawag nyo daw po ako chief."Sumaludo ako upang mag bigay galang.
"Oo, Maupo ka Malvar."Umupo ako sa harapan ni chief.Siya naman ay dumiretso ng upo at itinabi ang binabasa niya.
Seryoso ang mukha ni hepe at hinilot hilot muna niya ang kanyang sentido.
"I heard from your former superior na magaling ka daw pag dating sa mga missing persons."
"Hindi naman sa ganun sir pero specialization ko po ang mga ganung kaso"
"Prove it to me then, I would like you to handle this case." sabay abot ng folder.
"May isang fieldtrip bus na may lulan na 20 kinder, 2 teacher at driver ng bus ang nireport na nawawala for 72 hours.
Ayokong mag leak pa ito sa media.Kaya I want it to be solved as soon as possible Malvar. Bago pa gawing circus ng media ang departamento ko." Buong diin ang pagkakasabi ni hepe.
"Makakaasa po kayo Chief." Sumaludo na ulit ako at nag paalam.
‡ ‡ ‡ ‡
Sinimulan ko ang imbestigasyon kung saan huling nakita ang bus sa Aviary sa SanJuan.
Ayon sa mga paunang imbestigasyon ay nakarating at nakaalis naman daw ang bus doon ng matiwasay.
Ngunit sa susunod na destinasyon naman dapat nito sa baguio ay walang nang bus na nagpakita.
Baguhan ang driver ng bus kaya malaki ang posibilidad na naligaw ito.
Sinubukan kong Baybayin ang posible nilang ruta. Ang kaso Baguhan pa lang din ako sa Luzon at hindi ko pa gamay ang papuntang baguio.
Nawala ako sa Main Road dahil sa natumbang puno. Napilitan tuloy akong tahakin ang mabakong daan.
Napunta ako sa isang liblib na lugar. Ngunit buti na lamang ay may maliit na baranggay akong nadaanan.
Sinubukan ko mag tanong muna sa isang maliit na tindahan.
"Tatang Mawalang galang na ho. Baguhan pa lang kasi ako ire saan ho ba ang daan ng papuntang Baguio." May katandaan na ang lalaking may ari ng tindahang napagtanungan ko.
"Ay naku iho napakalayo mo na sa Ruta mo. Baka maubusan na ng gasolina yang auto mo bago ka makabalik sa dapat na Ruta mo."Umiiling pa ang matanda sa kapalpakan ko.
"Ganun ho ba, Paano po kaya ang mainam Kong gawin."Sinipat muna ako ng matanda bago siya sumagot.
"Dumirecho ka na lang jan sa daan na yan. kumanan ka sa unang liko. Pag may nakita kang biyak na daan ay kumanan kang muli.
Bumilang ka ng mga 10 puno ng acacia tapos kumaliwa ka naman. Tapos derecho ulit pag katapos ng 7 puno ng balete ay kumaliwa ka ulit para Makakarating ka sa tamang ruta papuntang Baguio." Paliwanag ng matanda.
"Ano nga ho ulit yun manong san kakanan pag katapos sa acacia?" Masyadong pasikot sikot ang direksyon na itunuturo niya.
"Wala ho bang malapit lapit na ruta tatang. Lalo ata po akong maliligaw sa direksyon nyo." baka kung saan na ako nito pulutin kung yun lang ang daan.
"Mayroon."
"Talaga ho manong Bakit di nyo ho sinabi kaagad. Kayo naman ho Pagbibilangin nyo pa ako ng puno." Sita ko sa matanda kung ano ano pa ang ituturong daan may shortcut naman pala.
" Sa gubat pag lapas mo dun ay may madaling ruta pa Baguio. Pero kung ako sayo. Mas makakabuti kung sundin mo ang unang direksyong sinabi ko." Nag iba ang tono ng pananalita ng Matanda.
" Bakit ho manong anong hong problema kung sa gubat ako dadaan." Sa pananalita ng matanda ay may kakaiba nangyayari sa gubat na tinutukoy niya.
"Matagal ng mahiwaga ang gubat na yun.Maraming kababalaghan ang nagaganap noon pa man. Ngunit nitong nakaraan ay mas naging delikado ito. Pati mga hayop ay nangingilag na sa gubat." Seryosong salaysay ng matanda.
" Ho? Bakit ho? Ano po bang mayroon sa gubat" Usisa ko pa sa matanda.
"Walang nakakaalam iho, Wala." At umiling ang matanda.
"Eh manong may bus ho bang naparaan dito na may mga sakay na bata.Eto po yung larawan ng bus at mga sakay nito." Nag baka sakali ako na tulad ko rin ay napadpad din sila dito
" Ah! Oo di ko makakalimutan ang linsyak na bata yan.Napaka barumbado mag maneho. Nag iiyakan na nga ang mga batang sakay.Akala mo pa rin kung sinong kabisado ang daan. Binalaan ko din wag ng dumaan sa gubat pero napakatigas ng ulo.Tumuloy pa rin."Reaksyon ng matanda sa larawan ng driver ng bus.
Kung ganoon nasa gubat ang kasagutan.