Finding the Lost Files

98 10 13
                                    

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Nasa Masukal akong kagubatan. Nagtataasan ang mga puno na parang mga tore.

Madilim ang paligid.Tanging liwanag ng buwan lang ang tanglaw ko.

May mga hayop na nakukubli sa takot sa pagdaan ko. Nakikiramdam sa mapangahas na dayo sa kanilang teritoryo.

Habol Hininga na ako ngunit Di ko magawang tumigil. Hindi pwedeng mabutan niya ako.

Sa pag mamadali ko ay sumabit ang paa ko sa ugat ng isang puno. Napadapa ako sa lupa ngunit di ko magawang tumayo. Pagod na pagod na ako.

Umalingangaw isang halinhing. Kasabay ang paglapit ng mga yabag ng kabayo. Malapit na siya.

Bumalik ako sa ulirat at dali dali akong bumangon.Mas Binilisan ko ang pag takbo.Di ko na alintana ang pag sabit ng balat ko sa mga sanga ng Maliit na punong kahoy.

Hanggang sa nakarating ako sa pusod ng kagubatan.

Doon ay may napakalaking puno. Pinaka malaki sa lahat ng nakita ko dito sa gubat.

May kung ano sa punong ito ang umaakit sa akin para ako'y lumapit.

Nag aatubili ako baka bigla siyang dumating. Nakiramdam muna ako.

Tahimik ang paligid. Nakakabingi.

Hindi ko na natiis at lumapit na ako. Napakalaki talaga ng punong ito.

Ang mga ugat nito ay kasing kapal ng aking katawan. Halos may taas na 10 na palapag na gusali. Alam kong malayo ito sa pangkaraniwan.

Umikot pa ako sa paligid nito upang mas makita pa ang kabuuan nito.

Napukaw naman biglang ang atensyon ko sa isang kumikislap na bagay. Tinignan ko ito ng malapitan.

Isang kwintas na krus na gawa sa ginto.Nakasabit ito sa isa maliit na ugat ng puno. Kilala ko ito.

Kwintas ni papa. Pero Paano napunta ito dito?.

Nang kukunin ko na ito ay biglang may kumaluskos. Sa gulat ay nabitawan ko ang kwintas ni papa at nahulog ito sa pagitan ng malalaking ugat.

Muli kong pinakiramdaman ang paligid. Tahimik pa din.

Kailangan ko ng bilisan. Sinubukan kong kunin ang kwintas ni papa.Mabuti at Kasya ang isang kamay ko siwang ng mga ugat.

Madilim kaya mas minabuti kapain and kwintas. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad ko itong nakuha.Ngunit may nakapa pa akong ibang bagay na medyo natatabunan ng kaunting lupa. Nilagay ko muna sa aking bulsa ang kwintas tsaka ko muling ipinasok ang kamay ko sa siwang.

Pinagpag ko ang umbok ng lupang tumatabon sa bagay na nakapa ko kanina.Nang umusli ang plastic na pinag lalagyan nito ay mabilis ko na itong nakuha.

Nang susuriin ko na ito ay biglang sumulpot ang nilalang na kanina ko pa tinatakbuhan.

Ang itim na tikbalang na may pulang mga Mata.

†††

"Aaaah!"  Humahangos pa ako ng mapabalikwas ako sa kama ko.

Umaga na.

Kahit panaginip lang pala ang lahat napakabilis pa rin ng puso ko.

Ilang linggo na ang nakaka lipas simula ng libing. Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng mag pakita sa akin ang  halimaw na iyon.

Ngunit kahit hindi ulit siya nag pakita sa akin.Nag simula naman noon ay madalas na akong bangungutin katulad ngayon.

"Magandang umaga Cassandra." Ang boses na yun.

Hindi pwede umaga ngayon, maliwanag ngayon.Wala naman sigurong maligno sa katirikan ng araw. Guni guni ko lang yun dahil sa panaginip ko.

"Hindi ka ba marunong mag balik ng bati?!"Lumipad kaagad ang tingin ko sa sulok ng kwarto ko kung saan siya unang nag pakita.

" Sino ka?!" Napuno ako ng pagtataka.

Nakasandal sa pader ang isang lalaki kung saan nag pakita ang malignong tikbalang na iyon.

Matangkad

Maikli at itim ang kanyang buhok.

Matangos na ilong.

Kayunmangi at makinis ang balat.

Matipuno ang pangagatawan

Mahahabang pilik mata.

Mga matang kulay tsokolate na napakatalim kung makatingin ngunit may hipnotismong taglay.

Nakatitig lang ako sa mga matang iyon. Hindi ko na alintana na isang siyang estranghero at nasa kwarto ko siya.

"Ang mga tao nga naman basta maganda ang panlabas na kaanyuan Hindi na alintana kung ano man o sino ito." May panlilibak sa tono niya at biglang tumawa ng mahina.

Nagising naman ako mula sa pag kahumaling ko sa mga mata niya.

"Sino ka?! bakit ka nandito?!" Dala na rin ng pag kapahiya ko ay may irritasyon sa pag usisa ko.

" Hindi mo na kaagad ako nakikilala" dumilim ang mukha niya ngunit ngumiti ito ng nakakaloko.

Ang mga Mata naman nito ay unti unting nag bago. Mula sa mala tsokalate nitong kulay ay unting unting naging matingkad

na

Pula.

"Stan." Gumapang kaagad ang takot sa bawat himaymay ng katawan ko.

"Magandang Umaga Cassandra." nanunudyong bati nya muli.

"Ah. ah .ah" banta niya habang iniwawasiwas ang hintuturo niya.

Nakita niya kasing malapit na akong sumigaw.Kinagat ko na lamang pang ibabang labi ko upang mapigilan ang sarili ko.

" Tama yan Cassandra.Kailangan na nating Kumilos. Wala na tayong panahon sa kaartehan mo."

Pinili ko na lamang manahimik wala akong laban sa kanya.

"Kunin mo yang supot sa paanan mo. Yan ang mga tinagong Talaan ng mga kaso hinawakan ng ama mo. Mag sisimula tayo sa Unang tala sa kwaderno niya. Pag aralan mong mabuti."Utos niya.

Agad ko naman siyang sinunod. Kinuha ko ang isang malaking at puro putik na plastic malapit sa paanan ko.

Mag tatanong dapat ako kay Stan kung bakit siya nag pakita sa akin ng sa anyong tikbalang kung pwede naman pala siyang mag anyong tao pero pag tingin ko ay wala na siya.

Kaya Minabuti ko na lang pag tuunan ng pansin yung plastic na pinaglalagyan daw ng files ni Papa.

Napasinghap ako ng makita ito ng malapitan. Ito yung plastic sa panaginip ko.

Kinapa ko kaagad ang bulsa ng suot kong pajama.

Nandoon kwintas na Krus ni Papa. Hindi pwede to.

Tinangal ko kaagad ang nakabalot sa aking kumot ay tumambad sa akin ang maputik kong katawan at sirang damit. Puno rin ako ng galos sa iba't ibang parte ng katawan ko.

Totoo ang panagip ko.

"Wala kang pag pipilian Cassandra." Dinig kong paalala niya Kasabay ng malakas niyang halakhak.

Inspector Malvar Lost filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon