Friend or Foe

86 10 10
                                    

aaah!!! Umalingawngaw ang sigaw ko sa bawat sulok ng kwarto ko.

Humakhakbang ako ng papalayo sa nilalang ng biglang madulas ako at bumagsak sa sahig.Ngunit kahit ganoon ay pinilit ko pa ring mag lagay ng distansya sa nilalang na inakala kong estranghero lamang.

"Sa Muli nating pagkikita Cassandra." at Nangingibabaw ang nakakilabot niyang halakhak sa pagsigaw ko.

Humahakbang siya ng paatras habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Tuwang tuwa sa Takot na nakikita niya dito na dulot ng Pagpapakita niya sa kanyang anyo.

"Cassandra!!! Anak!! Buksan mo ang pinto!! * TOK*TOKAnong nangyayari sayo!!!!!*TOK *TOK*

Kahit naririnig ko ang pagsigaw ni Mama. Hindi ko maialis ang tingin ko sa Nakakakilabot na nilalang na nasa harap ko.

 

Kumpaano siya lumantad kanina sa liwanag ay ganun din sya unti unti nilalamon ng dilim patungo sa kawalan.Kasabay sa pag hina ng kanyang mga halakhak.

Sa tuluyan nyang paglaho ay syang pag bukas ng pinto ng kwarto ko. Agad akong dinaluhan nila mama at hepe at ilan pang tao.

"Anak!!Anong Nangyari!!"Puno ng pagaalala ang boses ni Mama.Ngunit  nakaupo pa rin ako sa gilid ng kama at pilit inilalayo ang sarili ko sa kabilang dulo ng kwarto ko.

Nakakaramdam na rin ako ng sakit sa lalamunan ko pero di ko pa rin mapigilan ang sumigaw.

Nakapako pa din ang tingin ko sa madilim na sulok na iyon ng kwarto. Pakiramdam ko ay Parang ano mang sandali ay muli syang lilitaw sa kawalan.

Humarang sa harapan ko si hepe. Habang yapos ako ni mama na humahagulgol sa pag iyak.

"Cassandra Sagutin mo kami anong nangyayari sayo?!bakit ka sumisigaw?!"May awtoritasyon sa boses niya pero namamayani pa rin sakin ang takot.

Pak! Isang malakas na sampal mula kay hepe ang gumising sa akin.

Napatigil na ako sa pagsigaw at nag simula naman akong sa pag iyak.

"May.....may..." utal kong sabi habang gumagaragal pa ang boses ko.

Flashback

"Ang tawag sa kin ni amo ay Stan at  ako'y isang......" palapit siya ng palapit.

Hanggang sa Naabot na ng liwanag ang pigura na kanina'y binabalot ng dilim.

Napasinghap ako sa takot sa maaring kong makita.

Ngunit Katawan lamang ng isang Matipunong lalaki ang Bumangad sa akin.

Hubad ang pang itaas katawan nito kaya Kitang kita ko na parang inukit ng isang magaling na iskultor ang katawan nito. Sobrang Napaka Perpekto para maging totoo.

Ngunit Sa kabila ng Kahanga hangang kagandahan na nakikita ko ay may kakaibang takot pa rin akong nararamdaman. Marahil ay dahil sa Hindi ko pa nakikita ang kabuuan nito.

May katangkaran kasi ang estranghero kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Kaya kinailangan ko pa na iangat ang ulo ko upang Makita ang mukha ng estranghero.

at Doon ako nagimbal

ng Makita ko ang kanyang ulo.

Hindi ito ulo ng isang tao.

Kundi

Ulo ng isang Itim na kabayo na may pulang mga mata.

"Tikbalang...."

Isang tikbalang ang estranghero kanina ko pa kinakausap. May Sumilay na ngiti sa kanyang mukha kung yun man ang maitatawag doon.

Kasabay noon ay ang pag halihin niya at buga ng hininga sa ilong.

Bumaling baling pa ang kanyang ulo at

nagpapadyak  padyak ng kanyang mga paa.

Humampas hampas ang makintab at itim na buhok sa likod ng ulo nito papunta sa bilog at nanlilisik na pulang mga mata.

Doon ay Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.

End of Flashback

"May.... may...." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko na naman ang boses ng nilalang na iyon.

"Wag ka mag titiwala kahit kanino man. Sa akin ka lang mag titiwala." Paulit ulit na bulong niya sa aking tenga.

Bumalik kaaagad ang matinding takot sa akin.

Nararamdaman ko ang pagbuga ng kanyang hininga sa aking leeg. Sa gilid naman ng aking mga Mata ay parang nahagip ko ng tingin ang pag lapit ng kanyang ulo sa akin.

Hindi ko man siya tuwirang nakikita ngayon ngunit Ramdam ko na ramdam kong nasa tabi ko siya.

"May Ano Cassandra anak wag ka matakot." Malamyos at may pag aalala sa tinig ni Mama.

Gusto kong ipagtapat ang katotohanan sa kanya pero paano ko iyon magagawa kung may nilalang na hindi nila nakikita .Ang nag uutos sa aking wag ko silang pagkatiwalaan.

"Cassandra." Pag babanta ng nilalang. Madiin at iritasyon ang mababanaag sa kanyang tono.

Napalunok ako sa banta niya. Ipinahihiwatig niya sa tono ng kanyang pananalita na sa oras na suwayin ko siya ay hindi ko magugustuhan ang magiging kabayaran.

"Ituloy mo Cassandra Sige Iha wag ka matakot nandito kami." Pag segunda ni hepe.

Kahit nakakaramdam ako ng seguridad na nandito sila hepe ay hindi ako mapapanatag. Papaano naman kasi nila ako maipag tatangol sa nilalang na Hindi nila nakikita.

"May Napanaginipan lang po kasi akong nakakatakot." Nagulat ako ng biglang may nagsalita ng katulad ng boses ko. Mas lalo pa akong nabigla ng napansin kong kusang gumagalaw ang bibig ko.

Paanong?

" Sinabi ko na sayong wala kang pagpipilian"at tumawa siya muli ng nakakapangilabot.

Inspector Malvar Lost filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon