First Piece: Part Two

135 8 15
                                    

Para Kay ito kay Ms.ljgella :)

†††

Inspector Malvar PoV (Flashback continued)

"Dumaan na ako dito kanina ah!Paikot ikot na lang ako dito." Nasabi ko sa pag ka inis.

Pang Limang beses ko na kasing  nadadaanan ang isang biyak na daan dito sa rough road na to sa loob ng gubat.

Kulang na lang sirain ko sa inis ang signage sa tabi ng isang malaking bato. Na nag tuturo ng daan papunta daw sa Baguio.

Akala ko ng Una ay maaring nagalaw lamang ang signage na yun pero Ginawa ko na lahat ng pag papalit palit ng pagliko.Dito pa din ako bumabagsak.

Tama nga si Manong may kung ano kababalaghan sa gubat na ito.

Kahit anong gawin kong pag baybay sa rough road na ito ay hindi pa rin ako makalabas sa gubat na ito.Wala rin akong nakitang bakas ng hinahanap ko.

Bang!

"Ang Malas! Ngayon pa ko nasiraan!" Bumigay na ang makina ng sasakyan ko.Bwicit kailangan kong makahanap ng tulong pero saan.

Luminga ako sa paligid malapit ng lumubog ang araw. Hindi pwedeng abutan ako dito ng dilim.

Kahit mapanganib ay naglakad ako papunta sa mas masukal na bahagi ng gubat at papalayo sa rough road. Umaasa ako na mayroong nakatirang tao sa gubat o kahit mangangahoy man lang, na makakatulong sa akin.

†††

Lumubog na ng tuluyan ang araw. Nasa gitna ako ng kawalan. Hindi ko na alam kung san parte na ako ng gubat napadpad.

Halos milya na ang nilalakad ko pero wala akong nararating.Naisin ko mang balikan ang rough road na pinangalingan ko kanina ay masyadong nang madilim.

Sa pagod at kawalang pag asa ay umupo na lamang ako sa isang tumbang puno.

Nag sindi ako ng sigarilyo para kahit papaano at mabawasan ang pagkabugnot ko.

Pero bago ko pa man mahihit ito ay may kumaluskos. Hinawakan ko kaagad ang .45 kong baril na nakatago sa suot kong jacket para lang handa.

"May Tao ba dyan?!" sigaw ko ngunit wala sagot akong natangap Bagkus ay narinig kong may tumakbo.

Ang takbo nito ay hindi naman papalayo.Kaya naisip ko ay natakot ko lang ito. Kung ako man sa kalagayan niya ay matatakot din akong lumapit.

"Wag kang matakot! Hindi ako masamang tao." Pag sisiguro ko sa kanya ngunit tulad kanina ay tumakbo lamang ito uli sa pagitan ng mga puno.

"Dayo ako dito sa lugar niyo.Naliligaw ako sana ay matulungan mo ako." patuloy ko kahit may pag dududa na sa dibdib ko.

Isang nakatungong Binatilyo ang lumabas mula sa pagitan ng mga puno. Ngumiti ako upang mapalagay ang loob niya sa akin at hindi na siya mahiya.

Hindi pa rin ito umiimik tumataas lamang ang balikat nito kasabay ng kanyang paghinga.

Pabuka na ang bibig ko para sana ako na ang unang bumati sa kanya ngunit may napansin ako tumutulo sa lupa mula sa mukha ng binata. Akala ko ng una ay pawis lamang ito dahil sa pagtakbo niya pero malagkit ito.Para nga itong mga  mahabang sinulid mula sa mukha ng binata bago ito tumulo.

Napaatras ako at agad hinugot ang baril ko.

"Grrr!" Dinig ko pang ungol ng binata bago nito unti unti iniangat ang ulo nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inspector Malvar Lost filesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon