#ABY 1: Target

37 12 6
                                    


"Nakikitira ka na nga lang dito, nagsisira ka pa ng gamit! Wala talagang kuwenta!" Rinig kong sigaw galing sa labas ng kusina habang ako naman ay nasa loob, nililinis ang nabasag na baso ni Deserre, aking pinsan. Alam kong sinadya niya yun para pagalitan na naman ako ni Tita.

Ano pa bang magbabago? Wala na. Sa ilang taong makikitira ko sa bahay nila, dito, ako na lang ang palaging napapagbintangan kapag may mga nasisira, nangyayari o nasasaktan sa anak nila. Kahit hindi naman talaga totoo.

Napakahirap ng ganitong buhay. Wala nang magulang. May kamag anak naman sana, hindi naman tinuturing bilang ka pamilya. Lahat ng gawin ko, mali sa paningin nila. Dahil base sa mga tinatapong tingin nila sa'kin, wala pa akong ginawang tama.

Masakit pero kakayanin. Wala naman na akong malalapitan pa dahil sila lang naman ang kilala kong kamag anak. Malas nga lang dahil masama ang turing nila sa'kin. Mamamatay tao raw ako. Iyan ang tingin nila sa pagkatao ko.

"Hindi ka pa ba tapos dyan?! Mag a-alas syete na, wala pa ang pagkain?!" Nagulat ako ng makita si Tita Ariela sa may pinto ng kusinang nakapameywang habang matalim ang tingin sa'kin. Napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang tingnan ng matagal ang mga mata niyang matatalim at may disgustong mababasa sa mga ito.

"M-maghahain na lang po." Maiksing sagot ko sa kanya habang patuloy na nilalagay sa lalagyan ang itlog, hotdog, at sinangag.

"Bilisan mo na dyan dahil may pasok pa si Deserre!" Singhal niya at saka naglakad palabas ng kusina. Napa buntong hininga na lang ako saka dinala ang mga pagkain sa hapag kainan. Naroon na nakaupo sina Deserre, Jayson, at Tita Ariela. Nang nilagay ko na sa mesa ay umalis kaagad ako at bumalik ulit sa kusina para dun kumain.

Hindi ako pwedeng sumabay sa kanila dahil hindi naman daw nila ako kapamilya kaya dito ako kumakain palagi sa kusina. Minsan man ay sa hapag kainan talaga, pero kapag tapos na sila o wala akong kasalo.

Ito na ang naging buhay ko simula pa pagkabata. Natuto na akong gumawa ng mga gawaing bahay. Ako na rin ang gumagawa ng lahat dito sa bahay kapalit ng pag aaralin nila ako hanggang kolehiyo. Kahit papaano, may ginawa naman silang mabuti sa'kin. Ang patuluyin dito sa bahay nila, at pag aralin.

Nung nagdaang summer, umaga, narito ako sa bahay para gawin ang mga dapat na gawin. Sa gabi naman ay nagtatrabaho sa isang bar na kung tawagin ay Yolo Bar and Restaurant. Kailangan kong magtrabaho para sa daily allowance ko kapag may pasok. Syempre, ngayong pasukan na naman, umaga nasa eskwela, gabi nasa trabaho. Alas dose ng madaling araw ang tapos, uuwi, gagawin ang mga assignment, tutulog tapos gigising na naman ng maaga para magluto ng agahan. Kaya palagi akong walang tulog at pagod kapag pasukan na.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa taas kung nasa'n ang kuwarto ko para maghanda na para pumasok sa paaralan. Naligo na ako at inabot yun ng 30 minutes. Isang simpleng color black na t-shirt, jeans at rubber shoes ang suot ko dahil next week pa ibibigay ang uniform para sa mga transferee.

Natapos na ako sa pag aayos at pati ang mga gamit para sa pag pasok ay naayos ko na rin. Bumaba na ako at nagpaalam na papasok na. Wala naman si Titang sinabi kaya dumeretso na ako sa labas para maghantay ng taxi papuntang eskwelahan. Malayo layo kasi, mga 20 minutes kapag naka taxi, kapag naglakad naman ay aabutin ng 40 minutes at late ang aabutin ko.

Buti na lang ay may dumaan kaagad na taxi at sumakay na ako. Pagdating ko sa paaralan, nagbayad na ako at lumabas ng sasakyan.

Nakatayo lang ako dito sa unahan ng bagong papasukan ko. Sa labas pa lang, malalaman mo na agad na napakalaking paaralan nito. Tiningnan ko ang itaas na parte ng gate.

Ares International School

Papasok ako dito bilang scholar student. Senior high na rin ako. Naisip kong lumipat dahil hindi ko na kinakaya ang pagpapasakit sa dati kong paaralan. Hindi sana papayag si Tita kaso sabi ko, ako na ang gagastos tutal hindi naman masyadong malaki ang babayaran dahil scholar na ako.

Alone Before You (On-Going) (#RosesAwardsJune2019)Where stories live. Discover now