#ABY 4: Back

23 11 7
                                    


"We will have an activity regarding to our topic today. I will group you into three so you can finish this fast and submit this afternoon," wika ng lec namin. Hindi pa naman nagsisimula ang pag turo niya ay iyan kaagad ang sinabi niya.

Apat na araw na rin ang lumipas ng mangyari ang sagutan namin nina tita. Hindi na niya ako masyadong pinapansin at pinapagalitan. Alam kong natamaan siya sa sinabi ko noon. Na alam ko ang mga pinaggagagawa niya. Hindi niya na rin ako masyadong inuutusan. Nakakapanibago. Masyado na akong nasanay sa buhay ko na palaging inuutusan, pinapagalitan, at sinisigawan. Siguro nga, ganon talaga.

Si tito naman ay parang nagbago. Araw-araw na siyang lasing at hindi na nakakapagtrabaho. Naririnig ko rin ang sigawan nila ni tita sa kwarto nila gabi-gabi na parang nag-aaway. Lulong na rin sa pag susugal si tito kaya halos maubos na ang pera nila dahil palagi niya itong tinataya at natatalo.

Sina Deserre naman ay ganon pa din, palagi siyang gumagawa ng mga bagay na pwedeng ikagalit sa'kin ni tita pero hindi naman na nagagalit si tita. Parang wala na itong pakialam.

Dito naman sa school, minsan ay binubully pa rin ako pero hindi kasinglala ng ginagawa sa'kin dun sa dati kong pinag aaralan.

Sa P.E namin nung Miyerkules, volleyball ang laro at kasali ako. Palagi nilang pinapatama sa'kin ang bola at ilang beses akong natamaan sa ulo. Hindi naman kasi ako marunong mag laro ng volleyball kaya wala akong magawa. Sa cafeteria naman, nang minsan akong kumain dun, may bumuhos sa'kin ng mainit na sabaw ng sinigang, sobrang init nun pero pinagtawanan pa ako. Buti na lang ay may extra na akong damit na dala dahil expected ko na iyon. Pero mas malala pa rin yung sa dati kong school. Average pa lang ito, kung tutuusin.

"Falcon, Villadarez, and Marquez," napukaw ang isip ko nang marinig ko ang apelyido ko na tinawag ng lec. Kami pa lang tatlo ang magka grupo. Napahinga na lang ako ng malalim.

Naging mabait sa'kin si 'Mael sa mga nagdaang araw. Maganda siyang kasama, palatawa, at makulit. Pero kapag may nangbubully sa'kin. Para bang papatay siya ng tao dahil sa pagiging seryoso ng mga mata niya.

Si Zach naman ay tahimik lang palagi. Pero mas madalas ko siyang naabutan na nakatingin lang sa'kin. Naiilang ako palagi kaya iniiwasan ko na lang na mapatingin sa kanya.

Hindi na rin nila in-open ang nakita nila nung Lunes na ikinaginhawa ko. Akala ko magtatanong pa sila pero mukhang alam nilang pribado ang mga iyon at hindi na sila nag tanong pa.

Nagsimula na sa pag discuss ang Lec at nakinig na lang ako para makatulong mamaya sa paggawa ng activity. Sinulat ko rin ang mga importanteng detalye na sinasabi ng Lec na pwedeng i-apply mamaya sa activity.

"That's all for today. I'll expect you can pass your activity 4:00 pm sharp. I'll be in the faculty office, Bye." sabi ng Lec at lumabas na ng classroom. Nag ayos na rin ang iba para gawin ang activity. Ang iba naman ay nag stay lang. May isang oras kasing binigay sa'min ng Lec para dito. Yung next class kasi ay wala ang guro kaya binigay na lang ito sa'min.

Lumapit sa'kin si Yshmael na ngiting-ngiti. Nagtaka naman ako sa inasal niya.

"Sa'n tayo gagawa?" Nakangiting sabi niya. Napakunot naman ang nuo ko sa tanong niya. Saka ko lang na realize at napailing na lang ako.

"Dun na lang sa Garden," mahinang sabi ko at lalong lumawak ang ngiti niya.

"Are you sure? Baka may makakita sa'ti--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil iba na. Iba talaga ang isip ne'to.

"Umayos ka nga 'Mael. Activity ang gagawin natin, ano ba yang nasa isip mo?" Iritang sabi ko. Napatawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko. Ako naman ay nag ayos na lang ng gamit habang siya ay napapaubo pa dahil sa pagtawa.

Alone Before You (On-Going) (#RosesAwardsJune2019)Where stories live. Discover now