#ABY 5: Father

26 9 2
                                    


Tiningnan ko lang siya ng may galit sa mga mata ko. Oo, gusto ko siyang makita dahil ama ko pa rin siya. Pero hindi ibig sabihin nun ay makakalimutan ko na ang ginawa niya. Dahil sa kanya kaya ganito ang buhay ko ngayon.

Kung ang anak niya ay naghihirap, siya namang ikinaginhawa ng buhay niya. Hindi niya man lang ba ako hinanap? Hindi niya ba ako gustong makasama? Hindi niya ba kayang humingi ng tawad sa'kin? Dahil ba may ibang pamilya na siyang mahal at hindi kami? Ako?

Hindi iyan rason para hindi niya ako hanapin at kamustahin, dahil ang ama ay hindi makatiis sa kanyang anak. Pero bakit siya? Natitiis niya akong hindi makasama dahil sa ibang pamilya niya.

"Hedone," tawag niya ulit sa pangalan ko. Pero hindi ako nagsalita. Umiiyak pa rin ako habang yakap ni Zach. Hindi pa ako tumitigil lalo na at nandito siya sa harapan ko at parang bumabalik lahat ng mga ala-ala at mga ginawa niya.

"Hedone, please, talk to me," nagmamakaawang sabi niya habang nakaluhod sa harapan ko. Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko lamang ito sa kanya. "Hedone," nanlulumong sabi niya.

"B-bakit? Bakit n-niyo iyon nagawa s-sa'min?" Nauutal na tanong ko dahil umiiyak pa rin ako. Iyan ang pinaka gusto kong itanong ko kapag nakita ko siya at ngayon ang araw na iyon.

"A-alam niyo p-po bang ang daming n-nangyari ng i-iwan niyo kami?" Nakatingin lang siya sa'kin ng may awa at kagustuhan na lapitan ako.

"H-hindi--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Hindi mo alam? Bakit? Dahil nakahanap ka na kaagad na ipapalit sa'min? Dahil may bago ka ng asawa at anak? Dahil may bago ka ng mahal?" Nanghihinang sabi ko. Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga salitang sinambit ko. Siya naman ay yumuko lang.

"Nang iwan mo kami, si mama ay nagkaroon ng traumatic depression. Hindi na kumakain, palaging umiiyak, hindi minsan makatulog dahil sa mga panaginip na pumapasok sa isip niya." napahagulgol na naman ako ng alalahanin ko ang mga nangyari noon kay mama. Wala akong magawa noon kundi tingnan lamang siya at sabihan na tama na. Na kalimutan niya na si papa. Pero kapag sinasabi ko naman yun, iiyak na naman siya.

Tinignan ko si Eros. Ayaw ko siyang tawaging 'papa'. Ayaw ko muna. Lumuluha ito habang nakatingin sa'kin. Mababasa sa mga mata niya ang sakit at pagsisisi.

"P-pero alam mo ba ang pinakamalalang ginawa niya? Pati sarili niyang buhay, kinitil niya nang dahil sa'yo! Nagpakamatay si mama dahil sa'yo! Dahil sa kawalang hiyaang ginawa niyo!" Galit naman ngayon ang pinakita ko sa kanya habang sinasabi ko iyon. Siya naman ay gulat na nakatingin sa'kin saka umupo at umiyak na parang bata.

"Kung hindi niyo sana kami iniwan, hindi sana mangyayari 'to. Hindi sana ako magiging mag-isa. Hindi sana mawawala si mama." Umiyak na naman ako ng todo at naramdaman kong humigpit ang yakap sa'kin ni Zach. Napayakap na rin ako sa kanya dahil sa sobrang pag iyak ko.

"M-mama," banggit ko sa kalagitnaan ng pag iyak ko. Si Zach naman ay hinahaplos ang likod ko para patahanin ako pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang tumahan ngayon dahil sa mga sinabi ko. Dahil sa pag alala ko sa nakaraan. Lalo na sa nangyari kay mama.

"Hindi ko naman iyon sinasady--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil ayaw ko munang marinig ang paliwanag niya. Hindi ko kayang makinig sa kanya ngayon. Hindi pa ngayon.

"Ayaw ko munang malaman ang rason mo. H-hindi ko pa kaya, please," sabi ko sa kanya. Umalis ako sa pagkakayakap ni Zach sa'kin at tumayo na. Tumingin muna ulit ako sandali kay Eros saka ako naglakad paalis. Narinig ko pa ang tawag nila pero hindi ko na sila nilingon pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alone Before You (On-Going) (#RosesAwardsJune2019)Where stories live. Discover now