#ABY 3: Known

22 12 2
                                    


Uwian na. Nag-aayos na ang mga kaklase ko para umalis. Ako naman ay nag aayos na rin dahil may trabaho pa ako. Baka mapagalitan pa ako kapag na-late ako.

Hindi madali ang trabaho ko. Napakarami ang costumers ng YBR lalo na sa Bar nito. Kapag may eskwela, mga college o high school students ay dumederetso dun para uminom, sumayaw o kaya maglaro. Meron kasing time zone na pwedeng paglaruan.

Hindi naman masyadong istrikto ang boss ng YBR, tinulungan pa nga ako nitong makapag aral at magkaroon ng allowance nung nagipit ako sa pera. Kaya swerte pa rin ako dahil sa kanya ako nagtatrabaho.

Meron ring time na nababastos ako kasi nga bar yun, pero nang tumagal, nasanay na ako at hindi na lang pinapansin ang mga ito at ang iba naman ay kilala na rin ako dahil palagi silang naroon.

Minadali ko na ang pag ayos dahil tatlo na lang kaming narito. Ako, si Yshmael at si Zach. Tumayo na ako at akmang lalabas ng tawagin ako ni Yshmael.

"Samantha, hatid na kita," nakangiti niyang alok sa'kin. Naiilang akong ngumiti sa kanya.

"Hindi na. May pupuntahan pa naman kasi ako," mahinang sabi ko pero sapat lang na marinig nilang dalawa.

"Edi hatid na kita kung saan man ang puputahan mo" pangungulit niya pero hindi talaga pwede. Napatingin ako sa gawi ni Zach na nakatingin rin pala sa'kin. Iniwas ko na lang ang paningin ko sa kanya dahil naiilang ako. Lalo na at nakita niya akong umiiyak kanina.

"Salamat na lang pero huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko, mauna na ako." Nagpaalam na ako at lumabas na. Hindi ko na hinintay kung anong sasabihin niya dahil alam kong kukulitin niya na naman ako.

Naglalakad na ako papunta sa main gate ng marinig ko ang bulong bulungan ng mga estudyante na nakatambay sa may hallway.

"Alleiah, she's the transferee I'm talking to"

"Oh, really? She's poor, I'm sure"

"Nasabi sa'kin ni Lovely kanina, Yshmael protect her from Zach, My Gosh"

"Uh-huh. Zach is always kind to all the transferees. Of course, he'll protect her. She's not special, she's not look like one"

Parang sikat ang dalawang iyon dito dahil kahit hindi namin kaklase ay alam ang tungkol sa nangyari kanina.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga sinabi ng dalawang babaeng nadaanan ko. Sanay na rin naman akong pagsabihan at pag usapan kahit sa mga dati kong eskwelahan. Hindi dahil sa sikat ako, kundi dahil sa pagiging target ng bullying.

Pagkalabas ko ng gate ay nagpara kaagad ako ng tricycle papuntang YBR. Napaisip ako, pa'no kaya kung hindi namatay si mama, ganito rin kaya ang buhay ko? Magiging target pa rin ba ako ng mga bullies? Magiging miserable pa ba ako? Magtatrabaho pa rin ba ako kasabay ng pag-aaral?

Mama, miss na miss na kita. Gusto kitang makasama. Bakit kasi umalis ka. Ganon mo ba siya kamahal para magpakamatay ka ng dahil sa kanya? Ayaw mo ba akong makasama?

Pinunasan ko kaagad ang mga luhang hindi ko namalayan na tumulo na pala. Nakarating na rin kami sa YBR nang hindi ko nalalaman. Nagbayad na ako at bumaba na. 5:07 pa lang kaya wala pang mga tao sa Yolo Bar. Dumeretso ako sa Yolo Restaurant at pumunta sa locker nito malapit sa kusina. Nagbihis na ako ng uniporme para sa trabaho. Dito ang una kong trabaho hanggang alas otso ng gabi dahil yun ang sarado nito. Pagkatapos ay lilipat na ako sa Yolo Bar para maging waitress dun hanggang alas dose ng madaling araw.

"Sam, kunin mo ang order nung dalawa," tawag sa'kin ni Ella at tumango naman ako. Pinuntahan ko kaagad ang tinuro niya. Isang babae at lalaki. Mukhang magkasintahan.

Alone Before You (On-Going) (#RosesAwardsJune2019)Where stories live. Discover now