#ABY 2: Memories

29 12 2
                                    


Nawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang pumasok ang lec. Bumalik na rin sa kanya kanyang upuan ang mga tao dito sa classroom kaya yun na din ang ginawa ko.

Nagulat ako ng tumabi sa'kin si Yshmael. Ngumiti naman siya sa'kin nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.

Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko at binalewala ang ginawa niya. Hindi ko maiwasang manghinayang. Inaasahan ko nang magiging target na naman ako ng bullying pero syempre, umasa pa rin ako nung una na huwag naman sana.

Wala na nga talaga yata akong pag-asa na magkaroon ng tahimik na buhay. Siguro nga, habang buhay na akong mag-isa. Walang kasama, walang karamay at walang malabasan ng mga sakit at hinanakit ko sa lahat.

Bakit ganon? Wala naman akong ginawang masama para maging ganito ang buhay ko. Ang maging mag-isa. Oo, pinagbintangan nga akong pumatay pero alam ng Diyos na hindi ko ginawa yun.

Sana, dumating ang araw na may makakaintindi ng buhay na meron ako. Pero sa panahon ngayon, na halos lahat ng taong nabubuhay ngayon, pride na ang pinapairal nila at hindi iniintindi ang buhay na meron ang iba, mukhang imposible.

Masakit isipin na ganito na ang mga tao ngayon, hindi ko matiyak kung bakit nga ba nagkaganito. Parang hindi ko maisip na mabubuhay ako ng matagal sa panahong masyadong iba sa dati.

"Ms. Marquez," nagulat ako nang banggitin ang apelyido ko ng guro. Napatingin ako sa kanya.

"Po?" Mahinang tanong ko.

"Can you please stand here infront of your classmates and introduce yourself," nakangiting saad nito. Tumango naman ako ng tipid sa kanya at naglakad na papuntang unahan. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa'kin ng mga kaklase ko pero hinayaan ko na lang.

Pagharap ko sa kanila ay parang nailang ako, lahat kasi sila ay matiim na nakatingin sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Hello. I'm Samantha Marquez, former student of Hela High School. Please be nice to me," pahina ng pahina ang pagsambit ng mga salitang binitawan ko lalo na yung huling pangungusap. Alam kong hindi sila magiging mabait sa'kin dahil sapat na ang pinakita nila kanina na hindi ako welcome dito sa paaralan ito.

Parang naramdaman naman ng guro na wala na akong idudugtong pa sa mga sinabi ko kaya sinenyasan niya akong umupo na at nagpasalamat. Mukhang mabait naman siya. Ms. Ysabel Montenegro ang pangalan niya.

Natapos naman ng matiwasay ang pagturo niya. Walang gumawa sa'kin ng masama tulad nung sa ibang paaralan na pinasukan ko. Kulang na lang dambahin nila ako para lang masaktan ng pisikalan.

"Sabay na tayong mag snack," lumapit sa'kin si Yshmael. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti ng tipid sabay iling.

"Huwag na. May dala na rin naman kasi akong pagkain. Sa sunod na lang." Sabi ko at mukhang naintindihan niya naman. Tumango na lang ito at lumabas na. Ako na lang ang naiwang mag-isa dito sa classroom dahil lahat ay lumabas at pumuntang cafeteria para kumain.

Napag desisyunan kong hindi dito mag miryenda kaya inayos ko na rin ang gamit ko para lumabas.

Habang naglalakad, nililibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng AIS. Napakalaki nito. May 5 building dito pero yung isa ay mukhang hindi na ginagamit. Malawak rin ang soccer field at maraming nakatambay sa mga benches sa gilid nito. Hindi naman mainit kasi may malalaking puno naman na panangga ng init.

Nakarating ako sa isang garden dito sa paaralan. Aphrodite's White Garden. Yan ang nakalagay sa parang maliit na gate papasok ng gate. Naglakad ako papasok at nagulat ako dahil napakaraming puting rosas ang nakatanim dito. Meron namang ibang kulay ng iba't ibang bulaklak pero kakaunti lang. May mga malalagong puno rin sa paligid nito at mga upuan.

Alone Before You (On-Going) (#RosesAwardsJune2019)Where stories live. Discover now