Dahil kinukulit na ko ni Ate Lala at Ate Mog... eto na ang Chapter 3 ^^)
~~~~~
Hyojae's POV:
Ilang weeks na rin kaming nagpapractice, medyo nakukuha na namin at nagsasabay-sabay na kami. Pero sabi nga nila ang buhay ay puno ng problema -.-
"Hyojae...kelan kaya matatapos to?" Malungkot na tanong sa'kin ni Seyoung.
"Malapit na." Haysss..pati ata ako naaapektuhan na sa problema ni Jinhye at Jikang eh..
Flashback
Pupunta sana kami ni Jikang sa library dahil andun sina Seyoung at Jinhye, nang bigla kaming tawagin ni Sab at Ahyoung.
"Hi girls!" Bati ni Sab.
"Anu bang kailangan nyo?" Tanong ni Jikang.
"Oooops..ikaw ata may kailangan samin?" Nagtinginan kami ni Jikang. Anung pinagsasasabi neto?
"Owww! Hindi mo pa ba alam?" Sarcastic na tanong ni Ahyoung.
"Anu bang pinagsasasabi nyo?" Tanong ko naman.
Kinuha ni Ahyoung ang phone niya, at pinakita saamin ang picture ni Jinhye kasama si Hoseok.
"Panu nangyari to? Eh.. di-diba kayo ni Hoseok?" Umiiyak na tanong ni Jikang.
"Actually i'm shock too, pero that's it! I can't believe it too."
Wala akong tiwala sa mga 'to ah.
Biglang tumakbo si Jikang papuntang library. Sinundan ko siya at naabutan namin sina Jinhye at Seyoung na kakalabas lang ng library.
"JINHYE! CAN YOU EXPLAIN THIS?" pinakita ni Jikang ang picture at kitang-kita sa mukha ni Jinhye na gulat na gulat siya.
"Sa-san mo na-n-nakuha y-yan?" Nauutal na tanong ni Jinhye.
"Hindi na importante yon! Now, tell me may relasyon ba kayo ni Hoseok?"
Relasyon agad? Nakitsismis na din ang ibang tao sa campus, at naririnig ko silang nagbubulungan kaya inawat ko na si Jikang.
"Jikang tama na. Pagusapan niyo ng maayos to" bulong ko sa kanya pero parang hindi siya nakikinig.
"Jikang let me explain.." mahinahon na sabi ni Jinhye.
"There's nothing to explain" biglang sabi ni Jikang at nagwalk-out na.
Inutusan ko si Seyoung na sundan si Jikang at pinapunta ko si Jinhye sa practice room. Susunod na sana ako ng hablutin ni Taehyun ang kamay ko.
"What happened?" Tanong niya.
"Nagaway si Jinhye at Jikang" sagot ko naman.
"Bakit?"
"Hoseok." Simpleng sagot ko.
Pasugod na si Taehyun, pero pinigilan ko siya.
"Not now Taehyun. Sundan na lang natin si Jinhye." Sumunod naman siya.
Practice Room
"Bakit magkasama kayo ni Hoseok?" Tanong ko kay Jinhye.
"It's not what you think Hyojae." Pageexplain niya.
"I'm not thinking anything. Gusto ko lang malaman ang totoo." Tumingin siya sakin at sinabi ang totoo.
"Nanghingi siya ng favor sakin." Simpleng explanation nya.
"Nung time na yon ako lang ang nakita niya, wala kasi kayo nun. Nilapitan niya ko agad. Umiiyak siya, gusto niyang tulungan ko siya para magkabalikan sila ni Jikang." Dugtong niya.
"At dun niya sinabi sa kin na inutusan lang daw siya nila Sab para saktan si Jikang. Kapag di daw siya sumunod, ipapahiya daw nila si Jikang sa buong campus."
Sabi na nga ba eh, sila nanaman may pakana nito eh...
End of Flashback
"Hey girls! Look dalawa nalang ata sila." Pangaasar ni Sab.
Hindi ko na talaga kaya! Gusto ko na silang sugurin! Gusto kong sunugin yung mga feeling magaganda nilang mukha. Pero ayaw ko xD
"Pwede ba? Iwan nyo na kami." Sabi ni Seyoung. Umalis naman sila pero nagaasar pa rin -.-
"Uy! Hyojae si Hoseok!" Biglang sabi ni Seyoung.
Sinundan namin to.
"HOSEOK!" Sigaw ko at narinig naman niya kami.
"Bakit?" Tanong niya.
"Tutulungan ka namin." Nagsmile siya at umiyak at the same time. Tears of joy in short.
"Thank you Hyojae, Seyoung."
"Wag ka muna magpasalamat Hoseok, may problema pa tayo." Sabi ni Seyoung sa kanya.
"Ano?"
"Nag-away sina Jinhye at Jikang dahil sayo. Nakita ni Jikang yung picture nyo na magkasama kayo ni Jinhye, at nabigyan ng ibang meaning kaya ayun!" Pag-eexplain ko sa kanya.
"HYOJAE?!!!" Napalingon kaming lahat ng biglang sumigaw si Jikang.
"Pati ba naman kayo?"
"Wait Jik-" nahinto ako sa pagsasalita ko nang habulin ni Hoseok si Jikang.
"Jikang!" Sigaw ni Hoseok.
"Ano? Lolokohin mo nnman ako?" Umiiyak na tanong ni Jikang.
"Jikang hindi.. hindi kita niloko..alam mong hindi ko kaya yun.. lahat ng nakita mo lahat yun gawa lang nila Sab para siraan ako pati si jinhye.."
Pagkasabi ni Hoseok nun, lumitaw bigla sina Jinhye kasama si Taehyun at Jeongguk. Nandito nga pala kami sa court malapit sa school.
Lumapit si Jinhye...
"Jikang, alam kong alam mo kung sino mahal ko diba?"
Hindi sumagot si Jikang.
Ang totoo niyan si Jeongguk ang mahal ni Jinhye, pa-hard-to-get lang talaga xD ^O^
"Tama. Kaya imposibleng lokohin kita, mas mahalaga sakin ang pagkakaibigan natin Jikang. Minsan kelangan mo ding pairalin ang tiwala, mas kilala mo kami kesa kila Sab. Kaya sana kami ang paniwalaan mo."
Niyakap ni Jikang si Jinhye
Pati na rin si Hoseok...
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
--
-
-
-
Sabi nga nila lahat ng bagay sa mundo may solusyon. Hindi lahat ng bagay dapat pinoproblema, minsan kelangan lang nating alamin ang totoo sa maayos na paraan. :)
~~~~~~
HOPYALIKEIT guys!! :"))
Sorry sa late update ^^]
-AteLulu
KAMU SEDANG MEMBACA
Purple Pink Vs. A.T.G- Story About True Friendship (Short Story)
Fiksi RemajaInspired by Ladies' Code EunB and RiSe who just died this last few days. #PrayForLadiesCode