Chapter 1

43 0 0
                                    

I Love You Sweetie!

Nanlalaki ang mga matang tinapunan ng tingin ni Rain si Claire. Kasalukuyan silang nasa camping site malapit sa isang kilalang waterfalls sa kanilang lugar kasama ang kanilang barkada. Nabuo ang kanilang grupo dahil sa hilig nilang gumala at para hindi masayang ang kanilang oras sa mga walang kwentang lakaran ay naisipan na lang nilang puntahan at iexplore ang iba't-ibang tourist attraction sa kanilang probinsya at sa mga karatig lugar nito.

"Ayan ka na naman eh. Tigilan mo na nga 'yong mga biro mong ganyan ha." Si Rain. Ito ang ikatlong beses na sabihan siya nito ng I Love You ngunit hindi pa rin siya sanay na marinig ito mula sa kanya kahit alam niyang biro lamang nito iyon.

"Sabi ko naman kasi sayo, ako naman ang kunan mo ng picture hindi iyong puro nature." Tugon ni Claire dito.

Mahilig kasi si Rain sa photography at ang nature nga ang paborito nyang subject. Pinipili nito ang mga nakuhang larawan at ipinopost nito sa kanyang blog.

"Hindi ka kasi marunong maghintay. Kita mo namang may kinukunan pa ko eh." Kunwari ay naiinis na sabi ni Rain. " Sige , pose ka na diyan. Ayusin mo ha! " Dugtong pa nito sa sinasabi. Tumatawa namang sinunod ni Claire ang mga iniuutos nito sa kanya.

"Ang galing talaga ng sweetie ko." Nakangiting sabi ni Claire matapos tignan ang mga kuhang larawan ni Rain. Niyakap pa niya ito sa likod na mabilis namang kumawala sa kanyang yakap.

"Hoy! Tumigil ka nga. Tsaka tigilan mo na rin ang pagtawag mo sakin ng sweetie. Mamaya marinig ka pa ng iba, mag-iisip na naman ang mga iyon ng masama." si Rain.

"Asus. Kunwari ka pa, gustong gusto mo naman." Tumatawang insulto ni Claire dito. " Tsaka hindi naman tayo maririnig ng mga iyon. Baka busy pa ang mga iyon sa paghahanap ng mga gagamitin natin." Dugtong pa nito.

"Teka lang ha. May napansin ako eh. Ano ba nakain mo at parang ang bait mo ngayon?" Si Rain.

"Inspired lang kasi ako kasi solo kita ngayon." Pa-cute nitong pagtutuloy sa pagbibiro kay Rain.

"Isumbong kaya kita sa boyfriend mong tomboy na nakikipaglandian ka sa iba!" Sabi ni Rain dito habang dinidiinan ang salitang tomboy.

"Wooh. Selos ka lang sa kanya e, kaya mo sinasabi iyan." Insulto sa kanya ni Claire na may kasama pang kalabit sa tagiliran.

"At bakit naman ako magseselos doon?. Kaibigan lang kita at hanggang doon lang iyon." Si Rain.

"Siyempre magseselos ka doon kasi crush mo ko." Tumatawang sabi ni Claire.

"Haha. Feeler ka rin noh. Anong crush ka diyan. Mahiya ka naman. Di ako magkakagusto sa mukhang 'yan." Natatawang tugon ni Rain dito.

"Hoy! FYI. Itong mukhang to. Maraming nagkakandarapa dito." Si Claire.

"Marami? Iyong girlfriend, este, boyfriend mo lang yata." nag-iinsultong sabi ni Rain dito.

Hindi na nakasagot si Claire dahil nagdatingan na ang kanilang mga kaibigan. Pareho pa silang napalingon sa mga ito.

"May nangyari na ba?" birong tanong ni Steph sa mga ito. Si Steph ang pinaka kasangga ni Claire sa kanilang mga kaibigang babae.

"Ito oh. Pinipilit ako." Ganting biro ni Rain dito.

"Tse. Ayaw mo naman e." Pagsakay ni Claire sa mga trip nila.

"Hay naku. Tumigil na nga kayo sa kabastusan nyo." sabat ni JM. Ito ay ang kanilang leader. May pagkasilahis ito.

" Ang KJ naman nito." halos sabay na sabi ng iba pa nilang kaibigan. Natawa pa silang lahat. Nagpatuloy nga ang biruan at tawanan ng barkada habang nag-aayos ng kanilang mga gamit.

Falling for My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon