Chapter 3

9 0 0
                                    

Isang linggo ang lumipas at dumating si Jade. Biglaan ang dating nito. May importante daw kasing gagawin ang mga magulang nito ngunit babalik din naman ang mga ito sa makalawa.

"Uy, tara punta tayo kina Jade. Kanina pa daw siya dumating." Yaya ni Rain kay Claire. Nasalubong niya kasi ito sa labas at papauwi na ito.

"Akala ko ba di siya uuwi." Tanong ni Claire.

"May importante lang daw gagawin 'yong parents niya kaya't sumama na rin siya. Pero babalik din siya sa makalawa.

"Ah. Okay." Ang nasabi lang ni Claire.

"So ano?. Tara na." Yaya ni Rain dito.

"Maya na lang. Di pa ako nagdidinner ee." Sagot naman nito.

"Maya ka nalang kumain. Magdiet ka muna tsaka may pasalubong yun...'yon na lang kainin mo." Sagot naman ni Rain dito.

"Mauna ka na. Sunod na lang ako dun." Sabi ni Claire saka akmang aalis na.

Ngunit bigla siyang niyakap ni Rain sa likod upang pigilan ang kanyang pag-alis. Akmang itataas na niya si Claire ngunit bigla itong nagpupumiglas kaya't muntik na silang matumba. Hindi pa niya inaasahan na mabigat ito sa kabila ng pagiging payat nito. Mabuti na lang at nabalanse agad ni Rain ang sarili. Agad namang lumayo si Claire habang tumatawa sa nangyari.

"Ang bigat mo pala." Tumatawang sabi ni Rain.

"Ikaw kasi. Bigla-bigla mo kong binuhat. Nabigla ako dun aa." Si Claire.

"Hay naku. Naitaas na sana kita kung di ka lang nagpumiglas." Si Rain.

"Ang sabihin mo. Di mo ko kayang buhatin." Tumatawa pa ring sabi ni Claire. Tumawa lang din si Rain hanggang sa nakita nilang paparating si Jade at Prince.

"Oh, hi.." Si Claire.

"Uy, kamusta." Si Rain.

"Hello.Ayos lang naman." Nakangiting tugon ni Jade.

"Asan na pasalubong namin." Agad na biro ni Claire dito.

"Pasalubong lang naman ata ang hinintay nyo hindi ako." Kunwari ay nagtatampong sabi nito.

"Hindi naman. Tara, maglibre ka na lang kung ganun." Si Claire.

"Hindi nyo pa ba ako pagpapahingain muna." Si Jade.

"Wag na. Di na uso yan." Si Claire.

"Ganun?" Si Jade.

"Oo. Kaya't bilisan mo na't nagugutom na ko." Si Claire.

"Hintayin muna natin yong iba." Si Jade.

"Okay. Siguraduhin mo lang na masarap yan a. Para sulit ang paghihintay ko." Si Claire.

"Hay, naku. Anu ba gusto mo. Name what you want.." Biro ni Jade dito.

"Cake, spaghetti..." Ganting biro ni Claire.

"Hoy, bakasyon pinunta ko dito, hindi birthday celebration." Si Jade.

"Tinatanong mo kaya ako kung ano gusto ko." Sagot ni Claire.

"Hay naku. Ewan ko sayo." Sumusukong sabi ni Jade.

"Halika na. Libre ka na gutom na ko." Si Claire.

"Wala pa yong iba. Hintayin muna natin." Si Jade.

"Oo nga naman. Huwag ka ngang makasarili." Sabat ni Rain.

"Tse! Tawagin nyo na kasi sila." Si Claire.

"Sungit talaga nito kahit kailan." Si Rain.

Inirapan lang ito ni Claire.

Falling for My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon