Chapter 2

13 0 0
                                    

"Break na tayo!" Si Tomboy.

"O-Okay." Ang nasabi na lang ni Claire bago nginitian ang kasintahan at mabilis na umalis. Naiwan namang umiiyak si Tomboy.

Kasama nito si Steph ng makipagkita sa boyfriend nito at hindi niya inaasahan na ibibreak na siya nito. Ngunit imbes na umiyak ay itinago na lamang niya ang sakit na nararamdaman.

"So, how's your date?" Tanong ni Rain dito ng magkita kita sila ng hapon ding iyon.

"Wala. Break na kami." Nakangiting sabi ni Claire dito.

"Break na kayo pero parang wala lang sayo." Si Rain.

"Alangan namang umiyak ako. Ano naman mapapala ko?" Si Claire.

Ilang linggo ang nakalipas matapos magbreak si Claire at ang boyfriend nito. Kasalukuyan ngang nasa bahay ni Rain si JM at Prince. Katatapos lang nilang magmeryenda ng dumating si Claire habang nagliligpit ng mga pinagkainan nila si Rain.

"Hi!" Si Claire.

Napalingon naman ang tatlo sa kanya.

"Oh. Anong masamang hangin naman ang nagdala sayo at napadpad ka rito?" Si Rain.

"Wala lang. Galing kasi ako diyan sa computer shop kaya naisipan kong dumaan saglit." Tugon ni Claire dito.

"Weh. Baka naman may gusto ka lang makita." Si Prince.

"Sino naman kaya 'yon?" Tanong niya rito.

"Baka naman si...."Ibinitin nito ang sasabihin saka lumingon kay Rain na nakatingin na rin pala sa kanila.

"Siya. No way." Nangingiting sabi ni Claire ng marealized na si Rain ang tinutukoy nito.

"Oy, wala pa kong sinasabing pangalan a." Si Prince.

"E, sa kanya ka kaya nakatingin." Sagot ni Claire.

"Tumingin lang naman ako sa kanya a." Palusot ni Prince.

Ngumiti lang si Claire at makalipas ang ilang saglit ay nagpaalam na rin ito.

"Sige a. Alis na ko. May gagawin pa kasi ako." Si Claire.

"Hay. Mabuti naman." Nakangiting sabi ni Rain.

"Tse." sabi nito sa kanya.

Nagtawanan lang ang dalawa habang sina JM at Prince ay nakangiting nakatingin lang sa kanila.

"Sige na. Alis na ko." Sabi ni Claire saka lumapit kay Rain. Akma niya itong hahalikan sa pisngi ngunit nakaiwas ito. Hindi na rin niya ito itinuloy.

"Hoy. Ano ka ba? Si Rain.

Tumawa lang si Claire saka mabilis na umalis.

"Sweet a." Sabi ni Prince.

"Hala. wala iyon. Lagi nga niya iyong ginagawa sa akin." sabi ni Rain

"Nadedevelop ka naman." Sabat ni JM.

"Uy. Hindi a." Sabi niya rito.

"Weh. Di nga." Halos sabay na sabi ng mga ito.

"Oo nga." Si Rain. "Ganun lang talaga iyon magbiro. Minsan nga sinasabihan pa ako ng I LOVE YOU nun." Dugtong pa nito.

"Nahuhulog naman ang loob mo." Si JM.

"Hay naku. Bahala nga kayo diyan." Sabi nito bago bumalik sa ginagawa.

Nang hapon ding iyon ng makipagkita siya sa mga ito ay ipinagkakalat ng mga ito na may gusto siya kay Claire. Alam niyang nagbibiro lamang ang mga ito.

Falling for My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon