Chapter 4

11 0 0
                                    

"Iwasan ko na lang ata si Rain." Ang nasabi ni Claire kay Steph.

Nasa isang milk tea station ang dalawa sa kanilang bayan.

"Bat mo naman iiwasan?" Tanong naman dito ni Steph.

"Ee, kayo kasi ee. Nakaiinis na." Sabi naman ni Claire.

"Hay naku, kung di ka guilty, di ka maaapektuhan." Si Steph.

"Ayan ka na naman ee. Di naman ako affected. Nakakapikon lang ang mga biro nyo." Si Claire.

"Whatever. Umamin ka nga. May gusto ka kay Rain noh?" Tanong ni Steph dito.

"Huh. Wala noh. Okay ka lang?" Si Claire.

Napaisip si Claire sa sinabi ni Steph.

"Ako, magkakagusto sa kanya. Haisst. Hanggang kaibigan ko lang iyon. " ang sabi ni Claire sa sarili habang sumisipsip sa milk tea nito.

"Basta, buo na ang desisyon ko. Iiwasan ko na sya para matigil na ang mga pangtitrip nyo samin." Si Claire.

Kinagabihan nga ay magkakasama sila Claire, Prince, Steph, JM at Jen ng mapagpasyahang itext ni Jen si Rain.

"Hey, punta ka rito sa bahay." Text ni Jen kay Rain.

"Bakit naman?" Tanong naman nito sa kaibigan.

"Basta, punta ka na lang dito." Sagot naman ni Jen.

Nadatnan nga nya ang mga kaibigan sa harap ng bahay ni Jen. Nag-uusap sina Jen, JM at Prince ng dumating sya. Si Steph naman ay nagtetext habang naglalaro si Claire sa cellphone ni Prince.

"Ba't mo ako pinapunta rito?" Agad na tanong ni Rain ng makalapit sa mga kaibigan.

"Wala lang. Parang di ka na nasanay." Sagot naman ni Jen sa kanya.

"Tara na. Nandito na ang lahat. Bili na tayo ng makakain." Yaya ni JM sa kanila. Nagpasya ng magpaiwan sina Steph at Claire sa bahay ni Jen at hinayaan na lamang ang mga kaibigan ang pumili ng makakain.

Pagbalik ng mga ito ay may dala na silang Iced Tea at ilang chichiria. Si Prince na ang nagtimpla ng Iced Tea at nagsimula ng lantakan ng magkakaibigan ang mga pinamili. Kasabay ng pagkain ay ang mga di matapos tapos na biruan at kwentuhan ang maririnig.

"May Iced Tea pa ba? Tanong ni Claire.

"Ito o marami pa." Sagot naman ni Rain sabay abot dito ng baso. Siya na rin nagsalin sa baso nito ng Iced Tea.

"Oh, how sweet. Sana may magserve din sakin ng Iced Tea." Nakakalukong sabi ni Jen.

"Hay naku. Magserve lang sweet na agad." Si Rain.

"Tumigil na nga kayo. Nakaiinis na e." Galit na sabi ni Claire saka lumayo sa kanila at pinagpatuloy ang paglalaro sa cellphons ni Prince. Nilapitan naman ito ni Steph at nag-usap ang dalawa.

"Anyare dun. Ok lang yun kanina a." Si Jen

"Kasi naman. Lagi nyo nalang kaming tinutukso. Nakakainis na rin kaya." Si Rain.

"Hay naku. Kung di totoo yun, di kayo affected." Si JM.

"Porke ba affected guilty na agad." Si Rain.

"Pwede rin." Singit naman ni Prince.

"Minsan tuloy nahihiya na akong kausapin siya. Kayo kasi e." Si Rain.

"Asus, ang sabihin mo, kaya ka nahihiya sa kanya ay dahil gusto mo siya." Si JM.

Magsasalita pa sana si Rain ng biglang nagsalita si Claire. Nakalapit na pala ito sa kanila.

"Ito na cellphone mo oh. Salamat ha." Sabi ni Claire kay Prince. " anyway, alis na rin ako. Bye." Dugtong pa nito sa sinasabi bago mabilis na umalis. Sinundan naman ito ni Steph.

"Badtrip ata yun?" Tanong ni Prince sa mga kaibigan.

"Ee, kasi naman kayo." Si Rain.

"Oh, bakit na naman?" Tanong naman ni JM.

"Lagi nyo na lang kami tinutukso. Sino ba naman di mababadtrip dun." Si Rain saka uminom sa hawak nitong Iced Tea.

"Uy, nagtext si Claire." Biglang sabi ni Prince sa mga kaibigan. Agad na kinuha ni Rain ang cellphone ng kaibigan at tahimik na binasa ang sinabi nito.

"NAKAIINIS NA KAYO. ASAR NA KAYO NG ASAR. DI KO SYA GUSTO NOH. TSAKA MAY BOYFRIEND NA KO."

Bigla na lang natahimik si Rain sa nabasa. Ewan ba nya pero parang nasaktan sya sa sinabi ng kaibigan.

"DI KO SYA GUSTO NO. TSAKA MAY BOYFRIEND NA KO." Nagpaulit-ulit ang mga kataga sa kanyang isip. Ewan ba nya pero parang nasaktan siya ng malamang may boyfriend na ito. Nagseselos ba sya. Pero, hindi maaari yon. Hindi nya rin ito gusto. Katunayan nga ay may nililigawan sya. Ngunit isang bahagi ng kanyang puso ang nadurog ng malamang may kasintahan na ito.

"Di ko sya gusto no. Tsaka may boyfriend na ko."

"Arghh. Why am I getting affected." Ang sabi ni Rain sa sarili. Ilang oras na siyang nakahiga sa kama nito pero hanggang ngayon ay hindi parin ito makatulog.

Bakit nga ba sya nasasaktan? Bakit sya naaapektuhan? Hindi naman nya ito gusto, pero bakit hindi nya malimutan ang sinabi nito. At ayaw man nyang aminin pero parang nasaktan sya dito. Hanggang sa namalayan na lang nyang lumuha ang kanyang mga mata. Nahulog na nga ba ang loob nya dito? Siguro, oo, dahil hindi naman siya masasaktan kung hindi nya ito gusto.

"Tara, gala tayo?" Yaya ni JM sa kanya.

"Kayo na lang." Sagot naman ni Rain na hindi na tumitingin dito. Nakatutok parin ito sa computer. Aside from facebook ay nagpopost din ito ng mga pictures sa blog nito.

"Mukhang dinibdib mo ata ang mga sinabi ni Claire." Bigla ay sabi ni JM habang nakatingin na rin sa ginagawa niya. "Hay naku, marami pang iba dyan. Hindi lang si Claire ang babae sa mundo." Dugtong pa nito sa sinasabi ng di nya ito sinagot.

"Tumigil ka nga. Para kang eng-eng dyan eh." Sagot naman ni Rain dito.

"Denial pa 'to. Aminin mo na. Obvious naman e." Si JM.

"Hay naku. Wala akong aaminin at wala akong dapat aminin." Si Rain.

"Wala nga ba?" Nang-iinsultong sabi ni JM.

Tumingin lang ng matalim si Rain kay JM saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"I'm certain of my feelings!" May inis sa boses na sabi ni Rain.

" Basta ito lang masasabi ko. Sometimes, you have to risk what you have to get a better one. So kung may gusto ka, sabihin mo lang. Wala namang mawawala sa'yo. Tsaka baka naghihintay lang yun sa pag-amin mo." Sabi ni JM saka nagpasyang umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling for My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon