Chapter 8 Your dead!

17 1 0
                                    


Ivy's Pov.

Maaga akong gumising ngayong araw. May importanteng event ako dadaluhan, kaya inihanda ko ng maigi ang lahat.

Dati rati, masaya ako habang nag hahanda, kasama ang mga kaibigan ko, pero ngayon medyo na kakaramdam ako ng lungkot.

Nasanay na akong laging mag isa dito sa mansion na pinagawa ni daddy para sakin.

Kamusta na kaya siya? Miss ko na siya.

Napagdisisyonan kong mag jogging muna, total napaka aga panaman, alastres palang naman ng madaling araw.

Nang lumabas ako ng bahay, ramdam ko ang malamig na dampi ng hangin sa balat ko.

Naka Sports Bra lang ako at naka leggings na Black.

Nang makalabas ako ng gate, walang ingay na namumutawi sa labas.

Inumpisahan ko ng maglakad ng mabagal, papalabas ng subdivision.

Ng makalabas ako, sa kabilang subdivision, ako dumalo para duon mag jogging.

Lagi kong sinasadyang dito mag jogging, dahil may minamanmanan akong tao mula dito sa subdivision na ito.

Pasimple akong nag tago sa damuhan malapit sa bahay na , kakabukas lang ng ilaw.

Ng pagmasdan ko ang anino mula sa kurtina ng Bintana ng bahay, isang babaeng mahaba ang buhok at isang lalaking matangkad.

Maya maya nakita ko na lang na sinasakal na ng lalaki ang babae.

Nang sulyapan ko, ang relo ko, mag aalas kwatro imedya na pala.

Mas minabuti ko na lang na ipagpatoy ang pag jogging ko pabalik sa mansion ko.

Nang nasa tapat na ako ng gate, napansin kong naka awang ito ng kaunti, so ibig sabihin may taong nakapasok sa mansion.

Hinayaan ko lang na ganoon ang pwesto ng gate.

Tumawid ako sa kabilang kalsada, at doon ako nag antay na may lumabas na tao.
Mag Iisang oras na bago ko nakita na may papalabas sa gate.
Dali dali akong lumapit sa dereksyon nila.

"Sino kayo?" Mahinahong tanong ko.

"Anong paki alam mo?" Tanong ng isa, lima silang lalaki, at pare-parehong may hawak na baril.

Tiyak naman akong di nila ako makikila, dahil natatakpan ang bibig at ilong ko. Mata lamang ang tanging nakikita nila.

"May pakialam ako dahil, bahay ko ang pinasok niyo." Saad ko na halatang ikinagulat nila.

"Kaya naman pala wala siya pare sa loob kasi nasa labas siya." Wika ng isa.
Mag aalas sais na nang madaling araw kaya nakikit ko na ang pagmumukha nila.

"Gago." Sabat ng isa.

"Anong ginawa niyo sa loob ng bahay ko?" Seryusong tanong ko.

"Papatayin ka sana namin, kaso wala ka sa loob, kaya ito kami aalis na sana." Wika ulit ng isang lalaki.

"Tanga ka talaga pare."

"Diba ang utos ni boss papatayin natin siya pag nasa loob siya ng bahay."Saad niya na halatang ikinagalit ng kasamahan niya.
" Wala namang sinabi si boss na patayin natin siya sa labas, kaya ano pang hinihintay natin, tara na uwi na tayo." Saad niya ulit.

"Tarantado ka!" Giit ng isa.

"Papatayin natin siya ngayon din,." Sabay totok ng baril nila sakin.

"Sigurado ba kayo sa gagawin niyo?" Mahinahong tanong ko.

"Oo naman."

"Ako hindi, kasi ang utos lang ni boss pag nakita natin siya sa loob doon natin siya papatayin, e ang kaso nasa labas siya kaya, hindi ako sigurado." Wika ng lalaki.

The Heiress Queen (On Going)Where stories live. Discover now