Chapter 04 Mission 2.0

11 5 0
                                    

Sorry for being irresponsible writer hahaha. Hindi talaga ako maka pag update agad agad dahil nabu-buwsit na ako sa cellphone ko! Sorry  HAHAHA! Btw!, thank you so much! 

Your comment is highly appreciated!

     IVy Pov:

Kasalukuyan kong binabaybay ang hallway ng isang Mansion na pag gaganapan ng Transaction ng mga drugs.

Bawat pinto na nadadaan ko iniisa isa kong pinapasok.

Kaya maaga kaming pumunta rito para pagdating ng 12 midnight ay  ready na lahat.

Nilalagyan ko ng camera ang bawat sulok ng Room dito sa mansion.

Si Jhassy ang naka assign na mag monitor ng camera, para ma guide nya kami. Naiwan lang siya sa loob ng Van Para magbantay.

Nakarinig ako ng footsteps sa labas ng pinto. Kaya dali dali kong inilagay ang camera at nagtago sa madilim na parti ng room.

"Parating na daw sila boss." Wika ng isang lalaki.

"Anong oras daw?"

"Di ako sigurado, pero ang nadinig ko 11:30 daw nandito na sila."

"Sige sasabihan ko ang lahat ng  magbabantay na pumunta na sila  sa area nila.

"Segi."

Nang mapansin ko na wala ng tao lumabas na ako at dali daling tinungo ang pinto para makapasok ako sa susunod na room.

9:45 na kaya minadali ko ng ilagay lahat ng camera.

Nang matapos ako bumalik na ako sa van at naabutan ko sila na kompleto na.

"Ano gumagana ba lahat ng inilagay ko.?" Tanong ko kay jhassy.

"Oo  lahat maayos." Pahayag nya.

"Mabuti."

"Malapit na mag 12 midnight." Saad ni vinice.

Si Venice, sya ang naka assign sa rooftop ng mansion, siya kasi ang Sniper sa grupo namin.

Si Amber naman ang Makakasama ko para pasukin ang  bawat room

At si jhassy ayon mukhang masama ang loob, di kasi sya makikipaglaban.

"Ready?"Tanong ko sa kanila.

" Yes." Sagot nilang lahat.

"Move!" Saad ko, kaya dali dali silang kumilos para pumwesto.

Maingat bawat lakad namin sa hallway para walang makapansin samin.

Naka all black kami kaya di kami mapapasin kahit dumaan kami malapit sakanila.

Ununa kong pinuntahan ang room 01 para patayin isa isa ang nasa loob.

"Ivy Lima silang nasa loob, magiingat ka may mga baril sila." Sabi ni jhassy sa earpiece.

"Roger." Sagot ko.

"Amber Room 03 Apat na lalaki at dalawang babae ang nasa loob may mga box sila na inilapag sa ilalim ng lamesa." Jhassy.

"Roger." Sagot ni Amber.

"Maramirami na ang papasok sa loob, mag iingat kayo."

"Roger!" Sabay na sabi namin ni amber.

"Titirahin ko na ba ang papasok.?" Tanong ni Venice na kasalukuyang na sa rooftop at nag aantay ng signal.

"Segi mag iingat ka siguraduhin mong walang makakapansin." Saad ko.

The Heiress Queen (On Going)Where stories live. Discover now