I would like to say thank you, for reading my story. I hope na nagustuhan niyo ito: thank you!
Your comment is highly appreciated!
MISSION
Ivy pov:
Dumretso na ako ng parking lot , sure naman akong nakauwi na 'yon si daddy kaya di na ako dumaan pa sa Office nya.
Malapit na sana akong sumakay sa motor ko ng may napansin akong mga kalalakihan sa di kalayuan, kaya imbes na sumakay ako nagtago ako sa katabing kotse ng motor ko.
"Sabi ni boss pag nakita natin tirahin na daw." Sabi ng isang lalaki. What the!
"Sa tingin niyo ba andito pa siya.?" Tanong ng isa.
"Sure ako na nandiYan pa siya. Dahil kanina ko pa nakitang umalis yong tatlong kaibigan nya." Sagot ng isa.
"Sigurado ka?" Paniniguro ng isa niyang kasama.
"Tssk oo nga e." Giit ng isa.
Maya maya napansin kong may mga lalaking papunta dito sa parking lot , at ng sulyapan ko ng maiigi , kung di ako nag kakamali sila Kyle at ang grupo niya ang natatanaw ko. Kaya dali dali akong pumunta sa kinaruruonan nila para pigilan.
"Shhhh!!" Wika ko ng mapansin kong mag sasalita sana ang isa sakanila.
"Bakit anong meron?" Pabulong na tanong ni Kyle.
"May mga lalaking nag aabang sakin sa parking lot." Paliwanag ko.
"O tapos, ikaw naman pala ang inaabangan bat' mo kami pinipigilan?" Tanong ng isa.nag pintig bigla ang tainga ko. Dahil sa pamamaraan ng pagkakasabi nya.
"Gago ka ba, gusto mo bang madamay pag nagkagulo.?" Mataray na tanong ko.
"Tsk."
"Segi kung ayaw niyong pigilan ko kayo,go , go ahead,you can do what you want , pero pag nagkataon na maynangyari , diko kayo kargo." Mahabang sabi ko bago tumalikod.
Nang makarating ako sa may motor ko napansin kong nakatingin sila sa gawi ko. Nako patay tayo nyan.
"Ayon sya!!" Sigaw ng isa. Kaya agad agad kong binunut ang baril ko sa ilalim ng palda ko.
Lintik kasi bat ang iksi ng palda ko.
*Bang Bang...
Ilag lang ako ng ilag, hinahayaan ko lang kasi sila na paputukan ako. Nang makakuha ako ng tamang pwesto Tyaka ko binunut ulit ang isa kong baril , dahilan para maging dalawa ang hawak kong baril.
Napansin kong parang may mga tao sa likod ko kaya dali dali akong lumingon at tinutukan sila."Opss."
"Kalma Ivy kami to."
"Tssk mga duwag naman pala kayo." Wika ko.
"Sorry Ivy." Dinig kong paumanhin ng isa sakanila.
Di na ako nag aksaya pa ng oras na maki pag usap dahil magigipit kami pag nagkataon.
"Taas ang kamay." Sabi ko sa mga lalaking nakatayo di kalayuan sa pwesto ko. Wala na kasi silang bala kaya nag kukumahog na sila.
"Luhod,!" Utos ko kaya dali dali silang sumunod. Naoansin ko rin na lumabas na sila Kyle ng lunga nila,tsk mga duwag.
"Taas ang kamay." Utos ko.
"Ngayon sino ang nag utos sa inyo na patayin ako.?" Tanong ko pero ilang sigundo ang lumipas wala ni isang sumagot. Kaya kinsa ko ang dalawa kong baril, dahilan para mataranta sila.