Chapter 5

561 28 7
                                    

Janea's POV

"Wow naman, magaling ka na?" Masayang bati ni Serene sakin, pagkapasok ko palang ng pintuan ng classroom. "Namiss kitaaaaaa!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

Jusko, si Sese talaga, she never fails to smile and be happy all the time.

Natawa ako at umupo sa tabi niya, "Anong mga na-miss ko sa class?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, boring discussions lang at yung partner project para sa Arts na'tin." Humalumbaba siya sa desk niya.

"Sino daw kapartner ko?" Humarap ako sa kanya.

Nagkabitbalikat siya, "Ayy, wala ka pang partner! Hinati ni sir ang partnerings, next week pa i-announce ni Mr. Banayag yung sainyo." Then, she squealed, "Pero hulaan mo kung sino ang ka-partner ko!"

Tinaasan ko siya ng kilay, para namang sobrang excited niya, "Sino? Landi mo, ah!"

"Ulol, I'm not like you," She genuinely smiled widely, "Pero it's...Bryce."

Napa-isip ako kung ik-kwento ko sa kanya yung nangyari samin ni Bry nung isang gabi, pero sige, mamayang lunch na lang!

Napa-tango na lang ako, "Ikaw pala? How are you? Halos isang linggo din kita nakita dahil sa lagnat ko, na-miss ko yung kadaldalan mo!" Tumawa ako.

"Wow, ah! Ganon ba talaga ako kaingay?" Tumawa siya ng malakas, "Tsaka miss mo lang naman bestie mo, eh. Ayaw mo lang sabihin na namiss mo agad ang kagandahan ko!"

Napatawa kami parehas.

Si Selene Celestine ang isa ko pang close friend. Medyo may katangkadan, maganda at sobrang masayahin. Nung grade 7 kami, tanda ko, transferee siya dito sa school, mahiyain oa siya noon at ako agad yung nilapitan niya. Ang bait din nitong si Sese. Tapos crush na crush niya pa yung best friend kong isa, si Br—

Natigilan ako. Hala, nakalimutan ko!

Si Bry.

Biglang may mga maiingay na boses ang umalingaw-ngaw sa room ng pumasok doon sina Reece, Kieffer, at si Bry.

"Hi, best friend!" Agad na binati ni Reece kay Sese. "Nasan ang future girlfriend ko? Nakapasok na ba?" Sure naman kami na si Marga ang tinutukoy niya.

"Hay, bakit ba kasi hindi natin ka-section yung dalawa." Humikab si Kieffer at umupo sa may likod ko.

Umupo naman sa gilid ko ang halatang-halata na antok pa na Bry.

Bakit naman dito pa 'to umupo? Ilang na ilang na nga ako sa kanya, sakin pa tumabi!

"Hello." Bati ni Bry sakin habang naka-pikit pa ang isang mata.

Talk to him, Janea. Huwag mong gawing big deal yung nangyari! Wala lang sa kanya 'yon!!!

Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanya, "Hi, antok ka pa ata, ah?" Tinry ko mag-joke.

Humikab siya, "Oo, eh. Stood up late," At may kinuha sa bag na folder at inabot yon kay Sese.

Kinalbit naman ako ni Kieffer, "Narinig ko may magt-transfer daw dito sa section natin, ah? Totoo ba?

Napatingin ako sa kanya, "Ay, weh? Hindi ko lang alam." Bahagya akong tumawa.

Humarap naman ako kay Bry na bumalik na sa upuan niya, "Ano yun? Yung inabot mo kay Sese?"

"Ah, wala lang 'yon. Project namin." Sumandal siya sa upuan niya at tumingin-tingin sa labas ng bintana, "Partners kami."

"Ahh."

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng konting lungkot nung narinig ko iyon.

Bestfriends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon