Chapter 2

855 35 2
                                    

3rd Person's POV:

It was exact 12PM when the bell rang, indicating it's lunch time.

Dahil mga gutuman na at kumu-kulo na ang tiyan ng magkakaibigan na sina Janea, Serene, Margaux at Agatha, agad naman silang nagpunta sa cafeteria.

Puno ng tao sa cafeteria at maingay sa loob. Nang makitang punong-puno ng tao sa cafeteria, nag-alala ang mga magkakaibigan na baka wala na silang ma-upuan nang naaninaw ni Janea si Bryce sa usual na table nilang tatlong magto-tropa.

"Wait, doon tayo kina Bry, guys." Aya ni Janea sa mga kaibigan niya.

Agad namang kumislap ang mukha ni Serene.

"Hello, girls." Bati ni Reece ng may nakakalokong ngiti sa mukha. Ngunit halata namang kay Margaux lamang siya nakatingin, "Hi, Marga." Kaway pa nito sa babae.

Hindi siya pinansin ni Marga at umupo sa kabilang dulo ng table, malayo kay Reece.

"Lagi mo na lang iniinis 'tong kaibigan ko, Reece ha." Natatawang sabi ni Selestine at umupo.

Pagka-upo pa lamang nila, "Anong oorderin niyo? Ako na oorder. Please lang." Tanong na agad ni Kieffer, ang isa pang kaibigan ni Bryce.

"Teka lang naman, wait lang. Kakaupo pa lang namin." Pabirong awat ni Janea kay Kieffer.

"Pag pasensyahan niyo na si Kief, kanina pa yan nagugutom." Umupo si Bry sa tabi ni Janea.

Napatawa naman si Serene, "#6 akin." Ngiti niya kay Reece.

"Ako din." Sabi ni Agatha, pagkababa ng gamit niya sa katabing upuan.

Napatingin si Kieffer kay Reece at napataas ang kilay, "Bro, what's #6...ano yon? Rice?" Tinanguan siya ni Reece, "Sige yun na lang din akin, para tulad kami ni Thayv. (Agatha Yvaine)

Kumunot ang noo ni Thayv, "Ha? Hindi ko narinig, ang ingay."

Nguniti si Kieffer as he shook his head, "Wala."

"Akin, #2 lang." Sabi ni Janea habang ibinababa ang gamit niya sa katabing upuan.

Napatingin sa kanya si Bryce, "Salad," he knitted his eyebrows together, "Seryoso ka?"

Tumango naman si Janea, "Diet ako, remember?"

Tumawa naman ng nakaka-insulto si Bryce, "Sa payat mong yan, magdi-diet ka pa? Ginugutom mo ba sarili mo?"

Humarap si Bryce kay Kieffer, "Dalawang #6, akin tsaka sa kanya." At bago pa naka-angal si Janea, naka-alis na agad si Kieffer para umorder.

"Gago! Bakit ikaw ang umorder ng pagkain ko? Ikaw ba ang kakain, ha?" Inirapan ni Janea si Bryce at napa-halumbaba.

Hindi na lamang ito pinansin ni Bryce.

"Bryce, I heard uuwi daw kuya mo, ah?" Panimula ni Serene.

Napanganga si Janea, "Hala? Weh? Uuwi si Kuya Bruce?" Kitang kita ang saya sa mata ng dalaga.

Nagulat si Bryce sa narinig, "Paano mo nalaman?" Humarap ito Bryce.

"Kay Ate Lianna."

"Wait...hindi ba same school yung boyfriend ng pinsan mo pati ni Kuya Bruce?" Tanong ni Janea kay Serene.

Nanlaki ang maya ni Serene sumenyas ng 'shh', "Hindi daw sila, friends lang." Tumawa ito bago tumango, "Pero oo, yung friend ni Ate Lia na si Kuya Enzo, classmate ni Kuya Bruce."

Napa "Oh.." na lamang si Janea sa mga nalaman at napatingin kay Bry na natatawa sa nagaawayan na Thayv, Reece, at Marga.

"Hoy, Bry. Hindi mo ata nabanggit samin na uuwi pala si Kuya Bruce?" Tapik ni Janea sa kanya.

Close sina Janea at ang kuya ni Bryce na si Bruce. Ngunit nung nag-aral ito sa ibang eskuwelahan para sa kanyang kursong engineer, hindi na ito umuwi at mag-aanim na buwan na mula noon.

"Hindi pa naman kasi sure, kung tuloy si Kuya." Mahinang sabi ni Bryce, "Busy pa rin siya." Dagdag niya.

Maya maya pa, bumalik na si Kieffer na may dalang malalaking tray sa magkabilang kamay.

"Ginawa niyo naman akong waiter." Bungad ni Kieffer na nahihirapan sa dami ng dala.

"Bro, wala namang nagsabi sayo na ikaw na kumuha ng order namin eh. Nagpapalakas ka lang kay Agath—AH!" Naputol ang sasabihin ni Reece nang napainda siya ng sakit ng paa. Tinapakan pala iyon ni Kieffer.

"Fuck you!" Reece cursed, as he caresses his right foot.

Hindi siya pinansin ni Kieffer at tumawa nalang habang dinistribute ang mga plato sa tray.

Napa-ngiti na lamang si Janea sa mga baliwan ng kaniyang mga matatalik na kaibigan.

P.S: Please vote and comment!! :)

Bestfriends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon