Chapter 3

669 31 1
                                    

Janea's POV

Alas-dos na ng hapon ngayon at kasing init ng panahon ang init ng ulo ni Papa at ng noo ko.

May sinat ata ako.

Kapapasok lang ni Bryce sa kwarto ko nang sunod-sunod naman agad ang mga tanong niya.

"Pupunta sana ako dito para kamustahin ka, bakit hindi ka nagrereply sakin? May itatanong ako tungkol sa project, eh." Akmang lalakad siya papunta sa kama ko nang pumihit siya pabalik.

Idiniin niya ang tenga niya sa nakasaradong pintuan ng kwarto ko, "Ba't pinapagalitan si Ate Rai?" Humarap siya sakin, "Ang lakas ng mga sigaw ni Tito Franco, kahiya ko nung pumasok ako sa pinto, eh. Wrong timing!" Tumawa ito.

Tinignan ko siya ng masama, "Nabunggo niya yung kotse ni Papa, narinig ko lang sa baba nung kumuha ako ng bimp—"

"Oh?" Napahalukipkip siya, "Pangalawang bunggo na 'yun ngayong month, ah." Naglakad siya papunta sa bintana, kung saan tanaw ang garahe namin.

"Shit, grabe yung bangga sa may headlights, oh!" Turo niya sa bintana, "Yuping-yupi!"

"Kaya nga, eh. Hindi naman ganyan si Ate Razie dati." Napahikbi nalang ako.

"Ayan ka na naman, Gabriel." He shook his head, "Iisipin mo na naman ng iisipin si Ate Razie niyan. Some things change, at normal lang iyon." Paliwanag niya at napatawa nang makita nang humarap sa akin.

Tumayo lang siya dun sa gitna ng kwarto at tinitignan ako ng parang nangungutya.

"Mukha kang lumpia, 'dyan. Ang init naman, nagkukumot ka pa." Tinawanan niya ako.

"Nasan ba remote ng AC? Sobrang in—" Akmang niyang kukuhanin sa kamay ko ang remote nang mapansin niyang mainit ang kamay ko.

Agad niyang hinawakan ang noo at leeg ko kaya hindi na ako nakapalag, "Ang init mo!"

Inirapan ko siya, "Obvious naman."

Agad siyang umupo sa may gilid ko, "Nagkakasakit din pala ang mga dugyot na katulad mo 'no?" Tumawa siya.

Napangiwi ako bago pina-ikot ang mga mata, "Hindi ka nakakatawa, ang sama ng pakiramdam ko. Tapos may mens pa 'ko."

Maya-maya, sumakit na naman ang ulo ko at pinilit na matulog na lang. Hindi ko na rin namalayan kung saan nagpunta si Bry, dahil nakatulog na ako.

For sure, umuwi na iyon. Dahil tuwing may sakit ako ay diring diri ang lalaki na 'yon dahil kakalat daw ang bacteria at sakit sa kanya pati na rin kapag may red days ako naman ako, hindi yon lumalapit sakin dahil lagi daw akong badtrip, nadadamay siya! Gago!

Halos tatlong oras din akong nakatulog at medyo gumaan ng kaunti ang sakit ng ulo ko. Kanina kasi parang sinusuntok-suntok ang ulo ko, eh.

Bigla ko na naman sina Papa at Ate na nag-away kanina. Hay nako. Sana nandito si Mama.

Tatayo na sana ako upang bumaba at kumain nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, showing Bryce na may dalang tray.

"Anong trip 'yan?" Umupo ako sa kama ko at tinaasan siya ng kilay.

"Soup at gamot." Nilagay niya sa table ang tray at dinala ito sa akin.

Tinignan ko siya at napanganga, "Totoo ba 'to? May sakit ka din ba?" Tumawa ako.

Sa tagal ko na atang kaibigan si Bryce ay ngayon ko lang siya nakitang ganito kabait sa akin. Anong nakain nito?

"Humihop ka muna ng mainit na soup bago ka uminom ng gamot." Utos niya bago tumabi sakin.

"May lason ba 'to?" Natawa siya sa tanong ko.

"Don't worry si Ate Mav nagluto niyan, tsaka kung lalasunin kita, matagal ka nang patay ngayon." Humiga siya sa kama ko at kimutan ang balikat ko.

Napanganga na lang ako sa mga kilos niya. Okay lang ba si Bryce?

"Kumain ka na diyan. Meron din akong dalang pads. Para sa mga dugo-dugo mo, kadiri naman, oh!" Ibinato niya sakin ang isang packet ng napkin.

Hindi ko na napigilan na mapangiti dahil sa inaasta ng best friend ko at kumain na.

Hindi ko na rin itatanggi na medyo kinilig ako sa ginawa niya. First time talaga 'to nangyari. Hindi naman siya ganito dati.

"Bakit ka naka-ngiti? Ganyan ba kasarap ang luto ni Ate Mavie?" Sinamaan ako ng tingin ni Bryce na komportableng naka-higa at nagce-cellphone sa tabi ko. "Or naka-ngiti ka dahil sobrang pogi ng nagdala ng pagkain mo?

Agad ko namang pinawi ang ngiti ko at napatawa, "Kapal naman ng mukha mo, Bry!" Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Ano bang meron dito sa lalaking 'to? Minsan masungit tapos bigla-bigla na lang babait. Jusko.

Bestfriends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon