Chapter 1

1.3K 53 0
                                    

Janea's P.O.V

"Genki des ka?" (How are you?) Tanong ni Mama sa call.

Ngayong araw, tumawag ang nanay ko! This really made my day great, specially dahil hindi laging nakakatawag si Mama Amy.

"Okay lang naman po, 'Ma. Eto po sina Ate Razie at Bryce, lagi parin po akong inaasar."

Agad namang kinuha sakin ni Ate ang cellphone ko, "Hindi po kaya, Ma. Pikon lang po talaga si Janea hanggang ngayon!"

"Opo nga po, Tita!" Tumawa siya, "Kamusta po?"

Tumagal din ng ilang minuto ang pag-uusap namin ni Mama.

"Ma, hindi parin po ba kayo uuwi? Limang taon na po kayo diyan, nami-miss ka na po namin," Sabi ni Ate Raikah Zachary (Razie) dinugtungan ko naman yon ng "Pati ni Papa, 'Ma." Naramdaman kong umirap si Ate Rai.

Napansin naman namin ang mabilis na pag-iba ng emosyon sa mukha ng aming nanay. "Ay, naku anak! I remembered may gagawin pa pala ako! Mauna na muna ako, ha? Mag-iingat kayo palagi diyan. I love you all, mga anak ko!" Nagmamadaling pinatay ni Mama ang call.

Nabigla na lang ako ng namatay na ang call. "Hala?" At unti-unting napa-ngiwi.

Nakaramdam ako ng tapik sa likod ko, "Hayaan mo na, Janea." Mapaklang sabi ni Ate Razie bago tumayo at nagpunta sa kusina.

Napa-buntong hininga na lang ako ng lapitan ako ni Bry. "Alam kong malungkot ka. Wag mo na munang isipin ng isipin. Mas lalo ka lang malulungkot."

Nabalot ng katahimikan ang buong bahay. Katulad ng naka-sanayan, kami-kami lamang dito sa bahay. Si Ate Razie at Bry lang lagi. Si Ate Mavie, she's in college. Umuuwi lang siya once in a month dito sa bahay. And as usual, si Papa, nasa trabaho.

Hindi naman ganto dati sa bahay namin. Sobrang saya dito nung magka-ayos pa sina Mama at Papa. Pero I guess, some things really does change. Including love and feelings.

Miss ko na sina Mama at Papa.

Dati, we even used to have gatherings with Bry's family and other family friends. Pero ngayon? Wala na. It's like, naging busy na lahat ng tao. Kagaya nina Ate. Specially Ate Razie. She's now all gangsta and aloof. Buti nalang hindi siya nagre-rebelde. Tapos si Ate Mavie, she's building her life na, in Manila.

So, technically I'm always alone. Buti na lang nandito si Jenkins, na kahit papaano ay napapatiisan ko.

"Parang ang sad mo naman ata?"

"ANO BAYAN BRY!!!!!!" Singhal ko sa lalaking naka-upo sa harap ko.

"Wala lang parang ang lalim kasi nang iniisip mo. Kaya mo na atang languyin sa lalim." Joke pa niya.

"Wala naman. Mga bagay-bagay lang."

"Okay lang kung ayaw mo sabihin, basta nandito naman ako, your poging kaibigan." Kindat niya sa akin bago patong ng braso sa balikat ko.

"Ulul! Alis nga diyan!" Tinulak ko ang braso niya papalayo.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Iniba ko ang topic, "7:40 na oh. May pasok pa bukas." Turo ko sa orasan ng phone ko.

Nagkabit-balikat siya, "Para namang hindi ka pa sanay na nandito ako lagi. Tsaka wala lang, gusto ko lang tumambay dito." Humaga siya sa sofa at ipinatong ang madumi niyang paa sa lap ko.

Nagulat naman ako sa ginawa niya at agad siyang itinulak, "Tumayo ka nga!" i tried pushing him off, but I can't. "God, ang dumi ng paa mo!"

Okay sige baka OA lang ako sa part na madumi ang paa niya pero kadiri naman! Kakaligo ko lang! Kung saan-saan niya naman itinapak ang paa niya!

"Ayoko, tsaka dito nalang ako matutulog sainyo." Ipinkit niya ang mga mata niya habang komportableng naka-higa sa tabi ko.

"Baliw kaba? Di kanaman papayagan ni Papa for sure, kasi gabi na." Tinaasan ko siya ng kilay.

He shrugged, "That just makes him more reasons para dito ako patulugin." Bumangon siya sa pagkakahiga at pumunta sa may kusina, "Tito Francoo! Pwede pong dito nalang matulog?" Rinig ko ang malakas niyang boses na umaalingaw-ngaw sa buong bahay.

"Ha? Alam ba yan ni kumpadre? Pero sige, dun ka na lang ulit sa guest room. Ipa-handa mo na lang ulit kay Manang." Rinig kong usapan nila sa kusina.

"What?" Agad akong napatayo at dali-daling nagpunta sa kusina kung saan nandon sila. "Pa, wag mo siyang payagan! Uuw—"

"Janea, please, I'm sleepy." Yes, Papa did looked tired. "Tatas na ako sa kwarto at ako'y antok na." He waved goodbye bago tumaas. Leaving the two of us sa kusina.

"Ano?" he smirked. "Pinayagan ako. Mag tetext nalang ako kina Mama para di mag alala." Tumawa siya ng nakakaloko.

"Baliw! Diyan ka na nga!" Iniwanan ko siya sa kusina at tumaas na rin.

Yung loko na yon halos araw-araw na lang nandito sa bahay namin, hindi na niya ba gusto umuwi sa kanila? Para namang walang mansyon na naghihintay sa kanya pag-uwi niya! Jusko, halos pwedeng-pwede na siya magpa-ampon kay Papa!

Bestfriends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon