Chapter 4

597 25 2
                                    

Janea's POV

"Nagpalit ka ba ng comforter? Mas lumambot 'to ah." Kapa-kapa ni Bry sa kama ko.

"Oo," Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? 'Wag mo sabihing makikitulog ka na naman dito sa kwarto ko," Hinigop ko ang soup, "Nag-aamoy Bryce na ang kwarto ko, lagi ka kasing nandito!" Bahagya ko siyang binato ng unan pero naka-ilag siya at nasalo iyon.

Napatawa siya at bumangon sa pagkakahiga, "Ang kapal naman ng mukha mo, ako nga lang nagpapabango sa kwarto mo!" Niyapos niya ang unan na ibinato ko sa kanya.

"As if!" Inirapan ko siya.

"Ah! Aba, totoo naman, ah!" Lumapit siya sa table, "Tsaka nga pag natutulog ka, naka-bukas pa bibig mo, ganto oh," Inawang niya ng malaki ang bibig niya, "Tapos hindi ka naman nagt-toothbrush, yuck!" Nagsimula siya ipatas at ligpitin ang kinainan ko.

"Huy, baliw. Huwag mo na linisin 'yan. Leave it to Manang." Awat ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

Hays, ano ba kasing nakain ng lalaking 'to?

Pagkatapos niya doon, binuksan niya ang isang tablet ng paracetamol at ibinigay yun sakin, "Inumin mo na muna 'to." Inabutan niya din ako ng tubig.

Nanlaki na lang ang mata ko sa kaniya at uminom ng gamot.

Ako lang ba o ang sweet-sweet talaga sakin ni Bryce ngayon?

"Bakit ang bait mo sakin?" Hindi ko na naiwasang magtanong, "Ngayon ka lang naman nagganto, ah." Tumawa ako.

Natawa siya at inimis ang baso, "Eh, pag namatay ka dahil sa sama ng pakiramdam, wala na akong best friend."

Best friend.

Pinilit kong tumawa, "Baliw, may namamatay ba sa lagnat?"

Tumawa din siya bago tumabi sakin, "Oo! Ikaw, muntik pa lang. Buti na lang pinakain kita at pina-inom ng gamot."

Buong gabi, naka-higa lang kami ni Bry sa kama ko, nag-asaran at nagkwentuhan. Mga normal lang na ginagawa namin sa araw-araw. Hindi na din kami nagkakailangan ni Bryce, para narin naman kaming magkapatid, eh.

Para sa 'kin, parang.

Nang mag-aalas-otso na, inantok ako bigla at napatingin kay Bry. Ginagabi na siya dito, may pasok pa bukas at inaantok na rin ako.

Kinalbit ko ang lalaki na naka-dapa sa may sofa ko at nagce-cellphone, "Bry, 8pm na. 'Di ka pa uuwi?" Lumuhod ako sa may harap niya.

Lumingon siya sakin habang hawak parin ang cellphone niya, katapat ko na ngayon ang mukha niya, "Ikaw? Hindi ka pa ba tutulog?"

Tumango ako, "Hindi p—"

Umangal naman si Bry, binaba ang cellphone niya at humarap sakin, "Anong hindi?" Hinawakan niya ang noo ko, "Mainit ka pa rin, oh. Tsaka," Lumapit siya sakin at dinutdot ang ilalim ng mata ko, "Lalaki na yang eyebags mo." Tumawa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay at nilapit lalo ang mukha ko sa kanya, "Hoy, hindi kaya! Tignan...mo...pa..."

Dahan-dahan akong natigilan nang matauhan ako na halos wala nang isang dangkal ang layo ng mukha ni Bry sa mukha ko.

Unti-unti ding nawala ang ngiti sa labi ni Bry at dahan-dahang inilapit ang malambot kamay niya sa mukha ko at kinuha ang ilang strand ng buhok ko at inipit iyon sa may tenga ko.

Ngayon ko na lang narealize na ang gwapo nga pala talaga ng best friend ko. Ang gwapo nga pala ng isang Bryce Montesorri.

Mariin na inalog ni Bry ang ulo niya at napa-upo ng maayos. "S-sorry." Tumawa ito at tumayo.

Naiwan akong nasa may sahig, nakaluhod parin.

"Oo, uuwi na rin ako. May pasok pa bukas eh." Kamot nito sa ulo.

Nagpunta naman ako sa kama ko at umupo doon. "Oo, sige." Iniwasan kong mapatingin kay Bry.

"Sige, una na 'ko, Jah. Magpahinga ka na, ah?" Nginitian niya ang ng abot sa tenga bago lumabas.

Bago ko pa ma-process ang mga nangyari ay bumukas uli ang pinto, showing Bry.

"Goodnight nga pala!" Ngumiti siya ulit, "Pagaling ka, 'pre." At isinarado na muli ang pinto.

Nang sure na ako na nakalayo na talaga si Bry mula sa pinto, agad kong kinuha ang unan ko at doon umirit.

Sasabog na ata ang puso ko sa kilig!

"Ano ba 'to, Bry?" Inamoy ko ang unan na may bahid ng pabango niya bago humiga na ulit at nagkumot.

"Ano bang ginagawa mo sakin..."

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako, kakaisip sa best friend ko.

Bestfriends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon