Lea
We're having a girl's night out since kararating ko lang daw, kailangan daw i-celebrate 'yon sabi ni Vice and the co
Ang daming alam diba.
Nagising ako nang masakit ang ulo ko, hangover.
Bumaba ako at nakita ko sila Dawn and Vice with Charlene.
"Good morning Lea kain ka na nagluto kami" Bati ni Dawn.
Kumakain kami at sila Dawn and Vice lang ang nagsasalita. Napansin naman ni Vice ang katahimikan namin at tinanong ako.
"Tahimik Lei ah, kwento ka naman about sa vacation nyo ni--"
I kick his knee under the table, 'Di dapat 'yun malaman ni Charlene dahil ang alam niya, umuwing US si Aga.
"Aray!" Singhal niya at tumingin sa akin dahilan para pandilatan ko siya ng mata.
"Anyare sis?" Tanong ni Dawn.
"Ah wala, natinik lang ako." Dahilan niya.
"Huh? Wala namang tinik ang hotdog at bacon ah?" Pagtataka ni Charlene.
"Wala ba? nako Dawn ah machuchugi ako sa luto mo, chareng." Palusot niya.
"Guys, akyat lang ako. Maliligo na 'ko, yung mga hugasin pakilagay na lang sa lababo ako na maghuhugas." Bilin ko matapos kumain.
"Kami na maghuhugas Lei tapos uuwi na rin kami pagkatapos." Sabi ni Dawn.
"Okay, thank you"
Umakyat na ako at naligo. I decided na magbabad sa bathtub with music, nakaka-relax lang.
Napaangat ako nang may maramdaman akong naka-tingin sa akin.
"Hey, what are you doing here?" Tanong ko kay Charlene.
"Uhm, I want to invite you for dinner sana, actually it's just a simple party for my engagement." Sabi niya.
"Again?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
I never met her fiance, kahit yung dati kasi broken hearted ako non at nagpakalayo-layo for some reasons.
"Yes, it's him again para naman ma-meet mo na siya finally" Nakangiti niyang wika.
So siya pala ulit, I heard they broke up, kaya iyak nang iyak sa'kin si Charlene, papatayin niya raw yung kabit ng fiance niya at ngayon sila ulit, Boomerang ka ghorl?
---
Nagbabasa ako ng libro nang nag-text si Aga, nag-aaya manood ng sine. Linggo naman ngayon at wala naman din akong gagawin kaya pumayag ako.
Sabi ko sa mall na lang kami magkita pero late na dahil nasa tapat na raw sya ng bahay ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Umupo ka lang muna dyan, mag-bibihis lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Sama ako babes" Aga.
"Pakyu! manahimik ka dyan. Mabilis lang ako."
I chose to wear a black hoodie. Para match kami.
Pagkababa ko ay nakita ko siyang tumatawa habang nakatingin sa cellphone niya.
"Hey.." Pagtawag ko sa atensyon babes.
"HAHAHA babes ang cute mo dito." Pinakita niya sakin ang picture, childhood picture ko.
"At ba't ka natatawa aber?"
"Ang cute mo lang, bungi ka pa HAHAHA." Tawang-tawa lang siya.
"Parang ayoko na sumama." Pagbibiro ko.

YOU ARE READING
Ours (LeAga)
FanfictionLea Sarmiento is a beautiful strong and independent woman and a lesbian. One day, an annoying man came to her life Aga Morales who changed everything about her and made her life more confusing. "The stakes are high, the water's rough but this love i...