Matapos ang pangyayaring 'yon, naging mailap ako kay Aga. Hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito pero parang ayaw ko lang sya makita dahil sa tuwing nakikita ko sya may kung anong kumikirot sa puso ko.
"Lea?"
Nabalik naman ako sa Earth nang tawagin nya ako.
"What?" I asked without looking at him.
"May problema ba tayo? Do we have?" He asked.
"Problem? Don't worry there's none. it's up to you if you want to have one" I sarcastically said.
It's irritating whenever he's around.
"Lei, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. I'm serious." Sabi nya.
Edi mag-seryoso.
I cleared my throat first before speaking.
"Do you think I'm not serious, mister?" I asked him while raising my left eyebrow kaya natahimik siya.
"Ikaw ata 'tong may problema eh" Bulong ko.
He sighed. "Napapansin ko lang kase, this past few days, since nung gumaling ako. It seems like you're avoiding me that's why I thought we had a problem. You said wala naman so I gotta go, mag-aani pa kami nila Tatang" Sabi nya at umalis.
Pinagmamasdan ko lang ang unting-unti nyang paglabas sa pinto ng kwarto at bawat pag-hakbang nya parang may kumikirot muli sa puso ko.
Then suddenly I felt a hot liquid streaming down from my eyes.
"Lea, ano ba? para saan 'tong luhang 'to?"
"Ugh! Lea, mali 'to okay?"
"Wag kang umiyak shunga, ba't ka umiiyak? are you crying over that man?"
Pag convinced ko sa sarili ko hanggang sa natawa ako dahil na-realized ko'ng mukha akong tanga.
Damn, double meaning
Lumabas na lang ako para makalanghap naman ng hangin at ma-kalma dahil baka atakihin ako ng hika ko.
Yes, I have an asthma.
Pinuntahan ko sila sa bukid at umupo sa may maliit na kubo. Kitang-kita dito mula sa bintana si Tatang at Aga na nag-aani na.
Maya-maya pa'y may lumapit na babae kay Aga, kay lang Aga.
Si Niña
Inabutan nya ng marienda si Aga. Si Aga lang talaga ghorl huh.
Nakita kong parang nagtatawanan ang dalawa. Ang harot talaga ng Niña na yan.
Wait, don't get me wrong I'm not jealous. It's just annoy me ang landi nyang lalaking yan akala ko ba loyal sya kay Charlene?
Lumapit ako sa kanila at kinaladkad si Niña at nginudngud sa putikan.
Just kidding.
Lumapit ako dahil may i-uutos na naman ako sa kanya.
"Oh Lea?---I mean madam? how can I help you?" Tanong nya tapos ngumiti.
bwiset na dimples yan.
"Hmm, wala naman sa ngayon. I'm just checking if you're doing your job well." Sabi ko habang naka-taas ang kaliwang kilay ko.
"I'm doing good naman diba?" Tanong nya habang nakangiti at taas baba ang makapal niyang kilay.
"Not that good pero pwede na rin." Sabi ko habang nakataas pa rin ang kilay ko.

YOU ARE READING
Ours (LeAga)
FanfictionLea Sarmiento is a beautiful strong and independent woman and a lesbian. One day, an annoying man came to her life Aga Morales who changed everything about her and made her life more confusing. "The stakes are high, the water's rough but this love i...