❤️❤️❤️🍒💕
Abala ako sa paghahalo ng mga sangkap para sa aking ginagawang potion na pangpa-ibig sa isang malaking kawan. Tiyak akong maraming magkakandarapa bumili nito!Maraming tao ang nais mapaibig ang kanilang mga iniibig na hindi naman sila iniibig.
Nakatingin lang sa hinahalo ko ang alaga kong si Itim. Isa siyang kwago na nakakapagsalita ng dahil sa akin.
Binasa kong muli ang talaan ng mga sangkap para matapos ko na ang aking ginagawa.
Napasinghap ako ng makita ang huling sangkap para sa gayuma. Wala pa pala akong sangkap na ganoon.
"Itim!" Tawag ko sa alaga kong kwago na ngayon ay malapit ng pumikit ang malalaking mga mata. Agad namang itong dumilat pagkarinig niya sa pangalan niya.
"Ano po iyon Magandang Binibini?! "Tinatamad niyang tanong sa akin.
Hindi nagsisinungaling si Itim kaya naman pag tinatawag niya akong Magandang Binibini hindi ko na sinasaway dahil totoo naman kasi.
"Kailangan ko ng puting balahibo ng tupa. Kumuha ka ngayon para matapos na yung ginagawa kong gayuma!" Utos ko sa kanya.
Agad namang sumama ang mukha nito. "Magandang Binibini inaantok na ako!" Naghikab ito at ipinikit muli ang mga mata.
Pinagkrus ko ang mga braso ko saka tiningnan siyang mabuti. Wala namang ginagawa si Itim kanina para mapagod at antukin. Ngayon ko nga lang siya uutusan. Masyadong pasarap sa buhay ang kwagong ito! Wag ko kaya siyang pakainin ng isang linggo!
"Sige bahala ka! Sayang pa naman yung ginagawa kong gayuma. Bibigyan pa naman sana kita pag natapos ko na. Magagamit mo pa naman yun para magustuhan ka ni Niya. "Napamulagat siya sa sinabi ko. At nakikita ko ang pagnanais niyang magustuhan din siya ni Niya. Isa ding kwago si Niya pero hindi nakakapagsalita. "Kaya lang ayaw mo kaya di ko na itutuloy!"
Agad lumipad sa harap ko si Itim na para bang sabik na sabik sa ipakukuha ko. Alam ko na ang kahinaan niya at kung paanong paraan ko siya uutuin.
"Saan ba ako makakakuha ng puting balahibo ng tupa Magandang Binibini? Para matapos mo na agad ang ginagawa mong gayuma!" Halata ang kislap sa mga mata nito.
"Sa dulo ng kagubatan malapit sa ilog! Kumuha ka ng marami para hindi ka na kukuha pa sa susunod! Bilisan mo ang pagkuha, Itim. Alis ka na para makuha mo na!"
Agad naman itong tumalima sa utos ko. Mas mabilis pa itong lumipad sa uwak.
Pinagpatuloy ko ang paghahalo sa ginagawa kong gayuma para matunaw mabuti ang mga sangkap. Para mas epektibo.
Mahina akong napatawa dahil hindi lang naman ang mga pagbibilhan ko ang makikinabang sa gayuma! Pati rin ako!
Ngayon ko lang naisipan gumawa ng gayuma dahil hindi naman umiipekto ang mga paraan ko. Kahit ilang beses na akong nagpapansin sa Prinsipeng iyon!
At ang nakakairita pa ay hindi man lang niya ako pinapansin!samantalang ang ibang mga kababaihan naman ay pinapansin niya!
Para sa akin siya lang ang pinaka-gwapo, makisig, matapang at mabait na lalaking nakita ko sa tanang buhay ko.
Sino ba naman kasi ang hindi iibig sa Prinsipeng iyon! Nasa kanya na lahat ng katangian na kaibig-ibig.
Ang mga Prinsesa sa ibat-ibang kaharian ay nagpupunta sa kaharian nila para lang makita siya! Mga Prinsesang nais na mapangasawa siya! At hindi ako makapapayag! Akin lang si Prinsipe Atlas!
Tumingin ako sa orasan na nakadikit sa pader. Bat ang tagal namang dumating ni Itim?Kanina pa iyon umalis! Pasado alas-dos na pero wala pa rin! Ang kwagong iyon! Baka nakatulog na kung saan-saan o kaya naman nahuli na ng mangangaso!
BINABASA MO ANG
The Love Potion Of Scarlette Witch
RomanceR-18 Read at Your Own Risk!!! Paano kung gayumahin mo ang gusto mong lalaki .Pero sa halip na siya ang magayuma ito,ay iba ang nagayuma mo. Kakaiba hindi ba?Dahil Hindi mo inaasahan na mahuhulog ka rito.Na mamahalin mo rin pala siya. Pero paano kung...