Chapter 1

6 2 1
                                    

🥀

Gaya nga ng inaasahan ko. Maraming gustong bumili ng gayumang gawa ko. Pagka-anunsyo palang na mayroon na akong gawa ay nasa harap na ng pintuan ko ang mga tao.

Mga nagkakagulo.

Ang mga tao ay nakapila ang iba naman ay sumisingit kaya
nagkakagulo. Ang iba ay nagsasabunutan, nagsasagutan, nagsisipaan, nagsusuntukan at mga nagsasampalan. Dahil sa gayuma. Handang manakit para lang sa kasiyahan. Para lang makabili ng gayuma na pangpaibig .

Isa rin naman ako sa mga iyon. Wala akong pinagkaiba sa kanila. Dahil sa oras na magayuma ko si Prinsipe Atlas ay parang sinaktan ko na rin siya.

Kanang-kamay ko si Itim na siyang inuutusan ko pag tapos na ang napagbilhan ko.

"Itim yung susunod!" Utos ko sa kanya. Agad naman itong sumunod. Tinawag niya ang susunod na bibili.

Pumasok ang isang magandang babae. Para itong galing sa mayamang pamilya. Base na rin sa pananamit niya at sa kilos niya.

Umupo ito sa harapan ko pinagigitnaan namin ang medyo malaki kong mesa.

"Sino ang gagayumahin mo?" Tanong ko rito. Ang paningin niya ay nasa kahon ng gayuma na nasa gilid ko. Nag-angat ito ng tingin at mataray na tumingin sa akin. Pero medyo namumula ang magkabilang pisngi niya. Punyeta nahiya pa yata e tinarayan na ako.

"Si Prinsipe Atlas! Magkano ang gayuma?"

Agad nagdilim ang paningin ko. Si Prinsipe Atlas pala hah!"

"Umalis ka na! Hindi kita pagbibilhan!" Madiin na sabi ko.

Tumayo yung babae saka matalim na tumingin sa akin.

"Anong hindi mo ako pagbibilhan?! May ginto naman ako ah!"

Pinantayan ko ang tingin niyang matalim sa akin pero mas nanlilisik na ang akin.

"Hindi kita pagbibilhan! Kaya umalis ka na!" Sigaw ko rito.

"Sino ka para sigawan ako?! Isa ka lang na mababang uri ng tao!Isa akong Prinsesa ng kahariang Valdimore! Kaya pagbilhan mo ako!"

Nameywang ako sa harapan niya saka pekeng tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Bat ka tumatawa? Nababaliw ka na ba? Hindi ka ba natatakot sa gagawin ko sa iyo pag hindi mo ako pinagbilhan?" Mataray na sabi nito pero may halong arte kaya nabwibwisit ako.

Huminga ako ng malalim. "Wala akong pakielam kung Prinsesa ka! At mas lalong wala akong pakielam kung ano ang kaya mong gawin sa akin! Hindi ako natatakot sayo! Matakot ka sa kaya kong gawin sayo!"

Padukot na siya sa kahon ng mga gayuma ng hawakan ko ang kamay niya at pinilipit iyon ng buong lakas! Tiyak akong maraming araw niyang hindi magagamit ang kamay niya. Nagsisisigaw na ito dahil sa sakit.Binitiwan ko ang kamay niya.

Namumula na ang kanyang mga mata at nagbabadyang umiyak. Wala pang isang minuto ay tumulo na ang luha nito.

"Humanda sa akin! Hindi pa tayo tapos! Papatayin kita!" Banta niya sa akin. Papalabas na siya ng pintuan ko ng magsalita ako.

The Love Potion Of Scarlette  WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon