Chapter 3

6 3 0
                                    

__

--
Ang pagpatay ng mga tao ng Arestos Buenaves ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Ng buong kaharian ko. Bakit ako nga lang ba ang nakaligtas?Ang tirahan ko ay isang malaking palasyo pero dahil sa kapangyarihan ng aking ina na gumawa ng ilusyon ay magiging maliit lamang ito sa makakakita.

Ang pagtatraydor sa amin ng kahariang ito ang dahilan kung bakit ako nag-iisa! Walang araw na hindi sumasakit ang aking puso dahil araw-araw kong sinasariwa ang bawat masalimuot na pangyayari!

Paano ko rin makakalimutan na tinraydor rin kami ng kapwa naming mangkukulam na tumataliwas sa bagong paniniwala ng mga mangkukulam.

Kasalanan ba namin kung naghirap sila? Sila ang ayaw sumunod sa amin! Sila ang takam na takam sa kapangyarihan at pamumuno!

Paanong ang mga taksil na mangkukulam at ang tatlong kaharian ay nagtulong tulong para pabagsakin ang pinamumunuang kaharian ng aking mga magulang?

Sa bawat iyak ng mga pamilyang nawalan ng minamahal ay kasama akong umiiyak sa aking murang edad. Walang kaalam alam sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng aming kaharian at ng iba pang kaharian.

Ang mga mangkukulam na nagtulong tulong para mawasak ang palasyo para lahat ng nasa loob ay mamatay. Inilagay ako ng aking ina sa pinakapusod ng palasyo at iniwan doong tinatawag ang pangalan niya at ng aking ama.

Kasabay ng paglaho sa aking mga mga magulang sa aking harapan ang malakas na pagsabog na yumanig sa buong palasyo.

At ang pag-ulan ng dugo ng kalangitan, sabay-sabay na pagkahulog ng mga katawan mula sa itaas. Mga kapwa ko mangkukulam na wala ng mga buhay.

Ngunit ang mas kahindig-hindig?

Ang katawan ng aking Ama na wala ng buhay. Pugot ang kanyang ulo na katabi lamang ng katawan niya.

Samantalang ang aking ina ay ibinukas ang kanyang palad. Gumawa siya ng isang ilusyon para maprotektahan ako.

Inilapit niyang muli ang kanyang palad sa kanyang labi na para bang binubulungan ito. Inihipan niya ito papunta sa aking direksyon. Mula sa aking kinatatayuan ay nakita ko ang isang lalaki na pinugutan ng ulo ang aking Ina. Sadyang kahindig-hindig. Nakatayo lamang ako at hindi makagalaw.

"Scarlette Witch Hailednen Vrodhianshan, Anak? Alagaan mo ang iyong sarili. Mahal ka namin ng iyong Ama! Maging mabuti ka sa lahat ng tao. Mahal na mahal kita!"narinig ko ang malamyos na boses ng aking Ina na ibinubulong ng hangin. Unti-unti na akong napaupo dahil sa sobrang panghihina sa aking mga nakikita.

Sa tuwing matutulog ako ay palagi akong nakaririnig ng ganito. Ang mahal na mahal kita anak galing sa aking Ina At Ama. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata ng makita kong unti unti ng nagiging abo ang katawan ng aking pinakamamahal na magulang. Aking Inang Reyna at Amang Hari labis ko kayong hinahangaan sa inyong magandang pamumuno. At labis ko kayong minamahal.

Walang natira sa mga mangkukulam na pinamumunuan ng aking mga magulang lahat sila ay naging abo. Wala na rin ang bakas ng mga dugo. Ang buong palasyo ay parang nabalik sa normal pero ang pagkakaiba ay wala ng ibang mangkukulam rito liban sa akin. Ako nalang ang natitira.

Bakit hindi na lamang ang palasyo ang nawala? Bakit ang buhay na siyang mas mahalaga ang nawala?! Kayang kaya ulit naming magtayo ng palasyo! Pero ang buhay ay hindi na maibabalik pa!

"Kuya Abrael? Bakit ganito? Bakit kinuha mo sa akin ang ating Ama at Ina? Hindi ka ba makapaghintay dyan? Napaka selfish mo!" Malakas sigaw ko dahilan para yumanig ang palasyo.

Isa-isang naglapitan ang mga paro-paro sa aking harapan. Sila ang nagpupunas sa aking walang tigil na pag agos sa aking pisngi ng mapaghinagpis na luha.

"Walang nakakaalam na buhay ka pa Prinsesa. Baka pag nalaman nila ay patayin ka nila!" Bulong sa akin ng ibon ng aking Ina. Si Kalawakan.

"Prinsesa, tumahan ka na. Kailangan mong maging matatag para sa iyong sarili!" Sabi naman sa akin ng asong si Lafeyon. Ang pinakapaboritong alaga ng aking Ama.

"MAGANDANG Binibini ano ang iyong iniisip? Bakit namumula ang iyong mga mata!" Napatingin ako kay Itim na nagtataka sa nangyayari sa akin.

"Wala iyon, Itim! Siya nga pala nahanap mo na ba si Kalawakan at Lafeyon?" Matagal ko ng pinapahanap ang dalawang iyon. Pinalayas ko sila sa palasyo dahil palagi nila akong kinokontra sa mga desisyon ko.

Umiling ito. "Wala talaga Mangandang Binibini. Hindi ko sila mahanap."

Nagsisisi na ako na pinalayas ko sila.

Hindi na sila nagpakita pagkatapos ko silang palayasin.

Bakit ko nga ba sila pinalayas. Sila nalang ang alaala ng aking mga magulang na hayop. Ako ang Prinsesa kaya dapat ay pinoprotektahan ko sila.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa medyo katigasang kama ng mga tagapagsilbi. Nanakit na ang aking katawan dahil sa sobrang pagod. Dalawa lamang kami ni Itim dito dahil nagbibihis pa ang ibang tagapagsilbi.

Nagpunta ako sa kusina dahil nauuhaw na ako.

Naramdaman ko na lamang na may nakayakap sa akin. Mula sa aking likuran. Kaya naman agad ko itong tinadyakan! Napakalas ito ng pagkakayakap sa akin.

"Aray!" Napatakip na lamang ako sa aking bibig ng makita ko kung sino ang natadyakan ko. Hawak-hawak nito ang tiyan habang mahinang dumadaing.

"Ang lakas ng pagkakasipa mo sa akin,Baby!" Daing nito pero wala na akong pakielam doon. Abala ang isip ko sa pagproseso sa pagtawag niya sa akin ng "Baby".

"Bakit ka ba nangyayakap Prinsepe Arsus!" Sigaw ko sa kanya.

"Namiss kita, Baby. Yakapin mo naman ako?" Para itong bata na naghahantay sa yakap ko. Pero imbis na yakapin ko siya ay inirapan ko nalang.

"Baby? Wag mo naman ako irapan! Yakapin mo nalang ako!" Para na itong batang nagpapadyak.

Anong nangyayari sa isang ito?nababaliw? O baka naman?

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa Prinsipeng kaharap ko.

Hindi maaari!

Paanong?

Siya ang nakakain ng pagkaing may gayuma? Shhh ang tanga mo! Iba ang pinagbigyan mo! Dapat kasi ako nalang ang nagbigay!

"Kara baby? Hindi mo ba ako yayakapin? Magtatampo na ako"

Hindi ko siya pinansin basta't nilagpasan ko na lamang siya!

Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagtawag sa aking pekeng pangalan pero hindi ko siya pinuntahan. Blangko masyado ang aking isipan!

Parehas lang naman silang Prinsepe ng kahariang ito! Kaya kahit sino nalang sa dalawa ang saktan ko ay ayos lang.

Wala naman talaga akong gusto o espesyal na nararamdaman kay Prinsipe Atlas. Nais ko siyang mapaibig dahil sa pinaplano ko.

Ang planong pabagsakin ang apat na kaharian ang El Furwegos, Costa Ricarus, Albensor De Palas, at ang kaharian ng Arestos Buenaves. Ang kaharian kung saan nagsimula ang pagpaplano na pabagsakin ang Etaria Westren ang kaharian namin. Unti-unti kong pababagsakin ang mga kaharian.

At uumpisan ko iyon sa paglinlang kay Prinsepe Arsus!

Maiipaghiganti ko rin kayo Ina, Ama at ang mamamayan ng Etaria Westren. Hintayin niyo ang paghihiganti ng inaakalang patay na Prinsesa!

The Love Potion Of Scarlette  WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon