--
Sa mundong ito kung saan hindi maiiwasan ang mga makasarili at walang pakielam sa iba.
Mundong pilit ginagawang perpekto gamit ang masamang paraan.
Pagpatay at pagpapabagsak sa ibang kaharian upang mapatunayan na sila ang pinakamalakas.
"Baby, Kara! Pansinin mo naman ako!"
Pagkagising ko pa lamang ay nasa labas na siya at hinihintay ako. Pero hindi ko siya pinansin basta't inirapan ko nalang siya.
Kanina pa siya nangungulit na yakapin at halikan ko daw siya. Aba! Bakit ko naman gagawin iyon?
"Baby! Pag hindi mo pa ako niyakap?! Ako ang yayakap sayo!" Hindi ko na pinansin ang iba pa niyang sinabi.
Hindi pa ako nakikita ni Prinsipe Atlas. Baka pag nakita niya ako ay isuplong niya ako. Pero maaaring hindi niya alam na ako ang Prinsesang akala ng lahat ay patay na. Maaaring ang alam niya ay anak ako ng isang mangkukulam na masama.
Ang dapat na nagayuma ko ay si Prinsipe Atlas. Siya ang unang anak ng Hari at Reyna kaya posibleng sa kanya ipasa ang trono! Makokontrol ko siya pag nangyari iyon! Pero mukhang hindi na mangyayari iyon dahil ang ikalawang Prinsipe ang nagayuma ko.
Naramdaman ko na lamang na may pumulupot na braso sa aking bewang. Niyakap niya na naman ako! Inilagay nito ang ulo niya sa balikat ko at inamoy-amoy ako.
"Ang bango mo, Baby!" Sabi nito saka hinalikan ang leeg ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay biglang bumilis ang pagtibok ang aking puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay biglang nag-init ang katawan ko! Ano ang nangyayari sa akin? Bakit ganito!Bakit imbis na itulak ko siya ay hinahapit ko pa ito! Ano na Scarlette? Itulak mo na siya! Saktan mo ang damdamin niya!
Muli nitong hinalikan ang leeg ko na nagtagal ng ilang segundo. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko! Parang may karera! Hindi ako makahinga ng maayos!Pababa ng pababa sa leeg ko ang halik nito. Nakaramdam na lamang ako ng sakit sa aking leeg. Kinagat niya!
"Ang sarap ng leeg mo Baby!" Sabi nito habang dinidilaan ang kinagat niya.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagkagat ko sa iyo?hmmm, Baby?" Tanong nito. Hindi pa ba siya titigil sa pagdila ng leeg ko!
"Hindi." Nahihirapang sabi ko. Hindi ako makahinga sa ginagawa niya.
"Ibig sabihin niyan! Markado na kita!" Bigla akong natigilan sa sinabi niya! Nahihibang na ba siya? Imposibleng habang buhay kaming magsasama!maghihiganti pa ako!" Hindi ka na maaring magpakasal sa iba dahil pag-aari na kita! Hindi ka maaaring makipagtalik sa iba maliban sa akin."
Ehhh? Bat naman ako makikipagtalik sa kanya? Umasa siya sa wala!
"Mamatay ako pag nakipagtalik ka sa iba. Kaya pakiusap wag kang hahanap ng ibang lalaki liban sa akin!"
"Mahal na Pr-" Pinutol niya ang iba ko pang sasabihin sa pamamagitan ng halik. Nakaharap na ako sa kanya kaya naman madali lang sa kanya na halikan ako. Sa una ay hindi gumagalaw ang aking labi ngunit para akong nadarang sa kanya!Tumutugon ako sa mapusok niyang halik.
Ang mga kamay niya na naglilikot sa katawan ko. Hinahaplos ang likod ko. Kahit pa makapal ang tela ng kasuotan ko ay napapag-init pa rin ako dahil sa masuyo niyang haplos.
Natauhan ako ng pumunta ang kamay niya sa dibdib ko. Hinahaplos at bahagyang pinipisil.
Ako na ang pumutol sa halikan naming dalawa. Kapwa kami naghahabol ng hininga sa bawat segundo. Ilang minuto kaya kaming naghalikan? Napatingin ako sa labi niyang namumula. Kung sa kanya ay namumula?ibig sabihin ay ganoon rin sa akin.
Hindi pa ako tuluyang nakakabawi ng hininga ay muli niyang hinapit ang aking bewang para mapalapit ako sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay naangkin niyang muli ang aking labi. At sa ikalawang pagkakataon ay nadarang na naman ako sa kanyang halik.
Siya na ang nagputol ng aming paghahalikan. Kapwa kami kapos sa paghinga.
"Samahan mo ako?" Hindi pa man ako nakakapayag ay hinawakan niya na ang aking kamay. Lumabas kami ng palasyo na magkahawak ang kamay.
"Saan ba tayo pupunta mahal na Prin—." Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.
"Maaari bang mahal nalang ang itawag mo sa akin, Baby?"
Mahal? Eh hindi ko naman siya mahal para tawagin ko siyang mahal!
Ang mga nagayuma ay imposibleng humiling na tawagin silang mahal! Ano ang nangyari?
"Saan nga tayo pupunta, Mahal?"sadyang pinalambing ko ang boses ko dahilan para ngumiti siya. Punyeta! Ang puso ko! Pag ngiti niya lamang iyon pero bakit nagkaganito na ako.
"Pupunta tayo sa kaharian ng Etaria Westren." Pagkasabi niya nun ay nagulat ako dahil nasa harap na kami ng tirahan ko. Ang nakikita ko mula rito sa labas ay ang magandang palasyo. Samantalang siya ay luma at wasak wasak na palasyo.
"Bakit tayo naririto?"
"Ang Prinsesa ng Etaria Westren." huh? "Pinangakuan ko siya ng kasal noong mga bata pa kami na sa edad bente-dos ay kailangan magpakasal na kami." Nakangiti ito habang nagkekwento at nakatingin lang ito sa palasyo.
Naalala ko nga dati nag apir pa tayo sa isat-isa nilang patunay at seryoso tayo sa pinag-usapan. Pero nagbago na ang lahat Prinsipe!
"Noong mga bata pa kami. Magkasundo ang kaharian namin at ang kaharian nila. Kaya naman malaya akong nakapapasyal sa kanila. Minsan pa nga noong inaway ako ni Kuya ay dito ako nagtago sa palasyo sa mismong kwarto niya."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang panget niya noong umiyak dahil inaway daw siya ni Atlas. Ang mga laruan ko noon ay mga manika pero nakipaglaro pa rin siya sa akin gamit iyon.
"Kung hindi lang sana nagplano ng masama ang kaharian nila sana ay hindi nagkaganito"
Kumuyom ang mga kamay ko sa narinig ko! Kami? Ang kaharian namin pa ang pinagbintangan na gumawa ng masama?kalokohan!
"Paano mo naman nasabing nagpaplano ng masama ang Etaria Westren?" Nanggagaliiting tanong ko. Bakit kami pa yata ang may kasalanan sa paningin nila? Kakaiba! Hindi naman yata katanggap-tanggap iyon!
"Hindi ko alam ang buong kwento pero ang sabi nila nais daw sakupin ng Etaria Westren ang Kaharian namin!" kalokohan! Paanong sasakupin?Magkaibigan ang kaharian natin!
"Bakit tayo naririto?"
"Kasagsagan ng digmaan nung hiniling ko sa aking Ama na wag patayin ang Prinsesa." May umagos na luha sa kanyang pisngi. "Nangako siya na hindi madadamay ang Prinsesa at dadalhin ng buhay sa akin!"
"Ano ang gagawin mo sa Prinsesa?" Humarap siya sa akin saka pinisil ang kamay ko.
"Pakakasalan ko siya gaya ng pangako ko. Aalagaan ko siya habang buhay! Gaya ng pangako namin sa isat-isa!"
Buhay ako Prinsipe...
"Bakit mo sinasabi sa akin ito?"
Muli itong humarap sa palasyo pero mahigpit ang hawak sa kamay ko.
"Limang Buwan mula sa araw na ito ay ang kaarawan niya. Ilang buwan nalang ay magpapakasal na dapat ako sa kanya kahit patay na siya. Gugustuhin ko paring makasal sa kanya kahit wala siya sa tabi ko." Tumulo ang luha ko. Hindi ko inaasahang naalala niya pa ang kaarawan at pangako namin sa isat-isa. Samantalang ako. Kinalimutan ko lahat ng pinagsamahan namin dahil sa galit ko sa kaharian nila.
Humarap ito sa akin. Siya ang nagpunas ng luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Pero hindi ko na yata matutupad iyon! Kasi ikaw na ang gusto kong pakasalan. Alam mo bang kamukha mo ang Prinsesa ng Etaria Westren? Pero imposibleng ikaw si Scarlette dahil lahat ng taga Etaria Westren ay naging abo at naglaho."
"Pero kahit anong mangyari hindi mawawala sa puso ko ang Prinsesang nagpatibok ng puso ko"
Hindi ka rin naman nawala sa puso ko. Pero sinadya kong paunti-unting patayin ang nararamdaman ng puso ko para sayo!
Dahil galit ang mas nananaig sa puso ko at pagkatao!
BINABASA MO ANG
The Love Potion Of Scarlette Witch
RomanceR-18 Read at Your Own Risk!!! Paano kung gayumahin mo ang gusto mong lalaki .Pero sa halip na siya ang magayuma ito,ay iba ang nagayuma mo. Kakaiba hindi ba?Dahil Hindi mo inaasahan na mahuhulog ka rito.Na mamahalin mo rin pala siya. Pero paano kung...