🙄
"Magandang Binibini! Mali ang paghiwa mo ng sibuyas! Ayusin mo! Magandang Binibini! Sundin mo lang ang itinuro ko!"
"Punyeta! Ayoko ng maghiwa! Ang hapdi ng mga mata ko! At may umaagos ng tubig sa pisngi ko galing sa mata ko!"
"Luha yan Magandang Binibini!unang beses palang kitang nakitang umiyak ng dahil sa sibuyas pa!"
"Luha?"nagtatakang tanong ko. Kailanman ay hindi ako nakaranas ng ganito. Ngayon lang.
"Maraming dahilan ng pagluha Binibini. Maaaring dahil sa sobrang saya, sobrang hapdi o masakit, pagkawala ng iyong minamahal at labis na kalungkutan."
"Itim! Ikaw na ang magpatuloy nito! Ang hapdi na talaga ng mga mata ko. Pakiramdam ko may aagos na naman!" Sabi ko saka binitawan ang matalim na kutsilyo.
Pasalamat nalang ako dahil dalawa lamang kami ni Itim dito sa kusina kaya naman nakakapag-usap kami. Unang araw ko palang rito pero parang susuko na ako.
"Maghilamos ka muna Magandang Binibini para mawala ang hapdi. Ako na ang bahala rito!" Agad naman akong pumunta sa banyo para maghilamos.
Bumalik ako sa kusina pagkatapos kong maghilamos. Wala na doon si Itim pero tapos na ang pinahiwa kong mga sibuyas.
"Magandang Binibini tulungan mo ako!" Narinig kong boses ni Itim. Agad kong tinungo ang pinanggalingan ng boses ni Itim na ilang beses pang tinawag ako para tulungan siya.
Nakarating ako sa hardin. Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko doon si Itim na lumilipad. Hinahabol siya ng kapwa niya kwago.
Napansin yata ako ni Itim dahil lumipad ito patungo sa akin, sa balikat ko.
"Sino ang kwagong humahabol sayo Itim!"
"Siya yung kwagong napainom ko ng gayuma, Magandang Binibini! Siya si Jassy! Nakakapagsalita rin nga pala siya Binibini gaya ko."
"Ganoon ba?!" Lumipad naman papalapit sa amin si Jassy. "Ano ang kailangan mo kwago?" Tanong ko rito.
"Si Itim ang kailangan ko Binibini!"
"Maari bang layuan mo muna ang kwago ko?!"
"Patawad Binibini! Gusto ko lamang siya. Nais ko siyang mapasaakin. Noong unang araw ko palang siyang nakita, tumibok na agad ang puso ko sa kanya."
"Kakausapin ko lamang si Itim, Jassy. Para naman malaman ko ang nararamdaman niya." Pagkasabi ko non ay pumasok akong muli sa Palasyo.
"Itim sa palagay ko ay matagal ka na niyang gusto at napupusuan!Itim, bigyan mo siya ng pagkakataon. Hindi iyon epekto ng gayuma. Tunay ang nararamdaman niya"
"Pero…Binibini paano naman si Niya? Mahal ko si Niya! Hindi ko siya kayang ipagpalit!"
"Hindi ka naman gusto ni Niya, Itim! Doon ka na sa siguradong hindi ka iiwan!"
Biglang lumipad si Itim papalayo sa akin. Siguro ay pupuntahan niya na si Jassy o baka si Niya na naman.
"Kara!"
Lumingon ako sa tumawag ng aking pekeng pangalan.
"Bakit po?"
"Maglampaso ka na sa bawat paligid ng palasyo. Magdaraos ng piging ang Mahal na Hari. Kaya dapat ay malinis."
"Sige po!" Sagot ko pero imbis na umalis na ay tiningnan ako ng mabuti.
"Masyadong magarbo ang kasuotan mo, Kara! Madudumihan lamang iyan. Sayang naman mukhang mamahalin pa naman."
"Ayos lang po. Kaya ko naman pong labhan!"
Shhhh di ko kayang maglaba!
"Sige umpisahan mo na ang paglalampaso!" Umalis na ito sa harapan ko kaya naman nagpunta na ako sa silid ng mga panglinis.
BINABASA MO ANG
The Love Potion Of Scarlette Witch
RomansaR-18 Read at Your Own Risk!!! Paano kung gayumahin mo ang gusto mong lalaki .Pero sa halip na siya ang magayuma ito,ay iba ang nagayuma mo. Kakaiba hindi ba?Dahil Hindi mo inaasahan na mahuhulog ka rito.Na mamahalin mo rin pala siya. Pero paano kung...