Puppy Love?

54 0 2
                                    

Elementary pa lang madami ng crush si Ara . Pero syempre dahil mataba siya walang masyadong pumapansin  .  

Kung  titignan naman talaga siya walang dating. Mataba, nakapigtails ang buhok at ang  haba pa ng palda at nangunguna pa tiyan(naimagine nyo neneng nene)...

Sa kabanatang ito ng buhay nya nag umpisa ang katangahan at pagiging asyumera  nya sa pag- ibig. Kahit mataba eh may utak din naman siya (un na nga lang siguro maiuungos nya sa iba). Lagi siyang nasa top 5 ng klase.

Pagdating ng Grade six nakilala nya si Noel.

Simple,tahimik ,matalino ,gentleman(mga bagay na gusto ni Ara sa lalaki). Siyempre kung gusto mong mapansin ka , gagawa ka ng paraan para mapansin.  

Dito siya nagumpisang magdyeta. Kaya siya tinukso ng mga kapatid nya. Meron pala siyang kuya si Ashton. Chinito ang peg na kapogihan nito na namana niya sa tatay nila si Andrew (half chinese-filipino) at ang bunso si Angel na bata pa lang laman na ng mga  beauty pageant so typical na outcast ang peg ng bida natin kahit sa pamilya.

Ang nanay kasi nila ay isang sikat na beauty queen sa lugar nila si Mrs. Claire kaya lingid sa kaalaman ni Ara ay naawa ang nanay niya sa kanya. Kung tutuusin naman may hitsura naman itong si Ara. 

Singkit na medyo pabilog ang mata, maputi, hindi nga lang katangusan ang ilong pero mataba at hindi palaayos. So typical lang ang ganda niya. Kaya nagulat sila isang araw habang naghahapunan.

“Ara may sakit ka ba?” tanong ng nanay nya. Sagot naman nya “wala po”. “e bakit ang konti ng kinain mo dati tatlong  cup ka ng kanin ngaun isa’t kalahati na lang”. “wala po akong gana sagot nya”.

Nag umpisa na rin siya magehersisyo pero kahit anong gawin nya parang hindi sya pumapayat. Lalong  nagtaka ang nanay niya kaya siya kinausap.

”nak pansin ko konti ka na lang kumain at panay panay ang jogging mo baka mangayayat ka niyan”,puna ng mama niya.

“yun nga po ang gusto ko eh” ,sagot ni ara sa ina.

“at bakit mo naman gustong magpapayat aber”,

”para magmukha na po akong dalaga”, medyo malungkot na sabi ni ara.

"Nak eenjoy mo lang ang pagiging bata darating ka din sa pagdadalaga", sabi ng nanay niya.

Sa pagdaan ng panahon nagkalapit si Ara at Noel , bestfriend ika nga.

Magkasama sa library at sabay gumawa ng assignment ,sabay kumain sa canteen ,magkatabi sa classroom.  

Inakala ni Ara na ang pagiging sweet at maalalahanin ni Noel sa kanya ay may ibig sabihin kasi pag hindi sya pumapasok eh tinatawagan siya o tinetext(kilig naman ang lola mo).

Minsan umabsent siya dahil nilagnat, nakarecev sya ng text.

” Musta ka na?” sabi ni Noel.

Kilig na kilig siyang nagbabasa at nagrereply,”eto may lagnat pa rin” sagot niya.

Para bang text lang ni Noel at gagaling na siya at tuwing tutunog ang celpone niya ay hindi maipinta ang ngiti sa labi niya. Pero isang araw habang gumagawa sila ng assignment sa library,

”ara, may sasabihin sana ako sayo”

, Naisip ni Ara (eto na magtatapat na sya)

” anu un?” tanong nya na singluwang ng waistline niya ang ngiti

, “di ba kaibigan mo si Julie?”,umiba ang reaksyon sa mukha ni Ara, (masama kutob ko dito ah),

“oo bakit?”,

“ipakilala mo naman ako”,pakiusap ni Noel

“kaklase natin siya diba , magkakilala na kayo”, pasungit na sagot ni Ara.

”sige na best”, (best talaga, baka beast , imaginin nyo ang mukha ni ara na umuusok sa inis“),

“sige bukas total may praktis ang mga tatakbo sa student council at dahil magkasama kami dun,

”Yes!!!”(sabay yakap sa kanya ni Noel at hindi nito napansin ang paglungkot ng mata niya.

Pakiramdam niya para siyang tinusok ng karayom sa dibdib....

In short pumayag si Ara na ipakilala ang dalawa....

Dahil Wala siyang mapagsabihan ng nararamdaman sa munting diary niya nilalabas ng nasa loob niya.

Naalala pa niya ang mga unang sinulat niya sa Diary (Dear diary , my crush na ako si Noel,mabait ,matalino, gentleman.

Lagi akong kinikilig sa kanya , minsan nililibre niya pa ako ng meryenda.

Naiinggit nga yung ibang mga kaklase ko sa akin kasi lagi kaming magkasama, kinikilg talaga ako, (hay naku naguumpisa na siya sa pag assume niyan. )

Hindi nagtagal at naging magkasintahan sina Julie at Noel

Para siyang tinarak sa dibdib ng malaman yun mula kay Noel at  dito na rin pala siya matututo kung paano umarte ng di nasasaktan (mamaster kaya niya).

"Salamat Arbest(tawag ni Noel ky Ara) kung hindi dahil sayo hindi magiging kami ni Julie”.

“naku wala yun basta ikaw bestfriend” hahaha (plastic na tawa).

Sabi nga ng mama niya darating din siya sa panahon ng pagdadalaga baka ganoon din sa love , Hindi pa panahon para magkaboyfriend siya...

NBSB(No Boyfriend Since Birth) major in Asyumera and katangahan sa pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon