Second Chapter(Haiskul)

30 0 0
                                    

Feeling dalaga siya habang sinusukat ang uniform niya sa bagong eskwelahan at makakasama niya ang kuya niya sa pagpasok pero hindi niya alam ang mga bagay na naghihintay sa kanya sa mga panahong ito.

Unang araw  niya  sa hayskul, maaga siya nagising at nag ayos at Kumain ng  almusal at maaga rin siyang pumasok.

Dito mag uumpisa na ang pagiging literal na pagka asyumera niya sa pag-ibig.

Hindi naman siya nahirapang makahanap ng mga kaibigan, si Tracy , maganda, maputi, matangkad ligawin at sa murang edad mapagkakamalan mo na siyang kolehiyala,

si Nina, simple mahinhin, matalino at gaya ni Tracy mukha na rin siyang matured  kumpara sa edad pero si Ara parang elementary pa rin tignan.

Mataas na medyas , pigtails, backpack,  samantalang ang mga kaibigan niya bag na pandalaga, ang mga palda ay hanggang  tuhod at black shoes w/ short socks parang fashionista in a school way.

Dito na siya nag umpisa mainsecure. Nakigaya sa mga kaibigan at nagumpisa gumamit ng mga pampaganda.

Si Tracy halos buwan buwan iba iba ang dyowa kahit kabilang school may boyfriend siya.

Si Ara naman iisa lang ang gusto si Mico

Singkit , matangkad, maamo ang mukha ,maganda katawan pero madami siya kaagaw.

Sikat si Mico sa school nila hindi dahil varsity siya kasi musikero , miyembro ng banda.

Nagkataon naman na bestfriend ng kasama ni Nina sa school paper si Mico.

Binalak siyang ipakilala dito pero tuwing makikita ni Ara si Mico, nanlalamig ang mga kamay at nanginginig mga tuhod niya. Isang pakiramdam na Hindi niya maipaliwanag..

Kaya siya pinagtatawanan ng mga kaibigan pero hindi inaasahan habang mag isa siyang nakaupo sa canteen lumapit si Nina kasama si Mico at pinakilala siya.

Nanlamig mga kamay niya.nanginig ang mga tuhod , mga bagay na hindi niya naramdaman kay Noel noon o sa kahit sinong naging crush niya. Nagkaroon sila ng pagkakataong magusap.

“fren mo pala si Nina” sabi ni Mico.

“ah oo bestfriend ko, alam mo ang galing mo mag gitara”.

“salamat”sagot ni Mico.

Para siyang dinuduyan sa langit habang nakatitig siya sa mga mata nito.

Napagkwentuhan nila ang maraming bagay, pamilya kung ilan silang magkakapatid, paboritong pagkain,kulay (parang slumbook).

 Umuwing tuwang tuwa si Ara, yun ang araw na di nya malilimutan, dun niya nalaman na 3 rin silang magkakapatid un nga lang puro lalaki at panganay siya. Na mahilig ito sa siopao.

Lagi na lang siyang nangangarap. Napadalas ang pagkukwentuhan at para na rin silang magbabarkada.

Mas lalo nilang nakilala ang isa’t isa .At  habang nagkukuwentuhan sila ni Mico tungkol sa mga banda ay lumapit ang isa nitong kaibigan at may binulong.

Dun nya nalaman na nandun ang girlfriend nito na sa ibang skul nag aaral. Akala ni Ara my special feelings sa kanya si Mico.bakit niya naisip to? Isang araw,

“Ara!” tawag sa kanya ni Mico habang naglalakad siya papuntang canteen,

”Hi Mico”bati niya dito.

“may ipaparinig ako sayo bagong compose ko, kaw  palang makakarinig nito, gaya nung mga nauna kong sinulat”,sabi ni Mico

Namula si Ara(oh assume na naman)iba ang tumatakbo sa isip ni ara ,akala niya espesyal siya kasi sa kanya pinaparinig ang mga kantang sinusulat nito bago iparinig sa iba.

Wala pala, kaibigan lang talaga. Nag assume kasi siya. Hindi kasi porket mabait at sweet sayo ang lalaki may gusto na .

Hindi nakatiis sila Tracy at Nina , madalas kasi nilang makitang matamlay si Ara at hindi rin niya napansin pagbaba ng timbang dahil sa stress sa skul at love .

Tinanong nila si Mico kung ano tingin nito kay Ara.

“sweet, mabait na kaibigan, maasahan”.

”ah ganun ba,e bakit tuwing may bago kang kanta kay Ara  mo agad pinaparinig” tanong ni Nina kay Mico.

” Ah un ba kasi magaling ang tenga niya sa musika di ba magaling siyang kumanta at nagvoice lesson din siya ,e ako walang music lesson at sa ating lahat mas marunong siya sa pagbabasa ng music notes” sagot ni Mico.

“Ah ganun ba, sige mico thanks”,paalam nina  Tracy at Nina,

“teka bakit niyo pala natanong?”,

“wala naman ,sige ha”,pagmamadali ng dalawa,natatakot na mahalata ni Mico na nagtatanong sila para kay Ara

Aray, kaibigan lang pala talaga. kinuwento nila Tracy at Nina ang nalaman nila tungkol sa sinabi ni  mico kay Ara.

“sis huwag ka sanang magagalit”paunang sabi ni Nina.

“ha , bakit?”, taking tanong ni Ara.

“kasi hndi na namin matiis yung pagkatulala mo sa kakaisip kung bakit ganun, bakit ganyan kaya gumawa na kami ng solusyon.”sabi naman ni Tracy.

“anung solusyon”,tanong ni Ara.

“kinausap namin si Mico, inalam namin mula sa kanya ang sagot sa mga tanong mo”, sabi naman ni Nina.

At nalaman ni Ara ang mga sagot sa mga tanong na gumugulo sa kanya. Masakit man siya rin ang dapat sisihin dahil kung anu ano na lang iniisip niya at  binibigyan lahat ng bagay ng malisya o meaning. 

Iniyakan ni Ara ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya .  Ang lalaking akala niya ang sagot sa dream guy niya.

Bumaba ang kumpiyansa niya sa sarili kadalasan ay nabubully pa siya sa klase nila pero hindi ito pansin ni Ara lalo’t ang poging grupo nila Greg ang madalas mambully sa kanya.

Naroon ung papasandal siya sa board at kunwaring hahalikan at magtatawanan ang buong klase.

Pinilit ni ara na ituloy ang buhay(parang ang bigat ng problema noh).  Graduation na at magkokolehiyo na siya.

May mga lalaki na rin nagtangkang manligaw sa kanya  pero mga lalaking hindi niya tipo.

May maliit na mukhang pedicab driver, may matabang laging may dalang pagkain, may parang sunog baga ang hitsura. May iba na may asawa na pala o syota.

Hay naku ano ba naman to!!! Sigaw minsan ni Ara.

Napalingon ang nanay at mga kapatid nya.

“o bakit “tanong ng nanay niya.

"Eh kasi magkacollege  na ako Hindi ko pa alam course ko." sagot niya sa mama niya.

"Kung ano sa tingin mo na kursong may interes ka yun ang kunin mo,"

Napaisip si Ara....


 

NBSB(No Boyfriend Since Birth) major in Asyumera and katangahan sa pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon