Matry nga Ma inLove

24 0 0
                                    

 Natakot pumasok sa relasyon si Ara, ayaw niya maranasan ang naranasan ni Tracy at ng ibang babaeng nasaktan dahil sa pagibig.

Hanggang grumadwet wala siyang naging boyfriend hanggang magumpisa ng trabaho.

Sa unang kumpanya niya nakilala si James, siya ung tipong crush ng bayan. Maputi, sakto ang height at katawan may karisma na pang artista.

Sa kanilang opisina habang nagtratraining maging sales representative sa isang BPO company.

“hay naku ang cute niya” nasabi ni Ara

.”may number ako niya gusto mo” si Tere kasama niya sa trabaho.

“sabay kasi kami nag apply niyan dito kaya may number ako nyan. Ano bet mo?Globe siya ahhhaha”.pabirong sabi ni Tere.

” Wag na hindi naman ako papansinin niyan eh.”sagot na naman ni Ara.

Habang tumatagal ang training eh lalo niya ito nagugustuhan lalo na pag sumasagot ito ng ingles( required kasi na ingles sila sumagot).

Lagi na lang niya pinapangarap si James, ang ngiti nito na parang lumiliwanag ang paligid niya tuwing nakikita itong nakangiti.

Nagumpisa na rin baguhin ni Ara ang sarili, tumangkad siya at pumayat kaya lalong lumitaw ang natural na ganda niya.

Nagiging fashionista na rin siya. Isang araw kailangan nilang bumuo ng pares para sa gagawin nilang panibagong training , habang nakaupo si Ara at hinihintay ang pangalang mabanggit ay napatingin siya kay James na nakatigin din sa kanya,

Nagtawanan sila  pero wala namang nakakatawa(nakakakilig). Hanggang sa mabanggit ang panagalan niya at yes si James ang partner niya.

Lalo siya kinilig tuwing magkasama sila. Malambing pero pabling si James at may mga babaeng nagnanakaw ng halik sa kanya.

Minsan magkaholding hands sila ng kaopisina nila at ng mapalingon siya binitawan niya ito.

Napaisip si Ara kung bakit, eh ano naman kung nakita niya. Minsan habang kumakain sila sa restorant kasama ang ibang kaopisina,

“asan sila james”tanong ni myra.

“papunta na raw”,sagot ni rico.

Natapos na silang kumain saka pa lang dumating si James kasama si Allan. Sabay paalam na rin nila ni Tere na aalis.

“galing pa akong Bacolod tapos aalis na kau”, pabiro niya sa kanila.

“bibiyahe na ako pauwing baguio eh”pabiro rin niya,

kahit gusto pa niya magstay pero nasaktan siya sa narinig habang wala pa sila James nun.

”bagay sila James at Rea di ba”,sabi ni Jena.

“oo nga match made in heaven kung sakali” sabi naman ni Rose.

“anu sa tingin mo ara”?baling ni Jena .

“ah oo naman, gwapo at maganda kaya bagay sila”,sagot ni Ara.

Kahit biruan lang yun masakit ky Ara na hindi sila bagay ni James at kahit alam nilang lahat na may gf na ito.

Hanggang hindi niya namamalayan nahuhulog na ang loob niya kay James , natural ang pagkagentleman at malambing nito, mabait pa, at dahil natatakot siyang masaktan nagdesisyon siyang umalis sa trabaho.

Habang nasa locker

“balita ko may balak kang umalis ‘bungad ni James.

“ah oo may mas malapit kasi sa amin kumpanya at mukhang maganda naman”.

NBSB(No Boyfriend Since Birth) major in Asyumera and katangahan sa pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon