Friendzone

33 0 0
                                    

Usual routine si Ara sa trabaho at hindi niya napansin na may bago silang kaopisina, si Mark ,

kung titignan mo siya hindi siya ung tipong lalaki na pinangarap ni Ara physically, payat ,sakto lang ang height,maputi pero hindi singkit, mapagkakamalan mo pang bakla sa lamya kumilos.

At since maliit lang ang opisina nilang ginagalawan(ipinursue ni Ara ang trabaho na related sa kurso niya, interior designer na siya) madalas ay nagkakasama sila sa mga projects ng mga clients nila sa opisina kaya madali silang nagkasundo,

"hi" bati ni Mark,

"hello" bati ni Ara,

sa simpleng hi at hello nagumpisa ang lahat gaya ng lahat ng romantic movies. Nagkagaanan sila ng loob ni Mark.

Lagi silang magkasabay kumain,umuwi,sa galaan. Hindi napansin ni Ara na unti unti ng nahuhulog ang loob niya rito kahit pa sabihin ng lahat ng tao na bakla siya, may nagsasabi pa rin sa puso niya na lalaki ito.

Malambing si Ara sa halos lahat at kapag crush niya ang lalaki binibigyan niya ito ng term of endearment gaya ng honey ,sweetheart o palayaw na siya lang tumatawag dun.

Sa dalas nilang magkasama napagkakamalan na silang magsyota.

"kayo na ba?"minsan tanong ni Abby, officemate nila,

"hindi chismis lang un"sagot ni Ara sabay tawanan nila ni Mark,

minsan hihiga sa hita niya si Mark habang nanonood ng tv o kaya aalalayan siya sa pag-upo, o kaya sasandal siya sa balikat nito,, pagbabaunan niya ito ng pagkain, magbibilihan ng meryenda ,minsan sagot ni Ara, minsan sagot ni Mark,angsweet,

"gawaing magsyota"minsan nasabi ng kaopisina nilang si Ray(bakla).

Kinikilig si Ara kapag naiisip niya panu nga kaya. Ngayon lang kasi naranasan ni Ara ang ganoong pakiramdam ulit.

Magkatext kau hanggang makatulog . Pakiramdam ni Ara para siyang nasa langit, lagi na niya naiisip si Mark, sa pagtulog niya si Mark at paggising si Mark.Bukambibig si mark

"anu ba to?" nababaliw na ba ako"?,

sambit niya minsan habang nagmemeryenda sila sa starbucks kasama si Jes at Alvin.(mga kaopisina niya)

"gaga, bakla yun",

"pero ang sabi niya straight daw siya, malamya lang kumilos",sagot ni Ara ,

"asyumera, mga bakla kami it takes one to know one" sagot naman ni Alvin.

"o sige nga sabi niya may ex siya may nakita ka bang picture na magkasama sila?"aber",

"wala",sagot ni Ara.

"o di ba,baka confuse pa siya",

sabay tawanan hindi pa rin niya maintindihan pero sa kabila ng sinasabi ng lahat ay natutunan pa ring ibigin ni Ara si Mark kahit na may mga bagay na nagpahiwatig sa kanya na hindi siya nito gusto.

Habang kumakanta ito at sinasabing "ibaling mo na lang sa iba", at gaya ng paghalik niya rito minsan na kinainis nito.nandoon kasi ung kilig pag magkasama sila.

Hindi na rin niya maintindihan ang sarili. Pero lalo pala siyang masasaktan sa hindi niya inaasahang paglayo nito. Totoo ngang hindi nagtatagal ang masasayang bagay.

Akala niya na makukuntento na lang siyang magmahal ng lihim na ang makita siyang masaya ay okay na sa kanya. Martyr b? . Siguro nga.

Isang araw na sa kinasanayan nitong pagyaya kumain ay biglang binaling nito sa ibang babaeng kaopisina na kahit hindi bigyan ng malisya ang pag iwas nito ay indikasyon na alam na nito ang nararamdaman niya. Akala ni Ara okay lang yun pero masakit pala.

"ang sakit pala na iwasan ka at kahit sa text ay hindi ka sinasagot",

ano bang nagawa ko at pati pagkakaibigan eh binalewala mo?'mga tanong na tumatakbo sa kaniyang isip araw araw, na para bang nakasanayan na niya ang pag-iwas nito sa kanya.

Na kahit inuman ay pinapatos na niya makalimot lang sa sakit kahit saglit lang. Na nakakatulugan na niya ang pag-iyak sa kanyang kwarto na parang maninikip ang dibdib niyasa sobrang lungkot at sakit.

Namimiss niya ang dating masayang samahan, naalala tuloy niya

"pigilan mo kung ano man ang nararamdaman mo sa bandang huli ikaw lang ang masasaktan"payo sa kanya nila Nina at Tracy.

Hindi niya akalain na ganun pala kasakit at ngayon niya tinatanong

"bakit"?.

"bakit siya umiwas, na kung umasta siya parang wala silang pinagsamahan, parang normal lang? nasasaktan din kaya siya. Pag-ibig nga kaya"ay anu ba yan narinig na namn niya ang themesong ng "princess hours", 'pag-ibig nga kaya'.

Nakabusangot siyang bumangon sa kama at naghilamos. Iniisip na magkikita na namn sila ni Mark sa opisina at magprepretend na walang problema sa kanila.

Bagay na lalong nagpapasakit sa damdamin niya ang makita siyang masaya at walang pakialam habang siya miserable.

Pero di ba un naman ang gusto niya ang makitang masaya ang taong mahal niya.

Minsan ang hirap intindihin kung ano ba kayo noh?

Friendzone!

NBSB(No Boyfriend Since Birth) major in Asyumera and katangahan sa pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon