Ano ba ang Love?

27 0 0
                                    

Nagfocus sa pag aaral si Ara.Lumalawak na rin ang mundo niya may  mga bakla na siyang kaibigan kaya minsan nag uugaling bakla na rin.(maingay, masayahin ,madalas na magjoke) .  

Unang taon pa lang nila sa kolehiyo may boyfriend na agad si Tracy. Mabait at simpleng tao si Ben . Pero bago sila grumadwet kinailangan ni Ben iwan si Tracy para magtrabaho sa abroad, mas matanda kasi si Ben at nauna na grumadwet .

Third year si Ben at freshman pa lang sila nung unang magkakilala sila Tracy at Ben.

Doon niya nakita kung paano masaktan si Tracy na  siyang dahilan ng paghinto nito sa pag aaral para makabawi sa kalusugan nito sa labis na depression (hindi makakain,laging umiiyak,walang tulog)kaya kinailangan siyang dalhin sa amerika ng parents nito para gumaling at makalimot.

Dito nag umpisang matakot sa pag-ibig si Ara. Ganun ba  kasakit umibig? Tanong niya sa sarili, Naalala niya ang unang pagkikita nila Tracy at Ben.

Nagkatinginan lang sila nun sa tambayan ng mga estudyante ,nakaupo kami at nagkukkwentuhan sa isang bench na gawa sa semento , ganun din sila Ben.

Lumapit siya at nakipagkilala,the usual hiningi ang number ni Tracy at pagbalik niya sa mga kaklase nito e nagkantiyawan.

Naalala niya nung nagkuwento si Tracy,

”girls nagtext siya sa akin kagabi”, kilig na kilig na kwento ni Tracy.

“he is my dream guy,tall,Moreno,maamo ang mata ,may abs haha. ."dagdag pa nito

Dalawang buwan din siyang niligawan ni Ben, At tuwing anniversary nila kasama sina Ara at Nina sa celebration, parang birthday , may cake spaghetti, lumpia, icecream , nagsasaya habang nagswiswimming sa isang resort.

Nakita niya kung paano naging masaya si Tracy sa piling ni Ben, kung paano ito bumuo ng pangarap para sa kanila na parang sigurado na siya, naalala pa niya ang kwento ni Tracy

”ang saya ng may nagmamahal sayo bukod sa pamilya mo, parang kahit anong problema kaya mo kasi pakiramdam mo kumpleto ka at kaya mo lahat."

“mukhang tinamaan ka talaga sa kanya ah”’minsang sabi ni Nina

”pero magtira ka naman para  sa sarili mo”,

”oo naman “sagot ni Tracy.

Na hindi alam na isang desisyon ang babago sa takbo ng buhay nilang dalawa ni Ben.

Ilang araw matapos ang graduation ni Ben, nagusap sila ni Tracy. Gaya ng dati sa condo sila ni Ben naghangout , movie marathon at ipagluluto niya ng pagkain si Ben pero ang simpleng bonding nauwi sa seryosong usapan.

Isang text ang natanggap ni Ara(guys please pick me up here at Ben’s condo) ,kinutoban sila Ara at Nina.

Dalidali silang sumakay sa taxi at pumunta sa condo ni Ben, pagdating nila nasa lobby si Tracy, mugto ang mata. At yumakap ng mahigpit sa kanila, umaagos ang luhang nagkwento na wala na sila ni Ben.

Mga eksenang akala niya sa pelikula lang ,Na hindi niya makikita sa tulad ni Tracy na parang damit kung magpalit ng boyfriend nun.

Mga damdaming sa pocketbook lang niya nababasa. Nakita nila ni Nina kung paano  magunaw ang mundo ni Tracy. At hindi niya makakalimutan ang huling katagang binitawan daw ni Ben

”come what may”.

 
  

NBSB(No Boyfriend Since Birth) major in Asyumera and katangahan sa pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon