Bloody III [EDITED]

12.1K 428 39
                                    

Sheerina POV

"Hindi ka ba sasali?" Tanong sakin ni Nasqued.

Kayanin ko kaya? Kayanin kong pumatay ng mga mortal?

"Sasali ako." Sabi ko atsaka tumayo. Sasali lang ako pero pinapangako kong hindi ako papatay.

Sasali lang ako para sa kagustuhan ni Nasqued at ni Mia.

O sa kagustuhan ko rin...

"Yey! That's good! Tara na tara na!" Tuwang tuwang sabi naman ni Mia habang pumapalakpak pa.

At gaya ng inaasahan, nandito na kami ngayon sa fill up-an ng mga kalahok.

Nakita ko doon ang lalaking may kulay puting mata. Maging ang lalaking may kulay pulang mata na nagngangalang Sick.

Sasali sila?

Kaya nga sila nandito. Malamang.

Tinignan ko ang mata nila at kumabog ang dibdib ko. Bakit ba nakakatakot ang dalawang lalaking ito?

"Omay gosh. Sasali na naman ang dalawa. Mainit na laban na naman." Sabi ni Mia. Medyo natatawa tawa pa nyang sabi.

Napakunot noo naman ako. Anong sasali na naman?

Mainit na laban na naman?

"Since highschool sila na ang magkalaban. Si Ashton yung may kulay puting mata at si Sick naman ang pula. Simula nung highschool laging nagpapagalingan ang dalawang yan. Ngunit minsan si Sick ang top 1 blooder." Pahayag ni Nasqued. Sinusuri ng mata ko ang itsura ni Sick at ni Ashton.

Tindig pa lang, mapapaatras ka na.

"Wag mong tignan. Pag ikaw nahuli nyang nakatingin." Bulong ni Mia sa aking tenga at saka ko iniiwas ang mata.

"Minsan naman pangalawa lang sya at si Ashton ang pang-una. Pasalit salit lang yan dalawang yan." Dagdag ni Nasqued. Mukhang alam na alam nya na ang daloy ng kompetisyong ito.

Napatango tango nalang ako.

"Bakit ba nila gusto maging isang top blooder?" Nakakunot noong tanong ko.

"Dahil marami ang benefits na makukuha mo. At isa pa, iisipin ng lahat na nakakatakot ka. Kakatakutan ka nila." Paliwanag ulit ni Nasqued. Naliliwanagan naman ako kahit papaano sa mga sinasabi nya.

Pero bakit kailangan nilang katakutan? Hindi ba nakakalungkot kung lalayuan ka ng mga nasa paligid mo?

"Ano naman yung Ring Blooder?" Takang tanong ko pa ulit.

"Yung ring blooder ay mas mataas pa sa top blooder. Pag naka graduate ka sa university na yun habang di naalis ang pagiging top blooder mo, isa ka na sa hihirangin bilang Ring Blooder" Paliwanag na naman ni Nasqued. Tumango nalang ulit ako.

Sa pagka-paliwanag nya ng Ring Blooder, pakiramdam ko, biglang nag-init ang nararamdaman ko.

Para bang... Ewan!

Hindi ko namalayan kakatanong ko, kami na pala ang susunod na magfi-fill- up ng form.

Nangyari na nga ang nangyari at ipinasa na namin ang form na finill- up-an namin.

Wala ng atrasan to.

Pag balik namin sa classroom, wala daw klase at may meeting ang mga teacher.

Bihira nga lang ata magklase dito sa paaralang ito. Laging may meeting ang mga guro, o di naman kaya ay hindi nalang bigla umaattend sa klase.

'Sigurado na ba ko sa pinasok ko? Pero kung hindi man, napasa ko na ang form! Paano kung matalo ako? Hindi ko pa yata kaya ang makipaglaban ulit!'

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon