XVII - A team

7.8K 338 26
                                    

Sheerina

''Na... na... Nasqued'' Natatakot na sabi ni Mia na parang patulo na ang luha.

Ang babaeng sumisigaw ay walang iba kung hindi si Naqued. Ang kaibigan namin na nawawala.

Hawak-hawak sya ngayon ng isang medyo kalakihan na halimaw sa kwelyo.

Mukhang nasasakal na ito.

''Bi-bitawan mo sabi ako!'' Nahihirapan man na magsalita, ramdam mo pa rin ang tapang sa boses nya.

Medyo lumuha ang mata ko.

Nagsasama ang tuwa dahil nakita na namin si Nasqued.

At ang lungkot dahil bakit kailangan nyang mapunta dito?

Lalapitan ko na sana syang hawakan ni Raven ang braso ko.

''Kung susugod ka ngayon, pati ikaw mabibihag nila.'' Sabi nya habang nakatingin sa mata ko at nakahawak sa braso ko.

Tinanggal nya na ang pagkakahawak at hindi ko sya pinakinggan.

Tumuloy pa rin ako sa paglalakad.

Malapit na ko kay Nasqued ng biglang may malakas na pwersa na humawak sa kamay ko.

Agad akong napalingon sa likod. Si Sick.

Ngayon ay nakadapa kami sa damuhan.

Nanlaki ang mata ko at handa na syang sigawan.

Pero tinakpan nya bigla ang bibig ko.

''Parang may nakita akong babae dito kanina'' Rinig kong sabi ng isang malaking boses.

''Kasamahan lang natin yon. Tara na, tawag na tayo ng pinuno'' Rinig ko panng sabi ng lalaking boses.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang mga kasamahan kong nakadapa rin at nakatago.

''Ipapahamak mo pa kami.'' Sabi ni Meridette at tumayo na sila.

''Kailangan natin gumawa ng plano'' Sabi naman ni Ashton habang nag-iisip.

''Kung ganon, ano ang plano? Lalo na ngayong kumplikado na ang lahat'' Naguguluhan na sabi ni Daemon, inakbayan naman sya ni Elliot.

''Chill, kaya natin to.'' Pagpapalakas ng loob na sabi ni Elliot.

''Sorry, what did you say? Chill lang? Nawawala na yung kasamahan natin.'' Nagpipigil ng galit na sabi ni Meridette at napahilamos sa mukha.

''Kung hindi sana tayo pumunta dito, hindi mawawala si Chaos.'' Naiinis pa na dagdag ni Meridette.

''Sumunod nalang tayo kay Ashton. Anong plano?" Sabi ni Veruca at tumingin kay Ashton.

''Tignan nyo sila. Mukhang may pagpupulong.'' Sabi ni Ashton at ginawa namin ang sinasabi nya.

''At pumapasok sila sa parang isang malaking kastilyo?'' Nalilito na sabi ni Daemon.

Naguluhan din ako sa nakita ko.

May kastilyo dito?

Ang kastilyo ay sira-sira na at puro lumot na.

''Bitbit-bitbit nila si Nasqued.'' Nakamasid ng maigi na sabi ni Sick.

''Pakawalan nyo sabi ako!'' Hindi pa rin tumitigil sa kakasigaw si Nasqued.

''Hindi ka ba talaga mananahimik?'' Tanong nung malaking halimaw.

''Ipasok sya sa hawla.'' Sabi nito at pinasok nga sya sa isang malaking hawla!

''Sino to?'' Tanong nung babaeng kakadating lang.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon