XXXV - End

7.8K 367 126
                                    

Sheerina

"Ah Sick." Nahihiyang tawag ko sakanya. Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa bahay namin.

Trip daw nilang maglibot-libot.

"Uy may park oh! Tara, tara!" Sigaw ni Elliot at tinuro ang parke. Maganda nga dito dahil may mga iba't-ibang kulay ng ilaw.

Sumunod kami kay Elliot at umupo kami sa damo na nakapaligid dito.

Samantalang si Elliot ay hinahatak kung saan-saan si Daemon.

Si Chaos naman ay naniningin-ningin din.

"Sick." Tawag ko kay Sick. Pakiramdam ko kasi may galit sakin 'to. Simula nung bumalik kami ni Chaos ganyan na yan. Hindi namamansin.

Hindi rin ako tinitignan.

'May ginawa ba ko?'

"Oy Sick." Tawag ko ulit sakanya at pinitik pa ang braso nya. Pero syempre, ganon pa din. Hindi pa rin ako iniimik.

"Ma-may nagawa ba ko?" Hindi ko na naiwasang magtanong. Ano bang mali?

Teka nga, bat ba parang aligagang-aligaga ako?

Bat ako na-bobother? Hays ang hirap mag-isip!

"Sick." Tawag ko ulit at tinignan sya sa mukha. Iniiwas nya ang paningin nya saakin at tumayo.

Bat ko ba kasi sinusuyo 'tong lalaking 'to e sa pagkakaalam ko ay wala akong nagawang mali sakanya.

Tumayo sya at nagsimulang maglakad-lakad sa park.

Kahit medyo naiinis ako, hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil sa ganda ng mga disenyo dito.

Mga magagandang bulaklak, mga ilaw na iba't-iba ang kulay.

Mayroon ding fountain ito. Mabuti nalang at naglakad kami at nakita namin ito.

Dati kasi hindi ganito ang disenyo. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta sa lugar na 'to.

"Sick hoy." Naka-angat ang kilay na tawag ko sakanya. At sa wakas! Lumingon na sya!

Ang dalawa nyang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pambaba, at medyo nakatagilid sya habang nakatingin sakin.

"Ma-may nagawa ba ko?" Inis na tanong ko. Oo naiinis ako dahil ngayon nya lang ako pinansin!

"May nagawa ka ba?" Balik tanong nya. Hindi ba't ako ang nagtatanong? Paano nabalik saakin ang kwestiyon?

"Hi-hindi ko alam." Nauutal na sabi ko dahil wala talaga kong maalalang ginawang mali. Promise.

"Hays." Sabi ni Sick at nagsimulang maglakad ulit. Syempre ako, sinundan sya. Gusto ko kasing malaman.

"Ano nga?" Tanong mo sakanya at hindi man lang ako nilingon ng lalaking 'to.

"Hoy." Tawag ko dahil bumibilis na ang lakad nya. Hindi ako makahabol! Teka lang!

"Bagalan mo naman." Reklamo ko at patuloy ang pagsunod sa kanya na parang buntot nya.

Pero sa halip na bagalan, mas lalo pang binilisan ng lalaking 'to. Sa tingin ko nga nagja-jogging na sya e.

Sa inis, ibinato ko nalang sakanya ang maliit na kahon.

Tignan lang natin kung hindi pa to huminto.

At hehe, nagwagi ako. Napahinto ko sya!

Dahan-dahan nya akong hinarap at pinulot nya sa baba ang kahon na maliit.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon